Chapter 57-Dad

22 1 0
                                    

****A/N****

btw,na publish ko na po yung story ko na "Choose 1 the hottiest one or the funniest one" temporary lang po siguro yung book cover :))

Kyla-kim so hyun / Ethan-Yook Sungjae / Joshua-Cha eunwoo

sana po basahin niyo...Please read,vote,share and comment thank you

@ShinShin203xbts nandyan po yung story


HAZEL AND KEITH / SON JOONG KI AND SONG HYE KYO IKAKASAL NA OMO! October 2017 daw po :))


---


Beatrice POV

Ang saya dahil makakasama ko na siya.Matagal ko nang hinihintay ang chance na 'to,ang makasama ang taong gusto ko

---

Liam POV

"dito nalang ako mahihiga" umupo ako sa sahig.Tutal may nakalatag naman na foam kaya pwede naman akong umupo dahil malinis din naman

"Thanks nga pala liam ah" nakayuko niyang sabi

"haa?para saan?"

"eh kase,pumayag ka na tumuloy muna dito sa bahay ko eh"

"ah ganun ba?" biglang na vibrate ang cellphone ko dahil may tumatawag

Grae calling

"oh?" umiiyak ba to?

[liam] bulong niya

"may kailangan ka ba?umiiyak ka ba?kalalaki neto eh" napatingin ako kay beatrice na nakatingin pala sa akin

[liam,umuwi ka na] 

in-end ko agad ang call at pinasok ko sa bulsa ko ang cellphone ko

"pasensya na beatrice,kailangan ko na umalis,kailangan ako ng kaibigan ko" sabi ko sabay takbo

Pag-dating ko sa apartment na tinutuluyan namin ni grae ay naabutan ko siyang umiiyak sa sulok

"Grae?pre?ano bang nangyari?umiiyak ka diyan?" hinawakan ko ang balikat niya

"Liam,wala na si dad" mahina niyang sabi

"nasaan siya ngayon?" tanong ko.Tumayo siya at lumabas ng bahay.Pumunta siya sa kotse niya

"Pumunta tayo sa ospital" maikli niyang sabi

Pag-dating namin sa ospital ay pinuntahan agad niya ang kwarto kung nasaan ang dad niya.Yun ang tunay niyang tatay at hindi yung may ari ng school sa Korea.Stepdad lang niya yung may ari ng school pero apilido ng stepdad niya ang pinagamit kay grae masyado kasing malaki ang problema ng mom ni grae sa dad niya kaya pinalitan ang apilido,buti na nga lang at pwede pala yun.Pero mas gusto ni grae ang tunay niyang tatay,para sa kanya ang nanloko ay ang kaniyang mom at hindi ang kaniyang dad

"Dad" mahina niyang sabi.Biglang tumulo ang luha niya.Bigla siyang umiyak.Nagulat kaming pareho sa nag-bukas ng pinto

"trizha?" tanong ko.Nagulat si trizha sa reaksyon niya at ganun din si Grae

"bakit kayo nandito?" tanong niya samin

"Kami dapat mag-tanong niyan,bakit kayo nandito?" tanong ni Grae.Mukhang natakot si trizha.Napatingin si trizha sa labas

"Nasaan na si dad?" sabi nung kausap niya mula sa labas

"na-nasa loob" malungkot na sabi ni trizha

"Dad" nagulat si jade nung pumasok siya sa kwarto

"dad mo siya?" tanong ni grae

"oo!siya ang tatay ko!bakit ba kayo nandito?" naguguluhan naman ako sa kanilang dalawa.Oo nga pala galit nga pala ata sa akin si Jade kaya hindi siya makatingin sa akin ng deretso

"Ako ang anak niya" sabi ni grae

"Jade,sorry" lumapit sa kanya ang mama ni jade "Jade,stepdad mo lang siya,hindi siya ang tunay mong tatay,oo siya ang nakalakihan mo pero hindi siya ang tunay mong tatay" paliwanag ng mama niya na ikinaiyak ni Jade

"Hindi totoo yan!mama!siya ang tunay kong dad!" pagpupumilit ni jade.Nilapitan niya ang katawan ng stepdad niya "Dad" humahagulgol na si jade

"sorry po,kailangan na po namin ilabas ang bangkay at ilagay sa morgue" hinila na ng nurse ang kama,iyak naman ng iyak si jade habang pinapatahan ni trizha at ng mama niya.Nasa tabi lang ako ni grae 

---

Jade POV

Mahal na mahal ko ang tatay ko kahit na nalaman ko na hindi pala siya ang tunay ko tatay.Stepdad ko lang siya pero tinuring niya akong tunay na anak at ganun din ang kwento sa akin ni grae.Halos araw araw ay masakit ang katawan ni dad siguro dahil hinahati niya ang oras sa amin ni grae.Minsan umaga magkasama kami ni dad kapag naman hapon wala siya

Nalayo kami kay dad simula nung pumunta kami ni mama sa New York.Nung una ay nakasama pa namin si dad pero umuwi agad siya.Nalaman din namin na may nararamdaman si dad nung pag-uwi niya dito,talagang hindi niya sinabi sa amin.Dumeretso naman kami sa Korea para bisitahin si kate at saka kami umuwi ni trizha dahil sa takot na mamatay kami at pati na si kate.

Pinapunta ulit kami sa New York,hindi ko alam ang dahilan,naiwan ulit si dad dito sa Pilipinas

Matagal tagal din kaming hindi nag-kasama ni dad,pero naging masaya ako dahil nakilala ko siya,oo stepdad ko lang siya pero tinuring niya akong tunay na anak kaya ang turing ko din sa kanya ay tunay na ama.

---

Grae POV

Mas pinili ko na sa lilibingan na sementeryo nalang ilibing ang labi ni dad,mahirap kasing mamili kung sa bahay ba namin or sa bahay nila jade,kaya dito nalang siya binurol

Ang akala ko ay ang nanloko ay ang dad ko pero hindi pala,yan ang naisip ko nung nasa ospital kami

Pinaliwanag lahat sa akin ng mama ni jade,mag-kaibigan lang talaga si dad at mama ni jade,sinusuportahan nga daw ng mama ni jade si dad kay mama eh,mas pinipili ng mama ni jade na mapalapit si Dad kay Mom eh kaso nanloko si mom kaya naging close na masyado si dad at mama ni jade dahil nasaktan ng sobra si dad

Mahirap din na nawala si Dad dahil ayoko sa bagong asawa ni Mom,wala siyang kwenta,oo mayaman siya,siya ang Director ng school sa Korea pero wala akong pakealam sa pera ng stepdad ko,ang gusto ko ay ang turing sa akin na anak hindi ako nadadaan sa materyal na bagay tulad ng pera,oo spoiled ako,mas pinipili ko nalang na bigyan ako nun kesa saktan pa ako ng lalaking nagustuhan ng Mom ko na wala namang kwenta

Sa totoo lang ang gusto ko ay si Dad at ayaw ko rin kay Mom dahil manloloko siya,niloko niya si Dad.Alam ko ang dahilan ni mom,dahil mayaman yung lalaki niya kaya niya naipagpalit si dad.Nainis ako lalo nung hindi na pinagamit sa akin ang apelido ni Dad na Dizon at Anderson ang ipinalit.Nainis talaga ako non,halos mag rebelde na ako dahil sa galit

---

Kate POV

Sumasakit na naman ang ulo ko,hindi ko alam kung bakit,at bakit halos araw araw na?


To be continued




The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now