Chapter 18
Andrea's POV
Tatlong linggo na rin pala nung first monthsary namin ni Liam. Grabe, unforgettable experience ko 'yun. Pagtapos nun back to normal na naman kami.
"Drew, nasaan nga pala si Xander?" tanong ko kay Drew habang naglalakad papunta sa room.
"Tulog pa ang ogag. Dinaanan ko kanina. Sabay sana tayong tatlo pumasok." paliwanag niya.
Napatango nalang ako, hayst. Miss ko na rin si Xander.
Pagkarating namin sa room wala pa ang teacher namin. Tumingin ako sa wrist watch ko at damn, thirty minutes pa bago magsisimula ang klase. Makipagchismisan nga muna.
"Andeng, halika nga." tawag sa'kin ni Ethan.
"Bakit?" tanong ko.
"May magic tricks na ipapakita sa'yo si Xyrille." paliwanag ni Robert.
"Aba. Saan mo naman natutunan 'yan, Xy?" tanong ko nang makaupo ako sa katabi nilang silya.
"Ano na naman 'yan?" tanong ni Drew na sumunod pala sa'kin.
"Magic tricks nga eh. Tanga ka ba?" tanong sa kaniya ni Thom.
"Taph taph taph." pag-awat ni Robert sa kanila. Hayst. Feeling referee amputa.
"Mga nimal, titingin pa ba kayo ng magic tricks ni Xyrille o ano?" tanong ni Jesse.
"Mga nyeta, kanina pa ako nakaabang sa inyo. Mga BASTOS." sabi ni Xyrille.
"Huwag ka na malungkot, Xy. Gusto mo pagkain?" sabi ni Ian sabay abot ng banana muffin.
"Isa ka pang kupal ka eh." sabi ni Xyrille sabay batok.
"Nagmamagandang loob na nga yung tao eh." sabi ni Ian at hinimas yung batok niya.
"Labas ako diyan mga gago." sabat ni Josh.
"Bakit ang tahimik mo ngayon, Josh? May problema pa ba?" tanong ko.
"Wala. Wala naman. Ayos naman lahat." sabi niya.
"Hindi ka naman tahimik dati ah. Anyare ngayon?" tanong ni Thom.
"Ewan ko ba." maikli niyang sagot.
"Pepektusan ko kayo, kanina pa kami naghihintay ni Xyrille dito!" sigaw ni Jesse kaya naman napatigil kami.
"Hayst. 'Yan tuloy sumigaw na." sabi ni Robert.
"Putcha. Manood nalang kasi muna kayo." sabi ni Xyrille.
Sinunod nga namin yung sinabi ni Xyrille, si Ian ang pipili ng card at huhulaan ni Xyrille ang card ni Ian.
"Sabi ka ng stop." sabi ni Xyrille at sinimulan na ang pagbalasa.
"Tigil." sabi ni Ian.
Napa-face palm nalang kami sa sinabi ni Ian. Kahit kailan talaga hindi sumusunod ng tama.
"Tangna ka, Ian. Oh, tignan mo yung card. Ipakita mo sa kanila pero huwag mo ipakita sa akin." Sabi ni Xyrille.
Nagkibit balikat nalang si Ian habang kumakain pa rin ng banana muffin. Pinakita niya sa amin yung card at napatango kami.
"Ibalik mo ang card dito." Turo ni Xyrille.
Sinunod din ni Ian, at kasabay no'n ang pagbalasa ni Xyrille sa baraha.
"Sabi ka stop." Habang binabalasa pa rin ni Xyrille ang baraha.
"Tigil." Maikling sagot ni Ian.
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...