Chapter 15

21 1 0
                                    

Chapter 15: 1st Monthsary PART 1

Xander's POV

Gusto kong sakalin si Liam habang nanonood kami ng palabas. Fuck! Mas inuuna pa niya ang walang kwentang tawag na 'yun kaysa kay Andrea? Anong klaseng boyfriend siya?

"Edi sana ikaw nalang ang naging boyfriend ni Andrea." bulong ng subconscious ko.

Mapait akong napangiti. "Kung pwede, sana ako na lang."

"Nyeta ka, Xander. 'Wag kang kakanta." bulong ulit ng subconscious ko.

Napairap nalang ako sa hangin. Nababaliw na ako, pati sarili ko kinakausap ko na din .

Napansin kong sinundan ni Andrea ng tingin si Liam habang naglalakad palayo at may kausap. Sumitsit ako dito pero mukha atang hindi ito narinig. Lumapit nalang ako dito at bumulong.

"Keep your eyes on him."

Humarap si Andrea sa sa'kin at ang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Wow, ang galing 'di ba?

"Bakit naman?" inosenteng tanong ni Andrea.

I shrugged, "I smell something fishy and I don't like it."

Mataman na tinignan ni Andrea si Liam sa nakangiti habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Bumalik ulit ang tingin ni Andrea sa'kin.

"Sino kaya ang kausap ni Liam at ganun nalang siya ngumiti?" tanong ni Andrea. Bakas sa boses niya ang lungkot. Nawalan na siya ng pakialam sa palabas.

"Di ko alam. I don't wanna jump into conclusions without bases." sabi ko sabay hagod sa likod niya.

"Yah. 'Di ba sabi ko sa'yo na 'wag mo 'kong ma-English? Hindi ka American." sabi niya sa'kin at pinandilatan ng mata.

So cute.

Shit! Ano ba 'tong nasa isip ko. Nyeta ka, author! Burahin mo 'yan!

EsJi_Yu: Baka gusto mong burahin kita dito sa story?

Ah, hehe. Sabi ko nga po. Hindi na po.

"Hindi nga ako American, gwapo naman." sabi ko sabay wink sa kaniya.
"Kayong dalawa. Manahimik nga kayo, may nanonood." saway sa'min ni Andrew. 

Nakatinginan kami ni Andrea saka tumawag nang mahina.

God, sana hindi magagalit si Andrea sa'kin pag nalaman niya ang totoo.

With that, sumandal sa'kin si Andrea at inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Thank you, best friend." sabi ni Andrea na nakapikit.

Napangiti ako sa sinabi niya at hinaplos ang buhok niya.

"You're always welcome." pagkasabi ko no'n, di ko napigilan ang sarili ko at halikan ko ang buhok niya.

Pabiro niyang tinampal ang braso ko, "Ano ka ba, Xander? Babaho na ang buhok ko nito eh." saka tumawa.

"Hindi ah, mabango kaya hininga ko." umakto ako na inaamoy ang hininga ko.

"Baho kaya." sabi niya saka tinakpan ang ilong niya gamit ang isa niya kamay.

"Mabango nga sabi."

"Baho."

"Mabango nga."

"Mabaho nga."

"Gusto mo halikan kita nang malaman mo?"

Nakita kong umawang ang mga labi niya at halatang nagulat siya sa sinabi ko. 

Cute.

Nyeta ka, author.

The Loyal Being Played (ON GOING)Where stories live. Discover now