Chapter 23-Goodbye Philippines

23 2 0
                                    

Kate POV



"hello grandma,kamusta po?eto yung panganay ko saka bunso ko"nag bless kami kay grandma at nginitian naman niya kami


"eto na ba ngayon si kate?"tinuro niya ako habang nakatingin kay mama at nakangiti "opo grandma"grandma na rin ang tawag ni mama kay grandma kahit na siya ang mama niya.Sinabi kasi sa amin ni grandma na ganun nalang ang itawag


"hello po grandma"sabi ko


1 hour and 30 minutes kaming nagkwentuhan dahil nag-aya na si mama na pumunta sa airport


2 hours naman ang byahe namin papunta ng airport kaya sakto lang ang dating namin


"mama dederetso na po kami sa immigration"tumango si mama saka ngumiti "makakalabas pa ba kayo?"


"baka hindi na eh"sabi naman ni kuya "picture na tayo"sabi ko habang nakangiti 


Nag picture muna kami bago pumasok.Nung papasok na sana ako biglang mat tumawag sakin


"kate!"


"kyle"sabi ni kuya.Kumaway si kuya at ngumiti naman si kyle saka siya tumingin sakin.Lumapit siya sakin


"paalam kate!mag-iingat ka ah saka pag-butihan mo pag-aaral mo dun"hinawakan niya yung buhok ko saka niya ginulo.Tumalikod na ako sa kanya pati na rin si kuya keith


"kumain ka ng madami ah!"


tumingin ulit ako kay kyle saka ko siya tinignan ng masama bigla naman siyang sumeryoso.Tumalikod na siya at nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at nag-lakad palayo


"kate ayaw mo pa pumasok?may gusto ka kay kyle no?"


"luh?hindi ah" tumawa si kuya "weh?talaga ba?bakit ganyan ka makatingin sa kanya?kunwari ka pa eh"tss hindi naman eh 


"tara na..Ayaw mo pa pumasok?"tumingin ako ng masama kay kuya saka ako pumasok pero bago ako pumasok tinignan ko muna sila mama at papa at nakatingin din pala sila sakin kaya kumaway ako at ngumiti tinignan ko rin si kyle na nakalayo na at sumakay ng kotse niya


Nakadaan na kami sa immigration at naglalakad na kami papunta sa eroplano na sasakyan namin


Nauna na si kuya dahil mag-kalayo kami ng upuan.Habang naglalakad ako may nakabangga ako


"aray"nagkabanggang kami nung isang lalaki at nahulog niya yung dala niyang ticket na nakaipit sa passport niya


"sorry"sabi niya.Lumuhod kaming pareho para kunin yung gamit na nahulog niya "o-ok lang"sabi ko naman


"oh?magkatabi pala tayo eh"napatingin siya sakin "bakit?magkasunod lang ba yung seat number natin?"tumango ako saka ngumiti


"ah ganun ba?oh sige sabay na tayo papunta dun"tinuro niya yung direksyon kung saan kami pupunta.Sabay kaming pumunta sa seat number namin at saka umupo


"ako nga pala si--"naputol yung sasabihin niya nung may tumawag sa akin


"hello?"


[uy!kumain ka ng madami ah.Huwag kang mag-papagutom huwag ka ring mag-papapayat]ngayon alam ko na kung sino to


[huwag kang uuwi dito sa Pilipinas ng payat ka ah!] narinig ko na tumawa siya


"kyle!"


[hm?]


"close ba tayo?" sabi ko [sabi ko nga,hinde] binaba na niya yung cellphone niya.Siguro nainis haha!


Tinignan ko yung lalaking katabi ko pero tulog na siya kaya baka mamaya ko nalang siya kikilalanin


Tumingin lang ako sa bintana at hindi ko namamalayan na pumipikit pikit na pala ko


Nagising nalang ako nung nasa harap ko na si kuya "kate gising na nandito na tayo"


Dumilat ako at tinignan ko ung katabi ko pero wala na siya.Umalis na siya nung natutulog pa ako




To be continued 

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now