Chapter 12

37 1 0
                                    

Chapter 12: Nagtatampo siya sa akin.

Andrea's POV

Nung gabing sinagot ko si Liam, yun na ata ang pinakamasayang gabi sa buhay ko. Alam na din nila mama at papa na kami na, nung una ayaw pa nila maniwala sa akin pero sinabi na din sa kanila ni Drew. Akala ko nga magagalit sila sa akin eh, pero hindi pala. Si papa ng nagtampo pa, sabi niya hindi na daw niya ako baby girl, haha.

Mag-iisang buwan na mula nung naging kami ni Liam, ang masasabi ko lang ang swerte ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, ang sweet, caring, lovable, protective, halos lahat na nasa kaniya.

Pero minsan nagseselos siya kahit sa maliliit na bagay. Nung isang araw nga hindi niya ako kinausap kasi daw hindi ko na replayan ang text niya sa akin. May gawa kasi ako nun at nakalimutan ko na siyang replayan. Nung sumunod naman nagtampo siya, hindi niya ako pinansin kasi hindi ko nasagot ang tawag niya. Yung time naman na yun may family reunion kami, sasagutin ko na sana kaso sabi ni papa "Makakapaghintay yan, Andeng." Kaya ayun, hindi ko na nasagot.

Tapos ngayon? Ayun, hindi na naman ako kinakausap o kaya pinapansin. Andun lang siya sa isang sulok, nakayuko. Ano na naman kaya ang nagawa ko? My bipolar boyfriend.

Wala na akong nagawa kundi lumapit papunta sa kaniya. Umupo ako sa harap niya at napansin niya ata ako kaya inangat niya yung mukha niya.

"Bakit hindi mo ako kausapin?" Tanong ko sa kaniya sabay pout.

Hindi pa rin siya nagsasalita pero hindi siya tumitingin sa akin.

"Uy, Liam. Kausapin mo naman ako." Niyugyog ko na yung kamay niya pero di pa rin siya umiimik.

"Liam, pansinin mo na ako." Patuloy ko pa ring niyuyugyog yung kamay niya.

"Anong problema?" Tanong ko. Baka hindi ko siya nasabihan ng good morning kanina. O hindi kaya nung isang araw na hindi ko siya nasamahan kasi madami akong gawa. Ano ba kasing problema?

Hindi pa rin siya sumasagot, tumalikod naman siya sa akin.

"Uy, dali na." Ano ba kasing nagawa ko dito?

"Liam...Hoy, Liam." kinalabit kalabit ko naman siya ngayon.

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at nagsmile. Sabay tumawa na siya.

"Hahaha, ang cute mo manuyo." Sige pa rin siyang tawa. Sabay sinapak sapak ko na yung braso niya.

"Papansin!" Sigaw ko sa kaniya.

"Haha, aray! Wait. Haha. Nagpapalambing lang naman ako eh." Depensa niya.

"Tse!" Akala ko naman kung ano ang nagawa ko sa kaniya para magtampo tapos yun pala magpapalambing lang? Great.

"Uy, ikaw naman ngayon ang galit? Sorry na." sabay hinawakan niya yung braso ko na parang batang humihingi ng piso sa mama niya para bumili ng candy. Minsan napapaisip ako kung si Liam pa ba ito o ibang tao na.

"Hindi naman ako galit, halos mabaliw na ako kakaisip ng rason kanina kung bakit hindi mo ako pansinin yun pala nagpapalambing ka lang."

"Edi hindi na ako magpapalambing." Sabay tumayo siya at umalis. Aba, aba. Iniwan pa ako dito ha? Si Liam pa ba yun? MYGHAD! Tinignan ako ng mga kaibigan tapos yung mga mga mukha nila parang anong-nangyari-look. Si Andrew naman at si Xander ganun din. Nag shrug nalang ako sabay tumakbo ako palabas ng room para habulin si Liam. Napaka bipolar naman ng lalaking yun. Daig pa akong babae, grabe. Hinanap hanap ko siya kahit saan. Sinilip ko na ang bawat room, buti nalang wala kaming teacher dahil may meeting kundi niyawyawan na ako nun. Pumunta na ako sa CR, SciLab, music room, ComLab auditorium, sa quadrangle wala din siya. Halos nilibot ko na yung buong campus eh. Tumigil muna ako saglit para mag pahinga.

The Loyal Being Played (ON GOING)Where stories live. Discover now