Chapter 1: Hugot
Hi! Ako nga pala si Andrea Y. Lee. Grade 8 nag-aaral sa State Fields University.
13years old. At naniniwala ako sa kasabihang ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan, malamang natulala na sa aking kagandahan. Hahaha, malapit na matapos ang school year! Ibig sabihin SUMMER NA! Yes!!! Di na ako makapaghintay. Well, sige papasok na ako sa school.At School
Wala na kaming masyadong gagawin ngayon kasi nga malapit na mag bakasyon. Unting linis lang ng classroom, then pwede na umuwi o kaya mag attendance ka lang sabay layas na.
Dito sa school, hindi ako loner. Marami akong kaibigang laging andiyan para sa akin. Yung mga kaibigang hindi mauubusan ng mga jokes. Yung mas nakakatawa pa ang tawa niya kaysa sa kanyang jokes. Yung mga Hugot Lords kuno. Eh ako naman ang pinaka sa kanila pag dating diyan eh, haha. At yung mga kaibigang masasandalan mo sa oras ng kahirapan.
"Andeeng!"
"Ay palaka!" Kagulat amputik
"Andeng, san ka mag babakasyon?"- nakangiting sabi sa akin ni Jesse.
"Di ko alam eh, siguro uuwi din muna kami sa probinsya,ikaw saan kayo?"
"Siguro sa......... Hahaha ewan ko kay mudra"
"Hahaha, saan na nga pala sina Joshua?"
"Ah, nandun sa baba. Kanina pa kita hinahanap, tara puntahan natin sila"
"Sige"
Bumaba kami at hinanap sina Joshua. Pero may naririnig kaming mga ingay galing sa Science Lab.
"Paluin mo dali!"
"Teng ene, wait lang. Ang hirap kaya"
"Oh, talo ka nanaman!"
"Tanga, ang daya mo!"
"Di mo lang ako matalo. Haha"
May naririnig din kaming may nag gigitara. Walang duda, mga ugok ko tong kaibigan. Bigla kaming pumasok sa Sci Lab. Di nga ako nagkamali. Nandidito sila, haha. Sina Xyrille at Thom ay naglalaro ng Table Tennis. Sina Christian at Robert ay naglalaro ng Chess. Si Ethan nag gigitara, at si Joshua? Ayun, tulog. Tuloy laway pa nga amputs.
"Ang iingay niyo!"
"Uy, Andeng! Tara laro tayo"-Xyrille
"Hahaha, sige kayo muna"
"Oy, bro. Dito ka, dali"-Ethan
"Hahaha, tignan mo nga naman. Si Joshua tutulog nalang, tulo pa ang laway."
"Andeeeng!"-Robert
"Oh, bakit nanaman?"
"Ang duga ni Christian!!"-Robert
"Tanga ka, anong maduga? Di mo lang talaga ako matalo. Haha"-Christian
"Tahimik ka nga Christian! Yabang neto."-Thom
"Oo na, oo na"-Christian
"Hindi pa ba tayo uuwi?"
"Anong oras na ba?-Ethan
"Mga 9:30 pa lang"-Thom
"Inis yan, kala ko mga 11 na"-Christian
"Lakad-lakad kaya muna tayo"-Jesse
"Pwede rin, kaso katamad man"
"Ilang araw nalang, magbabakasyon na."-Xyrille
"Sige, food trip nalang tayo. Libre ni Joshua. Gisingin na natin toh" sabay tingin ko kay Josh. Hahaha ugok talaga toh.
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...