Chapter 20-Promise?

24 2 0
                                    

Kate POV


Naka uwi na kami ng bahay.Itetext ko sana si louise,pero naunahan niya ako,pag kuha ko ng phone ko may text na pala siya sakin


From:Louise

Pwede ka pa ba?nag hihintay na ako dito sa park


Tinignan ko yung orasan,pag tingin ko 4:00 pm na.Ibig sabihin late na ako kaya lumabas agad ako ng bahay at tumakbo ng mabilis.Hindi ko na nagawang mag bike dahil dere-deretso ako sa pag labas ko.


Huminto muna ako sa pagtakbo para mag pahinga.Maya maya bumalik na ulit ako sa pagtakbo ko


Pag dating ko sa park nakita ko siya agad


"10 minutes late"medyo galit yung itsura niya at may hawak pa siyang timer.Grabe to ah?inoorasan niya ako?


"so-sorry"bigla siyang ngumiti saka niya ako nilapitan "ok lang,basta pag sa mga date natin ayoko nang nag-hihintay,at ayoko na nalalate ka dahil baka mamaya iba na pala ang kasama mo"da-date?seryoso ba siya?date? "date?"tumawa siya ng mahina saka niya ginulo yung buhok ko


"kaya gusto kong makipag kita sayo dahil may sasabihin ako sayo,sigurado akong ikatutuwa mo.Promise"tumango ako sa kanya "a-ano yung sasabihin mo?"


"Ahmm..Matagal ko nang gustong umamin kate...ano kasi gusto kita"nagulat ako sa sinabi ni louise.May gusto siya sakin?seryoso ba siya? "kaya kung pwede ba sayo na ligawan ka?tutal grade 9 na rin naman tayo at malaki na tayo kaya pwede ba?"paano yan?bawal pa ako sa age ko na to


"so-sorry louise pero ayokong mapagalitan ako ng magulang ko dahil nag promise ako sa kanila na mag-aaral muna ako at itatabi ko muna ang pakikipag relasyon,kaya pasensya na louise,sorry talaga"ngumiti ulit siya


"ok lang kate,naiintindihan kita,sige na nga kailangan kong matutong mag hintay,mag hihintay ako sayo,promise yan kate"nginitian ko siya "promise din louise,kapag pwede na ko sasagutin na kita"nananaginip ba ako?may gusto siya sakin?shemay!


---


Kyle POV


"ohh?bakit tumatakbo yun?si kate?anong nagyari dun leigh?"hindi kaya hinahabol ako netong babaeng to?baka may gusto siya sakin kaya niya ako hinahabol hahaha


"malay ko!baka hinahabol ka niya"pareho pala kami ng iniisip ni leigh "leigh igilid mo yung kotse.Bababa ako susundan ko si kate"nakakunot ang noo ni leigh sa sinabi ko.Hininto din niya ung kotse saka ako bumaba


"saan ka ba pupunta kate?"sabi ko sa sarili ko.Nakita ko siya na pumunta sa park at may lalaking nakaabang sa kanya dun


Si louise?nakipag kita si kate kay louise?eh lolokohin lang siya nung lalaking yun eh


Narinig ko yung pinag usapan nila.Sasagutin ni kate si louise?maraming lalaki diyan bakit pa si louise na sobrang yabang yung magiging boyfriend ni kate?

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now