Chapter 7: Dream
Someone's POV
Hindi pa rin ako natutulog dahil naghihintay pa rin ako sa reply niya pero bigo ako dahil hindi siya nag reply. Sigh.
"I hope you still remember me, Andrea." Sabi ko sa sarili ko.
Tinignan ko ang mga pictures namin dito sa kwarto ko.. At hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatingin sa mga pictures namin dito.
Bata pa kami dito at nasa park kami kung saan madalas kami maglaro nung bata pa lang kami.
Magkaakbay kaming dalawa ni Andeng dito sa larawan.
Alam kong hindi niya maalala ang mga iyon dahil sa isang aksidente.
Isang aksidente kung saan sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kaniya.
Naipikit ko na lang ang mata ko dahil bumabalik ang mga nakaraang alaala, tumingin na lang ako sa itaas upang hindi na tuluyang bumagsak ang mga nagbabadyang luha na kanina pa gustong kumawala.
Naibalik ko ang aking atensyon sa litrato sa cellphone ko.
Sa ngayon, hindi muna dapat ako magpadalos dalos dahil ayokong biglain siya. Hahanap muna ako ng tamang oras at panahon.
Ang tanging magagawa ko lang muna sa ngayon ay ang bantayan, samahan at pasayahin siya anuman ang mangyari.
Lalo na't naririyan si Liam, wala akong tiwala sa kaniya.
Saktan na niya ang LAHAT wag lang siya.
Huwag lang si Andrea.
Andrea's POV
"Drea!"
Sabi ng isang batang lalaki sa akin at umupo sa tabi ko. Andito kami ngayon sa kwarto ko.
"Bakit J.A.?" Tanong ko sa kaniya na ikinangisi niya.
"Namiss kita!" Sabi niya sa akin sabay niyakap niya ako. Niyakap ko din siya pabalik dahil namiss ko rin ang best friend ko.
Biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang isang pang batang lalaki...Si Andrew.
"Bro!" Sabi ni Andrew at nakipag fist pump kay J.A.
"May dala kami nina mommy at daddy na pasalubong para sa inyo." Sabi ni J.A. sa amin.
"Yes! Thank you bro! The best ka talaga!" Ani ni Andrew. "Bababa na ako, hindi pa ba kayo susunod?" Tanong niya sa amin at binuksan na ang pinto ang lumabas.
"Drea, pag nauna kang bumaba ibibigay ko sa'yo ang hoodie ko" turo niya sa hoodie niya. "Pero kapag ako ang naunang bumaba, akin ka." Ngumiti ito sa akin. "What do you think? Deal or deal?" Inilahad niya sa akin ang kamay niya at kinamayan ko yun. "Sure." Nakangiti kong tugon. I will get his hoodie for sure.
Andito kami sa tapat ng hagdan at nag inat inat pa kami.
"One..."
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...