Someone's POV
"yah!" tumatakbo siya papunta sakin
"umalis na sila,si kate nalang ang hindi,dito siya mag-tatapos ng highschool"tinaas ko ang kilay ko at saka ako ngumisi "mabuti naman at umalis na sila,oo nga pala,huwag niyo munang gagalawin si kate ah!ako,ako ang gagawa nun simulan natin sa aksidente yung mag-kakaamnesia na siya,ganoon ang gusto ko"ngumisi ako
"ok po"sabi nilang dalawa
---
Trizha POV
Nakarating na kami sa Pilipinas.Pagod na pagod na ako kaya hindi ko na nagawang tawagan si kate.Sumakay kami sa nag-aabang na kotse sa amin.Sinabihan ko kasi si dad na uuwi kami.Nabigla nga si dad na uuwi kami eh
---kinabukasan---
"trizha gising na!"nagising ako nung pumasok si jade sa kwarto ko "trizha diba tatawagan mo si kate about sa dahilan kung bakit tayo umalis ng biglaan?kailangan mo nang sabihin dahil baka may gawin siyang masama kay kate habang walang nag-babantay sa kanya,tandaan mo lagi silang magkalapit"yumuko ako at nag-isip ng malalim.Oo tama,kailangan kong sabihin kay kate agad ito
Tinawagan ko si kate pero ibang boses ang narinig ko
[Hello?trizha?]
"sino ka?bakit iba boses mo kate?"narinig ko siya na umubo
[si kate to naiba lang talaga ang boses ko]
"kate?sigurado ka?kilala ko si kate kaibigan ko siya kaya alam kong hindi ikaw si kate"
[ano bang sasabihin mo?]
"tungkol sa dahilan--"naputol ang pag-sigaw ni jade nung tinakpan ko ang bibig niya.Narinig ko rin sa kabilang linya na parang nag-salita si kate mula sa malayo
[Kassey!paabot ng phone ko may tatawagan ako eh]
Narinig ko na sinabi ni kassey na sandali lang.Bigla nalang naputol ang kabilang linya.Bigla nalang nawala sila
"jade" sabi ko "bakit?hindi ba si kate yun?siya ba yun?hindi siya yun?sorry"yumuko si jade "ok lang,naiintindihan kita dahil miski ako hindi ko rin mapipigilan ang sarili ko na sabihin agad sa kanya,muntik ko na nga masabi kanina kaso ibang tao pala siya eh,hindi pala siya si kate,kaibigan pala siya ni kate"sabi ko at sabay yuko "thanks trizha"tumabi sa akin si jade
"thanks kasi inintindi mo ako sa pag-kakamali ko "ganun talaga,mag-kaibigan tayo eh kaya kailangan natin intindihin ang isa't isa,kailangan din natin intindihin si kate sa ibang bansa,ka-kailanganin niya tayo,dapat pala hindi na tayo umalis,hindi ako komportable dito"
"hindi ako komportable dahil hindi ko nakikita ang bawat galaw ng mga taong yun,hindi ko rin nakikita ang ginagawa ni kate,hindi ko rin alam kung sino ba ang kasama niya..kung sino ba ang kasama niya ngayon,kung siya ba ang kasama niya ngayon at sa darating pang mga araw"dugtong ko
"oo nga eh,nag-sisisi na ako na iniwan natin si kate"lumungkot ang mukha ni jade "gusto ko siyang balikan,balikan natin siya at isama natin yung dalawa pa niyang kaibigan,sila jane at shayne"napatingin ako kay jade "o sige,kailangan nating planuhin ito"
"pero paano?ano?kailan?kailangan sabihin din natin to agad kila shayne at jane"sabi ko.Maya maya pa ay pumasok si mama sa kwarto
"Ahmm trizha?jade?may sasabihin kaming mahalaga sa inyong dalawa"sabi ni mama.Napakunot ang noo namin ni jade.Ano kaya yun?mukhang malungkot si mama
"pasensiya na dahil kailangan to"yumuko siya "kailangan nating bumalik ng New York dahil sa business natin doon,at saka isasama parin natin si jade dahil nandun din ang mommy niya"nag-katinginan kami ni jade.Hala pano na yan?pano namin mababalikan si kate?
"kailan po ang alis tita?"malungkot parin ang mukha ni mama "masyadong biglaan,bukas na agad kaya ako pumunta dito para sabihin yun at sabihin din na mag-ayos na kayo ng gamit niyo"
Nakakapagod na to sobra.Kakabalik lang namin ng Pilipinas galing ng Korea tapos babalik na naman kami ng New York.Tinignan ko si jade na sobrang lungkot ng itsura
"jade ok ka lang?"tumango siya "weh?parang di naman eh,yung totoo"humarap siya sakin at malapit na siyang maluha
"Masama bang mag-mahal?kasalanan ba yun?masyadong mabigat na kasalanan?"umiiyak na siya "bakit naman?"
"kasi ang daming hadlang eh,ang daming may ayaw samin ni liam"yumuko siya at tinakpan niya ang mukha niya "pinaalis niya tayo para mapasakanya si liam tapos ngayon naman mas lalo kaming mag-kakalayo dahil hindi na niya alam kung nasaan na tayo,hindi na tayo pa makikita nila liam" unti unting may tumutulong luha sa mga mata ko dahil naalala ko si grae
Ganun din ang naiisip ko kanina.Sobrang lungkot at sobrang sakit na pinaglalayo kayo ng taong gusto mo
"o sige na nga,tatanggapin ko nalang to,eto yung nakaplano sa buhay natin eh,eto na yun eh di ko na pwedeng mabago kaya sige,tatanggapin ko na kahit ayaw ko"pinunasan niya ang luha niya at pilit na ngumiti at ganun din ako "tara na mag-ayos na tayo"tumayo kaming pareho para ayusin na ang gamit namin.Bukas na bukas ay babalitaan ko sila jane at shayne dahil wala pa siguro silang alam sa nangyayari ngayon
To be continued
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...