Kate POV...
nag alarm ung cellphone ko.pag tingin ko maaga pa pala 8 am kasi ung start ng party namin sa school.Sa totoo lang parang ayokong pumunta dahil hindi ako sanay ng party pero nandun naman sila jane at shayne sasamahan naman nila ako dun.
Pagtayo ko nakita ko sa sahig si kyle.Sa sahig sya natutulog.Hala?!bakit sya nasa kwarto ko?tinapik ko agad sya para gisingin sya
"hoy!kyle!!!gumising ka nga!"sigaw ko sa kanya.Gusto ko na nga syang sampalin para magising eh kaso nakita ko na ngumiti sya habang nakapikit.Di kaya nananaginip to?bakit to nakangiti habang natutulog?tumigil ako sa pag gising sa kanya.Ngayon nakatulala na ko sa kanya.Nakatingin ako sa muka nya di ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan syang matulog
"pogi ba?"nagulat ako sa sinabi nya.Nan laki ung mata ko nung bigla syang dumilat saka tumingin sa mata ko "oh?haha bakit?bakit mo ko tinitignan?pogi ba?"epal to!ang yabang talaga
"hinde!gumising ka na nga!"pinalo ko sya "gising na nga ako eh"ay oo nga no "oh edi tumayo ka na!dali pupunta pa ako ng party sa school"napahinto ako dahil nakita ko sya na parang nagulat.di ko alam kung bakit ganun ung reaksyon nya "bakit?anyare?"
"ngayon ba kayo pupunta ng mall?"ngayon seryoso na sya "oo dapat nga bukas eh kaso pinilit nila akong ngayon nalang kaya pumayag na lang ako,sana nga maging masaya ako mamaya pag nasa mall na ko eh" seryoso pa rin sya.Bakit kaya?tapos para pa syang nag iisip ng malalim di ko maabot malalim masyado eh "ano bang meron?ang lalim ng iniisip mo?"
"pwede ba kong sumama mamaya sa mall?"huh?eh puro kami babae dun eh.Bakit nya naisipan na sumama?ngayon nakangiti na sya sakin.Pababy face na sya "please?"with puppy eyes pa.HAHA ang cute pala nya lalo na pag nag mamakaawa.eh!bakit ba ganito sinasabi ko?ano ba?!
"hindi pwede!"tumalikod ako sa kanya saka ako tumayo para bumaba.Hinayaan nya ko na bumaba.kala ko pipigilan nya ko pero hindi pala.Nung tumingin ulit ako sa kwarto ko para tignan sya,nakita ko sya na inaayos ung pinag higaan nya pati na rin ung kama ko.Wah!nakalimutan ko ayusin ung kama ko,nakakahiya naman sya ung nag aayos
pumasok ako sa kwarto ko para ayusin ung kama ko tapos nakita ko sya na malapit na syang matapos sa pag aayos kaya tinulak ko sya palayo ng kama ko para ako na mag patuloy "ako na"sabi ko "eh pataos na eh"wala akong pake.Parang gusto ko nga guluhin ko ulit para matagal akong mag ayos eh pero wag na nakakapagod.Nakatingin lang sya sakin.Kahit na sa kama ako nakatingin nakikita ko parin sya sa peripheral vision ko.Nakita ko sya na nakangiti kaya tumingin agad ako sa kanya saka ko sya tinignan ng masama.Nung nakatingin na ko sa kanya bigla syang nag seryoso saka umiwas ng tingin.Tumingin sya sa bintana
nung natapos na kong mag ayos bumaba na ko.Sinusundan pala ako ni kyle nung pababa na ako.Nakita ko na walang tao dito.So kami lang dalawa ni kyle nandito?hinarap ko agad si kyle.Tinignan ko ulit sya ng masama saka ko sya nilapitan"yah!kyle!nasan sila mama!ilabas mo!malalagot ka sakin!"nanlaki ung mata nya sa sinabi ko haha!nagulat ko ba sya?
"haa?wala-kahapon pa sila wala dito.Di pasila umuuwi simula kahapon.Saka binilin ka sakin ng mama mo.Sabi nya na bantayan daw kita kaya dun ako natulog sa kwarto mo.Pero di naman sa kama mo eh!sa sahig lang naman!saka..."
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...