Chapter 10

27 2 0
                                    

Chapter 10:

Andrea's POV

"Andrea, I'm sorry." patuloy niyang pagsuyo sa akin. . Huminto naman ako sa kakalakad at hinarap siya.

"Liam naman, pang-ilang beses ko na ba sasabihin sa'yo na wala kang kasalanan?" sabi ko sa kaniya.

"Parang hindi naman okay sa'yo eh." depensa pa niya.

Napailing nalang ako nang nakangiti. Ang kulit talaga ng lalaking 'to.

"Tss, libre mo nalang ako." sabi ko sa kaniya.

"Sige ba, kung yun ang gusto mo." sabay kindat sa akin. Hinampas ko nang mahina ang braso niya. Tss, ang hilig mag pagwapo.

Naglakad kami papunta ng cafeteria ni Liam pero nahagip ng mata ko si Trixie na ang lalim ng tingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin niya kanina pa ako nasa morgue. Pero syempre hindi magpapatalo si ako mas nilaliman ko pa ang tingin ko sa kaniya. Mukha siyang nairita kaya inirapan nalang ako. Haha pikon.

"Pili ka na Andrea." sabi ni Liam sa akin nang makarating kami sa cafeteria. Tumango ako at nag smile.

"Ate, yun nga po isa tapos dalawa po no'n at isa pa po no'n." sabi ko sa nagbabantay sa cafeteria. Tumango naman si ate at kinuha na ang mga ni-order ko.

"Grabe Andrea kaya mo ubusan lahat 'yan?" sabi ni Liam na para bang di makapaniwala.

"Oo naman 'no." sabi ko pa sa kaniya.

"Tignan mo nga yung mga ni-order mo." Pailing-iling pa niyang sabi sa akin. Tinignan ko naman ang mga pagkain. Sabay binalik ko sa kaniya ang tingin ko.

"Oh, ano naman?" sabi ko sa kaniya.

"Isang strawberry short-cake, dalawang strawberry shake at isang carbonara. Ang dami niyan eh." reklamo ni Liam.

"Aba, aba. Pumayag ka na ilibre mo ako. Wag ka magreklamo." sabi ko at sinimulan ko nang kainin ang mga ni-order ko.

"Okay, okay fine." sabi niya sa akin. "Pero nagtataka ako." dugtong pa niya.

Napatigil ako sa pag kain at tinignan siya.

"Ano na naman?" sabi ko at bumalik ulit sa pag kain.

"How do you maintain your sexy figure if you eat like an elephant?" nakangising niyang tanong sa akin, parang asong kalye. Muntik na akong mabilaukan pero nadura ko ang ilan sa mga nakain ko sa sinabi niya sa akin kaya napainom ako ng shake ko.

"Eww, kadiri ka Andrea. HAHA." sabi niya pa sa akin.

"Pwe! Tanga, ikaw kasi. Kumakain ako dito." maktol ko sa kaniya.

"HAHA, grabe. Pero seryoso paano?" Tanong niya ulit sa akin. Nakapalumbaba siya ngayon at nakatingin sa akin.

"Ewan ko." Napa-shrug nalang ako.

"Oh. Okay." Sabay ngiti ulit niya sa akin. Kumain lang ako ng mga pagkain pero napatigil ako at napatingin kay Liam na kanina pa nakatitig sa akin.

"Want some?" Alok ko sa kaniya, tinapat ko sa kaniya yung fork ko na may carbonara.

"No thanks." Sabay nag gesture pa siya na ayaw niya.

"Bakit nakatitig ka sa akin habang kumakain ako? Nakakailang kaya." Sabi ko naman kay Liam.

"Wala lang, ang cute mo kasi." Sabay nakapangalumbaba siya sa lamesa habang nakatitig pa rin sa akin.

"Tss." Maikli kong sagot.

Pagtapos kong kumain umalis na kami ni Liam sa cafeteria. Naglakad lakad muna kami sa campus kasi hindi pa naman nagbe-bell. After several minutes pumunta na kami sa classroom namin.

"Ah, Andrea. I'll just excuse myself. May kailangan kasi ako gawin." Sabi ni Liam habang nakahawak sa batok niya.

"Oh, sure. Dalian mo lang ah?" Sabay ngumiti na siya sa akin at nag-wave.

Pumasok ako sa classroom at yung mga kaibigan ko, nakatingin lang sa akin. Okay, so anong meron?

"Grabe, nakalimutan na niya Ethan." Sabi naman ni Ian.

"Hah? Ang alin ba?" Okay, now I'm starting to get confused.

"Wag mong sabihin na nakalimutan mo na." Sabi ni Ethan.

Napakunot naman ang noo ko, niloloko ba nila ako?

"Gosh, pre. Di nga? Makalimutin ka na." Pagsingit ni Jesse.

"Ewan ko sa inyo." Inirapan ko na lang. Umupo na lang ako sa upuan ko pero yung mga mata nila ay nakatuon pa rin sa akin. Agad ko naman silang hinarap.

"Seriously guys, ano ba?" Irita kong tanong sa kanila. Aish, ano na naman ba kasi ang pinagsasabi nila? Kung pag-uumupugin ko kayo ang mga ulo ng mga hinayupak na 'to kaso naalala ko na 'wag na lang pala at baka lumala ang kanilang pagiging hinayupak. 

"Wala ka ba talagang naaalala par?" Tanong sa akin ni Josh habang nakangiti. Alam ko yung ngiti niyang ganiyan eh. Yung parang nang-aasar. 

Dahan-dahan akong umiling kasi wala akong ideya kung ano ang nasa isip ng mga ugok na 'to. Like what the f? Ano ba ang sinasabi nila?

"Woah, don't tell us na nakalimutan mo na bro?" Ngingiti-ngiting sabi ni Ethan.

Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. Nakalimutan ko? Sa pagkakaalala ko wala akong nakalimutan.

"Yup, she forgot." pagsang-ayong naman ni Jesse.

"Seriously, anong sinasabi niyo?" tanong ko sa kanila, nagkatinginan silang anim at sabay pa talaga silang umiling-iling. Wow, just wow. Pwede naman nila sabihin sa akin kung anong nakalimutan ko eh.

"Alalahanin mo muna." pang-aasar sa akin ni Robert.

"Ang alin ba?"

"Secret." sumali na din si Xyrille sa pangangasar.

Napabuntung-hininga nalang ako. Ano ba ang nakalimutan ko? Aish. Ginala ko nalang ang mata ko sa loob ng room. Saka nahagilap ng mata ko ang kalendaryo. Ngayon? Wait...so. MAYGHAD! Paano ko nakalimutan. Aish! Stupid me!

Pinukpok ko ang ulo ng mga tatlong bese at narinig kong tumawa ang mga magagaling kong kaibigan. Saka ko sila tinignan nang masama.

"Alam mo na?" ngumiti si Thom.

"Bakit di niyo nalang sinabi sa akin ha? Mga ugok!" pinagsasapak ko sila sa braso. UGH! GHAD! How can I forgot?

"Haha-- Shit! Aray!" sabi ni Ethan.

"Pisti! Ayaw ko na!" sigaw ni Ian.

"TAMA NA!" -sila. 


The Loyal Being Played (ON GOING)Where stories live. Discover now