Chapter 14

12 2 0
                                        

Chapter 14: Eye on him

Andrea's POV

"Since kindergarten pa magkaibigan na sina Trixie at Liam. Pero nung grade 5 ay lumipat sa ibang school itong si Trixie, lumipat din sila sa ibang bansa kaya parang naging malungkot si Liam. Si Trixie lang kasi ang laging nandiyan para kay Liam. More like childhood best friends sila." Sabi ni Xander.

"Teka, teka. Paano mo nalalaman ang lahat ng 'to? Di ba transferee ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"I have sources." Sabay ngumiti siya.

Tumango-tango nalang ako, sabagay may pagkachismoso rin itong lalaki ma 'to.

"Hindi ako chismoso." Pagdugtong niya tas nakasmile pa din.

"Nababasa mo ba ang nasa isip ko?"

"Nope, it's written all over your face." Paliwanag niya.

"Tss, oo na. Ituloy mo nalang yung kwento, will yah?"

He smiled, "Your wish is my command."

"Nung Grade 7 bumalik na ng bansa si Trixie, syempre si Liam excited kasi nga mag best friends sila. Pero may nagbago kay Trixie. Hindi na siya tulad ng Trixie na nakilala ni Liam. Dahil nga sa ibang bansa siya nag school for 2 years, naging party-goer si Trixie. Pero hindi pa rin nagbago ang pakikitungo ni Trixie kay Liam, in fact parang mas naging sweet nga eh compared sa dati..."

"Halata nga eh." Pagsingit ko.

"Chillax..."

"Sige na, magkuwento ka pa." Sabi ko sa kaniya kasi bigla siyang huminto.

"Hey, that's far as I can tell." Sabay nag shrug nalang siya.

"Don't you English me, wag ka ngang feelingero na Americano ka." Paano ba naman kasi, sigeng English.

"Tss, hindi nga Americano pero kasing puti naman nila." Depensa niya.

"Edi ikaw na ang maputi." Paslakan kita ng isang bote ng glutathione pills eh.

"Oo na, ito naman. Maiba nga, gaano na kayo katagal ni Liam?" Tanong niya sa akin.

"Ah... Mag-iisang buwan na din." Sagot ko.

"Malapit na ba monthsarry niyo?" Tanong ni Xander.

"Oo, sa Lunes na."

"Anong balak niyo?" Teka nga, ano nga bang balak namin.

"Hindi ko pa alam eh, hindi pa kasi kami nakakapag-usap ni Liam nang maayos." Sagot ko.

"Okay. Tawagan ko nalang siya, papuntahin ko dito." Sabi ni Xander sa akin.

"Ha? Wag na, kasi..."

"Bakit naman? Para makapag-usap kayo." Sabay ni-dial na niya ang number ni Liam.

"Liam, may gawa ka ba?... Punta ka dito kayla Andrea... Wala naman, mag-usap kayo... Sige, sige..." Saka niya ni-end ang tawag.

Nilingon naman ako ni Xander saka siya nag smile sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mata kaya napatawa siya nang mahina.

"What?" Tanong niya.

"I'm gonna kill you." Sabi ko sa kaniya.

He just smirked at me, inirapan ko nalang siya. I'm gonna kick the shit out of him. I'm not in the mood para kausapin si Liam, nag-iinit ang ulo ko. Walang nagsalita sa aming dalawa ni Xander. Nilaro laro ko lang ang daliri ko habang siya naman nakatingin lang sa cellphone niya. Bigla naman akong napatingin sa kaniya nang bigla siyang nagsalita.

The Loyal Being Played (ON GOING)Where stories live. Discover now