Chapter 6

44 2 0
                                    

Chapter 6: Unknown

Andrea's POV

Lunes na ngayon at sabay kaming pumasok ni Andrew, sinabi ko na din sa kaniya na wag na niya akong tawagin na ATE, haha. Naaawa na kasi ako sa kaniya. Habang nasa loob kami ng kotse nakadungaw lang ako sa bintana at nakatingin sa labas habang si Andrew naka headset lang. Hindi ko maiwasang maalala ang mga sinabi niya sa akin noong Sabado. Ano ba kasi ang pinagsasabi niya? Saan niya nakuha ang ganung impormasyon? Tama ba ang hinala niya? Paano kung tama, anong gagawin ko? UGH! 

"Psst, Andrew" tawag ko sa kaniya na mukhang hindi niya narinig. Tss, tinanggal ko ang headset niya.

"Ano ba?" irita niyang tanong sa akin, akmang ibabalik na niya ang headset niya sa kaniyang tainga nang magsalita ako.

"Tungkol sa sinabi mo nung Sabado, totoo ba 'yun?" tanong ko sa kaniya.

"Siguro, may nakapagsabi lang din sa akin 'non. Pero sana mali lang 'yun." sabi niya sabay ibinalik na sa tainga niya ang headset. Tumango-tango na lang ako. Sana nga mali lang 'yun. Sana...

"Pero paano kung totoo ang sinasabi mo?" May halong alala na sinabi ko 'yun.

"Ako mismo ang babasag sa bungo niya." Sinabi niya 'yun na nakangiti sa akin at hindi ko rin maiwasang mapangiti. Minsan mapapaisip ako na swerte ako dito sa kambal ko dahil sa kaniyang pagiging protective.

Nakarating na kami sa school at sabay na kaming pumasok sa room.  Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na may pinagkakaabalahan. 

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila habang nilalapag ang aking bag sa upuan ko.

"Meron daw'ng transferee! Di mo alam?" tanong sa akin ni Jesse na agad akong umiling. 

"Luh? Di nga?" di makapaniwala si Xyrille sa akin.

"Tss, hindi. Tsaka pakealam ko kung merong bagong transfer?" wala naman akong pake kung may bagong transferee e. Ano naman sa akin?

"Sabagay bro, wala ka namang pakealam e. Haha-- Aray!"  sabay batok ko kay Ethan. Eh sa wala akong pake, bakit ba?

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Liam sa amin habang nakatingin sa akin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya. Nakakailang kaya 'no. 

"May bago daw'ng transferee." sabi ni Robert na di man lang tumingin kay Liam bagkus tumingin lang sa bintana.

"Aw, okay." sabi ni Liam.

Umayos na kami ng upo nang biglang dumating ang aming teacher.  Pansin kong nakatingin sa akin si Andrew na para bang nag-aalala siya sa akin. Ngumiti naman ako para sabihin sa kaniya na okay lang ako at sinuklian niya naman. 

"Good morning class" sabi ng teacher namin na nakangisi. 

"Good morning teacher" sagot namin pabalik sa kaniya.

"Most of you may know na meron tayong bagong transferee." sabi niya sa amin. "Now let us all welcome your new classmate." sabi ni teacher, nabigla ako nang makita ko kung sino ang lalaking nasa harap namin ngayon. Siya?

"Hello." panimula niya. Narinig kong nagsitilian ang iba naming kaklase na babae. "My name is John Alexander L. Dela Vega. You can call me Xander, that's all." sabi niya sabay tumingin at ngumiti  sa akin.

Tinignan ko si Liam na nakakunot ang noo na nakatingin kay Xander. Ano nanaman ang nangyayari sa kaniya? 

"Ang gwapo niya!" 

"OH.MAY.GHAD.BES."

"Mr. Cuttiiieee!"

"Dalawa na ang pagpapantasyahan natin mga bes!"

The Loyal Being Played (ON GOING)Where stories live. Discover now