Chapter 16: 1st Monthsary PART 2
Andrea's POV
"Andrea."
Natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko. Kilalang kilala ko ang boses na 'yon.
Tulad ng mga ilang palabas, parang slow motion ang pagkilos ng paligid at dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun.
"Liam."
As if on movies, dahan-dahan din siyang naglakad papalapit sa'kin. May dalang bouquet ng bulaklak. Nakangiti, that smile, nakakatunaw. Nyeta ka Andeng, get yourself together.
"Tulala ka ata." pabiro niyang sabi sa'kin.
"Ikaw may kagagawan lahat ng 'to?" tanong ko sa kaniya.
"Well, oo. I asked for help naman. Pangit ba? Hindi mo ba nagustuhan?" Sunod-sunod niyang tanong.
Pinanliitan ko siya ng mata sabay hinampas sa braso.
"Anong pangit? Anong hindi nagustuhan? Ang ganda-ganda kaya oh." sabi ko sabay lingon sa paligid.
"Buti nalang nagustuhan mo." para siyang nakahinga nang maluwag dahil sa sinabi ko.
"Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, Liam. Kahit wala ng mga ganitong pasosyal basta't kasama kita, wala na akong hahanapin pang iba."
Napansin kong napatigil si Liam kaya hinampas ko siya nang mahina sa braso.
"Hoy, narinig mo ba sinabi ko? Parang hindi naman ata eh." sabi ko sa kaniya.
"Ahm. Hehe. Sorry. Nabigla lang ako." sabi niya sabay kamot sa batok.
"Lah. Bakit ka namumula?" tanong ko sabay pinindot-pindot ang pisngi niya.
"Sa init siguro." sabi pa niya."Lol, anong init? Eh ang lamig ng hangin dito. Kinilig ka lang kamo. HAHAHA." sabi ko sa kaniya at tumawa.
Siya naman panay ang kamot sa batok niya, "Bahala na. Tara."
Hinawakan niya kamay ko at hinila.
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya."Basta." maikli niyang sagot.
Tumahimik nalang ako habang nagpapahila kay Liam. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng view dito sa dalampasigan. Ang sariwa ng hangin hindi tulad ng nasa lungsod.
Biglang huminto si Liam sa harap ko kaya nabunggo ako sa likod niya.
"Aray naman." sabay hawak sa noo.
"Haha. Sorry. Andito na tayo." sabi niya.
Napatigil ako sa pagmasahe sa noo ko nang makita ko ang tinutukoy ni Liam. Damn. Ang ganda.
Dinner table for two. May vase ng roses sa gitna ng lamesa. May mga nakapaligid na kandila. Parang pang fairytale lang ang peg.
"Andrea. Hey, you okay?" saka lang ako natauhan ng pinisil ni Liam pisngi ko.
"Ah. Oo. Okay lang ako. Ano ka ba?" sabi ko sa kaniya.
"Hindi ka ba nagandahan? Pangit ba?" tanong niya sa akin at halata sa kaniya na nininerbyos siya.
"Lah. Hindi ah. Ang ganda-ganda kaya. Natulala nga ako kanina eh." sabi ko sa kaniya saka ngumiti.
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. "Kinabahan ako do'n. Akala ko kasi di mo magugustuhan."
Tinignan ko siya na naka poker face. "Really, Liam? Hindi ko magugustuhan? Di ba nga karaan ka pa nagtatanong kung anong gusto ko sabi ko basta kasama lang kita okay na ako."
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...