Chapter 17: Playground
Andrew's POV
Masaya akong nakikitang masaya ang kambal ko. Di ko alam pero nawawala na ang pagkadisgusto ko kay Liam. Hayst. Ang weird nga eh, siguro nga dahil na rin nakikita ko na happy si Andeng sa kaniya kaya okay na ako sa kaniya. Si Xander naman, okay na rin kay Liam. Lahat naman gagawin namin para masigurado namin na okay lang si Andeng. Might sound cheesy but I don't give a damn. She's my twin sister and as her twin brother, she is my responsibility until the day she get married. Hayst. Napapa-English na naman ako na wala sa oras. Life nga naman, parang buhay.
Andito kaming dalawa ni Xander ngayon sa 7/11 dito sa bayan. Nangyaya kasi si Xander na pumunta rito pero hindi ako pumayag at dahil sinabi niya ang magic word na 'libre kita' aba hindi na ako nagdalawang isip pa. Libre 'yan eh at bihira lang manlibre si Xander as in bihira lang talaga. Hayst. Di ko nga alam kung anong nakain nito eh.
Kung tatanungin niyo kung anong ginagawa namin, heto, kumakain ng ice cream solo pack. Baka nga isipin ng iba na mag syota kami at bisexual. Like, dafuq? Sa gwapo naming 'to? Hayst. Kanina nga habang papasok kami may mag syota na nakatingin sa amin at binigyan sila ni Xander ng signature look niya na 'Fuck off' look kaya ayun hindi na ulit tumingin sa'min.
Wala ako sa mood makipag ganiyanan kaya hinayaan ko nalang si Xander ang gumawa.
Kanina pa kami nandito pero hindi pa rin natatapos kumain. Hayst. Paano ba naman kasi, ang arte-arte ni Xander.
"Kung ginawa mo pa kasi 'yun edi nakabalik na sana tayo sa beach house kanina pa." reklamo ko ulit.
"Dude, pang ilang reklamo mo na 'yan? Isa pang reklamo tsitsinelasin ko na mukha mo." pagbabanta niya sa'kin.
"Hayst. Ang arte mo kasi eh." pabulong kong sabi.
Mukhang narinig ata ni Xander dahil umasta siyang kukuhain ang tsinelas niya.
"Hindi na nga. Hayst." sabi ko.
"Kung ikaw nalang kasi kumuha edi sana tapos na kayo kumain. Bugok ka rin minsan eh." sabi niya sa'kin.
"Nahihiya ako eh. Tsaka ikaw ang nangyaya, ikaw dapat ang humingi ng kutsara para sa ice cream natin." depensa ko.
"May hiya ka din palang kumag ka. HAHAHA." sabi niya saka tumawa.
"Tangna mo talaga, pepektusan kita diyan." sabi ko at pipitikin ko na sana siya nang biglang tumunog cellphone niya.
Kinuha ni Xander ang cellphone niya sa bulsa ng denim shorts niya. Siguro may nag message dito. Sino kaya? Binasa lang niya ang nasa screen at binalik agad ang cellphone sa bulsa niya.
"Sino 'yun?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, wala 'yun. Nag notif lang yung ML sa'kin." sabi niya saka kumain ulit ng ice cream.
Napa-face palm nalang ako. Hayst. Ngayon alam ko na kung bakit mag best friend kami nitong kumag na 'to.
"Ano, uuwi na ba tayo? Maghahating-gabi na." tanong ko sa kaniya saka pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
"Maya-maya na siguro. Gusto ko mag road trip eh." sabi niya.
"Saan naman?" tanong ko.
"Kahit saan." matipid niyang sagot.
"Kung suntukin kaya kita. Malaman mo kung saan ka lulugar." Leche, lakas makagago eh.
"Fuck off dude. I'm not in the mood to argue with you." sinabayan niya pa ng fuck-off look niya. Hayst. Ano na naman kaya ang nangyari dito?
"Mind telling me why?" tanong ko.
"Siguro naman alam mo eh. Gusto mo lang marinig mula sa'kin." nakatuon lang siya sa ice cream niya.
Sabi na nga ba eh, hayst. Poor Xander.
"Okay lang 'yan, dude. Magpakaliwaliw muna tayo ngayong gabi. Gusto ko rin munang maglakwatsa. Syempre libre mo. Ikaw nangyaya eh." sabi ko tas tapik sa balikat niya.Tinaas niya yung isa niyang kilay, "Seriously? Ako nalang lagi ang manlilibre? Dude, kailangan ko ring magtipid 'no. You know, for the future." sabi niya.
"Sabagay. Hayst." sabay buntong hininga.
"Arat, alis na tayo." sabi niya saka tumayo at tinapon ang wala ng laman na lalagyan ng ice cream. Ako naman sumunod din sa kaniya papunta sa kotse.
Kung iisipin ng marami bata palang may kotse na. Well, that's the life here.
Pagkarating namin sa parking lot tinanong ko siya kung sino ang magdadrive. "Sino naman ang magdrive? Hindi ko rin alam kung saan tayo pupunta eh." sabi ko sa kaniya."Ako nalang. Ako naman ang nang-aya sa'yo." pagkasabi niya no'n binigay ko agad sa kaniya ang susi, pumasok na siya sa kotse at ako umupo sa shot gun.
Nistart na niya yung makina at pinaharurot. Nakakapagtataka nga kasi nga bata pa kami at nakakapagdrive na kami ng mga kotse. Hayst.
Hindi naman kompleto ang road trip kung walang music. Kaya ayun, nagpatugtog ako at yes, same taste of music kami ni Xander. Pansin ko na wala masyadong tao ang dinadaanan namin ni Xander at parang familiar sa'kin. Parang lang naman.
"Dude, saan na ba tayo? Hindi ba tayo naliligaw?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi." maikli niyang sagot.
Binalik ko nalang ang atensiyon ko sa kalsada. Hayst. Saan na naman kaya ako dadalhin nito?
Natigil ako kasabay nang pagtigil ni Xander ng kotse. Una siyang bumaba at sumunod naman ako.
Huminto kami sa isang park. Hating gabi na pero marami pa ring mga tao. Bakit kanina walang taong dumadaan? Hayst.
"For vehicles lang kasi yung daan na dinaanan natin kanina, kaya walang tao." sabi ni Xander.
"Nababasa mo nasa isip ko?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Hindi. Pero halata sa mukha mo." sabi niya.
Napatango nalang ako. Pumasok siya kaya sumunod nalang din ako. Di ko alam pero may something sa lugar na 'to. Di ko lang ma-explain.
Ang ganda ng park, sa totoo lang. Yung mga pine trees at yung iba pang mga puno merong mga fairy lights. Kung kasama lang namin si Andeng tuwang-tuwa na 'yun kanina pa. Madali lang naman pasayahin si Andeng eh. Hayst.
Umupo kaming dalawa ni Xander sa isang bench sa ilalim ng isang pine tree. Ang daming mga babaeng kasing edad lang namin ang tumitingin. Hayst, 'yan ang mahirap pag gwapo eh. Tas dalawa pa kami ni Xander. Paano nalang? Pero kung iniisip nilang bading ang isa sa'min aba'y ga... Sasapakin ko sila.
Nilingon ko si Xander kasi kanina pa siya tahimik. Ang layo na tingin niya, hayst. Ano na naman kaya ang nasa utak nitong kumag na 'to kung meron man siyang utak?
"Nga pala, bakit ba tayo nandito?" tanong ko sa kaniya.
"Wala lang. Naisipan ko lang." sagot niya.
Ginala ko ang tingin ko sa kabubuan ng park. Di ko talaga maiwasan sabihin sa sarili ko na 'familiar ang lugar na 'to.' Marami ring mga bata dito. Hindi ba dapat tulog na sila sa mga oras na 'to? Sinundan ko naman ng tingin yung mga batang nagtatakbuhan. Ang cute. HAHAHA.
Ganun din pala ang ginawa ni Xander. Sinundan niya rin ng tingin yung mga bata hanggang sa makarating sila sa isang playground.
Teka nga.
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...