Kate POV
"Kyle!!Kyle!!" tumatakbo na ako dahil halos habulin ko na ang kama na hinihigaan ni kyle ngayon na itinatakbo papunta sa Emergency Room
"Sorry po maam,hindi na po kayo pwedeng pumasok" napatigil ako nung pinagsaraduhan ako ng pintuan nung nurse.Napaupo ako at yumuko habang umiiyak
Napakatanga ko.Ngayon ko lang naramdaman na mas mahal pa ni kyle ang buhay ko kesa sa buhay niya.Tumayo ako at humarap ako sa salamin na malaki
Ngayon,may naaalala na ako.Naging parte siya ng buhay ko kaya niya nagawa yun.Niligtas niya ko
Sana magising si kyle.Gusto ko sabihin sa kanya ang lahat na gusto kong sabihin.Gusto ko magpasalamat
"Sumandal ka nalang sa balikat ko kapag malungkot ka" Pinunasan ko agad ang luhang tumulo mula sa mata ko. "niall?"
"Bakit ka nga pala umiiyak?may nangyari ba?" tanong niya.Tumango ako
"si ky-kyle nabaril siya" napayuko ako at umiyak
"Tahan na...Sabi ko sumandal ka nalang sa balikat ko eh kapag malungkot ka" dahil sa sinabi niya sumandal nga ako sa balikat ni niall "i-ikaw?anong ginagawa mo dito?"
"Janitor ako dito" napasimangot ako sa sinabi niya "Sabi ko nga sayo diba natanggal na ako sa dati kong pinag-tatrabahuhan?wala akong permanenteng trabaho kaya kung saan saan ako napupunta" paliwanag niya "huwag kang mag-alala ayos lang naman ako eh" nakangiti niyang sabi
"niall" bulong ko "magigising pa kaya si kyle?" nakita ko na nalungkot siya sa sinabi ko
"e-ewan ko,si-siguro magigising pa si kyle.Lalaban siya panigurado" sumandal ulit ako sa balikat niya "Pwede ba tayong lumabas?tapos sa labas ko na sasabihin sayo yung gusto kong sabihin" tanong niya.Tumango lang ako at tumayo na.
Bago kami mag-lakad palayo ng emergency room tinignan ko ito ulit.Tumakbo ako ulit papunta sa ER at tinignan si kyle.Nakahiga siya at nakakaawa ang kalagayan.Inooperahan siya dahil kailangan matanggal ang bala na nasa loob ng kaniyang katawan
"Tara na kate" pinunasan ko ulit ang luhang tumulo.
~sa garden(labas ng ospital)
"salamat dahil pinagbigyan mo akong makausap kita kahit na..nag-aalala ka kay kyle"
"Walang problema,kaso sorry dahil baka hindi mo ako makausap ng maayos dahil sa kakaisip ko kay kyle" lumungkot ang mukha niya
"Sorry naman ngayon kate dahil kailangan mo akong pakinggan" yumuko ako at tumango nalang.Hinawakan niya ang kamay ko.Ang dalawa kong kamay
"Kate" panimula niya.Tumingin ako sa mga mata ni niall
"Kate,mahal kita"
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa salitang narinig ko mula kay Niall
"Seryoso ako,walang halong biro.Mahal talaga kita.Hindi ko alam kung bakit pero palagi ko nalang nararamdaman na kapag nag-kakalapit tayo hindi ko maiwasan na kabahan" nakatingin lang ako sa kanya.Speechless
"tapos kanina nung sinabi mo na kaya ka nandito dahil binabantayan mo si kyle.Nalungkot ako ng sobra nun dahil parang may gusto ka kay kyle dahil sobrang lungkot mo noon"
"Sorry talaga kate,hayaan mo lang akong magustuhan ka,sana wag mo kong pipigilan na magka-gusto sayo" sobrang speechless talaga ako
Maya maya ay may bigla nalang tumulak sa akin.Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nasalo ni Niall.Tumama ang ulo ko sa malaking bato
Then everything went dark.
---
Niall POV
Kinarga ko si Kate papunta sa ospital.Tuloy tuloy ang agos ng dugo ni kate sa kaniyang ulo dahil sa tumamang bato
"hanggang dito nalang po" sabi ng nurse
Pag-kalingon ko sa likod ko may nakita akong pasyente na kagagaling lang sa emergency room.
Parang...parang si kyle yun?
Nakita ko na may nurse na parang nag-hahanap.Nilapitan ng doctor ang nurse "Nakita mo na ba ang kasama ng pasyente kanina?" tanong ng doctor "hindi po eh,bigla nalang po nawala" lumapit na ako sa nag-uusap
"Doc,ako po ang kasama ni kyle" sabi ko
"Kaano ano niyo po ang pasyente?" lumunok muna ako bago sumagot "teka diba ikaw yung janitor dito?" tumango nalang ako at saka sumagot
"Ka-kaibigan po" sinabi ko na kaibigan ko si kyle kahit hindi niya ako tinuring na kaibigan.Galit sa akin si kyle dahil tatay ko ang may gawa ng pag-nanakaw sa bahay nila kate
"Kailangan po siyang iconfine muna dito" tumango nalang ako.Pinasok na si kyle sa loob ng private room at ako naman ay pumunta uli sa tapat ng emergency room
Pumunta na ako sa kwarto ni kyle.Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya.Maya maya ay may tatlong tao na pumasok sa loob ng kwarto ni kyle and dalawa ay si keith at hazel ang isa naman ay ang nanay siguro ni kyle
"Kyle anak" sabi ng babae
"Sino ka?bakit ka nandito?" tanong niya sa akin "kaibigan ko po si kyle"
"Nasaan si kate?" pinunasan ko ang tumulong biglang luha mula sa mata ko
"Anong nangyari sa kapatid ko?Sabihin mo" hinawakan ni keith ang kwelyo ko
"na-nasa emergency room po siya" biglang binitawan ni keith ang kwelyo ko at saka siya lumabas ng kwarto "Pag-pasensyahan mo na si keith,masyado kasi siyang maalaga sa kapatid niya" sabi ni hazel.Tumango nalang ako,sumunod si hazel kay keith
Lumabas na rin ako ng kwarto.Nakita ko na may benda sa ulo si kate at idederetso siya sa panibagong kwarto
"ipag-sasama nalang natin ang kwarto nilang dalawa bukas" sabi ni hazel.Pumasok sila sa kwarto ni kate kaya sumunod ako.Nasa tabi sila ng kama ni kate at ako naman ay nakatayo lang sa may pintuan
"Ayan na naman tayo kay kate,paano kung makalimutan na naman niya tayo?paano kung hindi na niya tayo matandaan?" ngumiti si hazel
"Hindi mangyayari yan keith," sabi ni hazel "malay mo matandaan ni kate ang lahat?" nagulat ako nang biglang tumingin sa akin si keith at biglang tumayo,ang sama ng tingin niya sa akin.Nagulat si hazel kaya tumayo rin siya para pigilan si kate.Hinablot ni keith ang kwelyo ko
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari tong lahat eh" nanlilisik ang mga mata niya sa akin "Keith!kumalma ka nga!" sigaw ni hazel
"kasalanan mo to eh!"
"Hindi ko po kasalanan,wala akong ginagawang masama sa kanila"
"Kuya?niall?bakit kayo nag-aaway?" napatingin kaming tatlo sa nag-salita
Gising na si kate
To be continued
please vote,share,comment and rean thanksss <3
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...