Kate POV
Pag-gising ko ay madilim parin ang lahat.Naramdaman ko na nakatali ang paa at kamay ko.Naramdaman ko rin na parang may nakaipit sa paa ko, hindi ko alam pero parang may kaliskis at sobrang higpit
"Kate!tulungan mo ko" narinig kong sabi ni kassey
"Kassey!" sigaw ko.Biglang umilaw at nakita ko na rin ang pwesto ko.Bigla akong natakot nung nalaman ko kung ano ang nasa paanan ko
May ahas na nakalingkis sa paa ko.Kaya hindi ko na maigalaw ang paa ko dahil sa higpit ng lingkis ng ahas sa akin.Hindi ko talaga maigalaw
"Kate!tulong!" sabi ni kassey.Naiyak ako dahil naririnig ko si kassey na parang umiiyak na,siguro ay nahihirapan na rin siya,pareho kami ng kalagayan
May dalawang babae na nakajacket at naka cap na itim ang lumapalapit sa akin.May dalang kutsilyo ang isa at baril naman sa isa
"Ka-kayo yung kaibigan ni kassey diba?Bakit niyo nagawa sa amin ni kassey 'to!!!" sigaw ko
"abay malay namin,tanong mo kay kassey" napakunot noo ako,ano daw?tanong ko si kassey?eh kami nga ang nasa piligro
"Kate!napaka tagal mo!hindi mo man lang ako natulungan" sabi ni kassey na papalapit na sa akin
"ang buong akala ko ay kaibigan mo ko pero di pala" sabi niya habang pinag-iikot ang swiss knife na hawak niya
"kaibigan kita!" sigaw ko
"weh?talaga?di ko ramdam,di ko naramdaman na tinuring mo akong kaibigan" malungkot niyang sabi,pero parang nag-kukunwari lang siya
"kanina,humihingi ako ng tulong sayo pero anong ginawa mo?umupo ka lang dyan at umiyak" nainis ako sa sinabi niya,dahil hindi naman ako agad agad na makakaalis dito
"eh paano ka nakalaya?ikaw ang may gawa neto eh!nagkukunwari ka lang!" sigaw ko
"ikaw ang kunwari!kunwari kaibigan!kunwari mabait!kunwari!kunwari!ano ba! naiinis na ko"
"ang akala ko ikaw ang tutulong sa akin na mapalapit kay liam pero hindi pala,mas pinili mo si jade!" galit niyang sabi "ang akala ko ay ako ang kakampihan mo,pero di pala,akala lang pala yun!kaya ngayon kung akala mo ililigtas kita,manigas ka!hahayaan kitang mamatay sa upuan na yan"
"Pasalamat ka nga at amnesia lang ang inabot mo dati eh!pasalamat ka at nabuhay ka pa" tumingin siya sa taas at nag-isip "oo nga pala,sana sinulit mo na ang oras mo kasi last mo na to eh"
"plastik ka" bigla niya kong sinampal "at ako pa ang plastik?" tanong niya sakin
"ok sige,aminin ko na,oo plastik ako sayo,matagal na,matagal na akong nag-iisip ng masama tungkol sayo,di mo ba naisip nagawa ko yun dahil sayo?dahil parang pinili mo pa ang iba kesa sa akin?" bigla niyang tinutok sa akin ang swiss knife na hawak niya "ay may ahas pala dito,ang saya naman" nakangit siya habang nakatingin sa ahas
"Mag-kasama kayong mamamatay ng ahas na kalahi mo" sabi niya
"guys!kim!aimi!ano pa bang hinihintay niyo?" mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni kassey
"tara na!tuluyan na natin siya" sabi ni Aimi.Kilala ko si Aimi.Narinig ko na ang pangalan na yan
"a-aimi?" napaisip ako at napasigaw "kassey!hindi ako ang masama!si Aimi at Kim!sila ang gumawa ng masama sa atin noon!!" nag-katinginan silang tatlo at saka tumawa
"Mabuti nalang at naalala mo na,sila nga ang nang bully satin noon pero sila naman ang tumulong sa akin ngayon" nilapitan ako ni Aimi at saka itinutok sa akin ang kutsilyo
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...