Chapter 2: Ligaw?
Andrea's POV
Omaygash! Malapit na ang last day of school. Malalaman ko na ngayon kung pang ilan ako sa top. Dahil ngayon na nila ito ipopost sa school bulletin board.
Pag baba ko agad sa school eh dali dali kong tinignan ang results. Nauna ng pumasok si Andrew sa classroom namin. Hinanap ko ang pangalan ko dun at... Yes! Second pa rin ako! Kulang lang ang average ko ng ilang points para maqualify sa 1st honor, pero ok lang yun. Considered as first naman yun kasi ako ang nanguna sa klase.
Pumunta ako sa classroom na may ngiti sa labi, yehey ang saya saya ko. Pag pasok ko sa room inilapag ko na agad ang bag ko at umupo.
Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin.
"OK class, makinig. Ang summer break niyo ay March 27, ang recognition ay March 30, Distribution of cards ay April 10 at ang pasukan ay June 13. Wag niyo kalimutang sabihin sa mga magulang niyo ha. Kung gusto na ninyong umuwi pwede na. Sige class dismissed"
Yung iba kong mga kaklase nagsiuwian na, nagpaalam na sa akin si Andrew kasi may dadaanan daw siya samantalang kaming magbabarkada andito pa rin sa loob ng room.
"Laro tayo!"-Christian
"Ano namang laruin natin?"-Thom
"Flip bottle challenge,ang unang makatayo ng 10 beses panalo at ang huli siya ang manlilibre"-nakangising sabi ni Christian.
"Puro pagkain lang kasi nasa utak mo Christian"
"Naman yes, pud is layp"
"Oh, flip bottle daw. Laro na tayo!"
Sabay nag silapitan na sila at umupo kami ng pabilog. Nakailang pa ikot na kami ng bote, nangunguna si Thom na may 7 sumunod si Christian na may 6, si Robert may 5, ako may 4, si Xyrille may 3, si Josh may 2 at si Jesse wala pa.
"Putik ang hiraaap!"-Jesse
"Hahaha, go Jesse"
"Kaya mo yan, haha"-Josh
Nang matapos ang laro nanalo si Thom, sunod sunod pa rin kaso nga lang nauna si Jesse kasya kay Josh. Si Jesse may 5 at si Josh may 4.
"Kawawang Josh, lagi nalang ikaw ang manlilibre? Haha"
"Ok lang, mayaman naman ako eh."
"Hahaha mahirap talaga pag RK eh"
Sa totoo mayaman naman talaga si Josh eh, anak kasi ng isang may ari ng company.
"Tara dun nalang tayo sa bahay"-Josh
"Anong bahay? Sa mansion niyo kamo"-Ethan
"Yes! Pagkain nanaman!"-Christian
"Minsan, gusto na kitang ilibing ng buhay Christian"-Thom
"Tanga kasi, puro pagkain ang nasa utak. Kaya di ka nag kakagirlfriend eh"-Robert
"Ulol, ikaw nga ang dami mo ng kaibigan kasi na fi-friendzoned ka"-Christian
"Ang ingay niyo, tumahimik na nga kayo. Pag untog ko kayo eh"-Xyrille
"Mga ugok, tara na dun tayo sa kotse ko"-Josh
"Buti nalang may kaibigan kaming katulad mo Josh, haha aylabyu pre"-sabi ni Christian sabay naka pout kay Tyler
"Puta,bading ka ba Christian? Teng ene neto, hahaha"-Thom
"Yuckss pree, ewwww. Hahaha"-Ethan
Naglakad kami sa parking lot papunta sa kotse ni Josh. Pag sakay namin ang ingay nila as in ang ingay. Yung daig pa mga tambay sa tabi tabi. Hahaha. Ilang saglit lang andito na kami sa bahay nina Josh, wait mali pala. Mansion nga pala ito.
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Fiksi RemajaMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...