Chapter 13: Bes
Andrea's POV
Di ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong ikikilos ko. Andito kami ni Liam sa garden ng school, kami lang dalawa kaya may privacy kami.
"Tell me, what's the meaning of these?" Inis na tanong sa akin ni Liam saka ipinakita sa akin ang mga pictures namin ni Xander kahapon. Nagulat ako sa mga nakita ko. Who the fvck sended him these pictures?
"Masyado mo namang namimisinterpret, Liam." Mahinahon kong sabi sa kaniya. Ayaw ko siya taasan ng boses kasi baka lalo lang lumaki ang usapan namin.
"Wow! Hah! Namimisinterpret? Then explain it to me!" Bigla nang tumaas ang boses niya sa akin. Pumikit ako saka huminga nang malalim.
"Nagkayayaan lang, niyaya ako ni Xander na maglakad-lakad. Kaya ayun, pero 'yang mga sweet moments na nakita mo, walang malisya 'yan para sa akin o kahit para sa kaniya kasi best friend ko siya. Boy best friend. Okay? That's all. No more, no less." Paliwanag ko sa kaniya.
"Talaga?" Di pa din siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Oo."
"Eh ano naman 'to?" Pinakita niya ulit yung picture kung saan pinunasan ni Xander yung gilid ng labi ko kasi may dumi.
"Tulad ng sinabi ko kanina, wala iyan. Magkaibigan lang kami ni Xander at hanggang doon lang 'yun."
"Magkaibigan? Pero parang magsyota ang asta? Ang galing ha!" Tapos umiling-iling pa siya at parang hindi makapaniwala.
"PUTCHA NAMAN! IKAW PA TALAGA ANG NAGSABI NIYAN HA?! MYGHAD LIAM! KITANG-KITA KO KAYO KAHAPON DALAWA KASAMA MO SI BES. ANG SWEET NIYO NGA TIGNAN EH. AT IKAW NAMAN PARANG GUSTONG-GUSTO MO DIN ANG GINAGAWA NIYA SA'YO. NAGPAPALANDI KA DIN SA KANIYA!" Gusto ko sana 'yang sabihin sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamaya mapalaki pa ito at mag-away kami.
"Promise, wala akong ginagawang masama." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para ipaalam na totoo ang mga sinasabi ko.
Di siya sumagot, parang galit pa rin siya.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
"Meron, pero..."
"Pero?"
"Pero sana huwag mong hayaan na mawala iyon." Saka niya ako iniwan dito sa garden.
Kung alam mo lang, Liam. Kung alam mo lang na nakita ko kayong dalawa kahapon. Ang sakit sa dibdib. Chos! Meron ba ako nun? Back to business, ang sakit lang kasi hindi ba siya nagiguilty kasi sinabihan niya ako pero hindi naman niya nagawang tignan ang sarili niyang pagkakamali. Pero dahil mahal ko siya, wala akong magagawa. I'd rather be scolded than to scold. Mali ba ang grammar? Kung mali, keri lang. Laban 'yan.
Parang sirang plaka ang utak ko dito kasi paulit ulit nalang nirereplay ang
'Pero sana huwag mong hayaan na mawala iyon.'Sana aware ka sa mga ginagawa mo, Liam. Before you look at others, look at yourself first. Di ba? Nakuha ko pang mag quote kahit sa ganitong momentum. Pakitweet nalang guys. @andeeeng #Quoteoftheday.
EsJi_Yu (Sca): Putcha naman Andeng, mag seryoso ka nga!
Andrea: Oo na, oo na. Panira eh. *Rolled her eyes*
Bigla nalang akong bumalik sa reyalidad ng marinig kong tumunog ang bell ng school. Magsisimula na ang klase kaya dali-dali akong tumakbo papunta ng room namin. Wait, recess palang ata siguro eh. Aish, pati yung schedule di ko na alam.
Pag-akyat ko palang ng hagdan, agad nakita ng mukha ko si Bes, si Bes na kasama ni Liam kahapon. Without more further adue, I like everyone to know that Bes is none other than... (Insert drum roll) Trixie! Hell yeah! With her two idiot P.A. (Panget na Alalay)
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...