Chapter 18-Niall's Problem

22 2 0
                                    

Kate POV


"Kate?"kumatok si ate hazel sa pintuan ng kwarto ko "bukas po yan"


"ano ba ung problema ng kaibigan mo?pwede rin akong tumulong"ngumiti sakin si ate hazel.Hinawakan nya ung kamay ko at tinignan ko ung kamay nya,may napansin ako na dugo sa uniform nya.Tinignan ko ung buong uniform nya at ung ibang parte ng uniform nya mayroong dugo


"bakit kate?"napatingin ako kay ate hazel "ano pong nangyari sa uniform nyo?nag opera po ba kayo?"nagulat sya sa tanong ko "ah oo eh"


"ah kaya po pala meron kayong mantsa dyan sa uniform nyo"nagulat ako nung biglang lumungkot ang itsura ni ate hazel "kamusta na po ung pasyente nyo?"


"ahh ano eh"


"Wala na sya"huh?bakit naman? "a-ano po?"nagulat ako sa sinabi ni ate hazel dahil ang alam ko lahat ng pasyente na inooperahan nya succesful ang kinakalabasan "nag pakamatay sya sa harap namin"nagulat ako sa sinabi niya 


"kate!"makasigaw naman si kuya alam naman na nag uusap kami dito ni ate hazel eh "tawag ka ng kuya mo.Tara na baba na tayo"tumango lang ako kay ate hazel


"may bisita ka"sabi ni kuya "si-sino?"tumingin ako sa labas para alamin kung sino ung bisita "lumabas ka na"tiningnan ko si kuya


"kate"


"niall?"nagulat ako dahil ngayon lang pumunta si niall dito sa bahay nang siya lang "niall a-anong nangyari?"tumingin si niall sa likod ko kaya tumingin din ako.Nakatingin pala siya kay ate hazel


"wala na si nanay,patay na siya" Biglang tumulo yung luha niya "huh?hindi magandang biro yan niall"sabi ko


"hindi ako nag bibiro kate!siya!siya ba ung doktor na nag sabing ililigtas si nanay?!"tinuro niya si ate hazel "ano bang pinag sasabi mo?"


"ikaw ba yung anak niya?may sinabi ung pasyente sa amin bago siya mamatay...sabi nya na hirap na hirap na daw sya sa buhay niya.mahirap lang daw sila at wala na silang makain ngayon tapos isa pa nakulong daw ang asawa nya at naging adik na impluwensyahan daw ng kapwa preso,nakakaawa nga ung buhay nya eh,masyado daw mahirap.Ngayon hinahanap na ung naiwan nyang anak"


"a-ako ako ung na-naiwan nyang anak at meron pa na nasa o-ospital ngayon"iyak na nang iyak si niall ngayon at hindi ko magawang patahanin siya "ang sabi nyo ililigtas nyo siya!diba mga doktor kayo?tagaligtas ng mga sugatan,ng mga malapit nang mawala.Diba ganoon ang gawain nyo?"nilapitan ni ate hazel si niall at hinawakan ang dalawang braso ni niall


"hindi namin ginusto ang nangyari.Siya ang sumaksak sa sarili niya gusto namin siyang iligtas pero sumuko na siya agad.Walang may gusto na mamatay siya"biglang tumulo yung luha ni ate hazel si niall naman natumba sa kinakatayuan niya kaya nilapitan ko siya


"niall"bulong ko "di ko na kaya kate,ayoko na"


"niall!hindi mo ba alam na may maiiwan kang dalawang bata?dalawang bata na hindi pa kayang asikasuhin ang sarili nila?kailangan ka nila"


Bigla siyang tumayo at pinunasan ang mga luha niya.Tumalikod siya samin at saka tumakbo palayo


"niall!"sigaw ko


---


Niall   POV


Hindi ko alam kung ano ba gagawin ko ngayon.Wala na si nanay,nakakulong naman si tatay tapos masyado pa akong bata para ma tanggap sa trabaho


Tumakbo ako palayo sa kanila.Pumunta ako sa ospital kung nasaan si nanay ngayon.Ang naabutan ko ay sila ivy at louie na iyak nang iyak at mga nurse na may hila hilang kama at may nakahiga na pasyente.Nakatakip sya ng kumot kaya hindi ko alam kung sino yun


"nay!"tinignan ko si ivy na iyak nang iyak "si nanay"tinuro nya ung kaninang nakita ko na nasa kama na hinihila ng nurse


"nurse!sandali lang pwede ko bang makita kung sino yan?"tumango ung nurse.Unti unti kong tinatanggal ang kumot sa pagkatakip sa kanya.Napahawak ako sa ulo ko nang makita ko kung sino yun


"nanay"isang salita lang ang lumabas sa bibig ko "dadalin na po namin sya sa morgue"biglang tumulo yung luha ko nung nakita ko si nanay na isa nalang bangkay


Ngayon wala na si nanay,wala nang mag aalaga pa sa amin


Wala na rin si tatay,wala nang kikita sa amin para sa pang kain namin


Biglang tumunog yung cellphone ko


[niall!]narinig ko agad ung boses ni  kate "niall!kailangan mo ng tulong kaya tutulungan kita"hindi ako nag sasalita.Hinayaan ko lang siya na mag salita ng mag salita 


[niall!naririnig mo ba ko?]binaba ko agad ung cellphone ko.Hinila ko sila ivy at louie palabas ng ospital


"kuya bakit?"


"uuwi na tayo"mag aaply ako ng trabaho.Sana makakuha ako ng trabaho kahit ganito lang edad ko



To be continued...

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now