Chapter 12-Ex

38 2 0
                                    

Kate POV


Inaya ko silang dalawa dito sa park kasi gusto ko talagang makasama ulit si janice,kaso na oop lang akong dalawa sa kanila kasi sila lang ung nag kukwentuhan kaya tahimik lang ako dito


Tatlong oras kaming tumambay dito sa park.Tatlong oras din akong walang kausap.Akala ko magiging masaya ako kasama silang dalawa pero napaka lungkot ko ngayon dahil feeling ko lonely na lonely ako kahit na kasama ko sila jazz at janice


"kate!"sino kaya yun?nag hanap hanap ako sa malayo.Nakita ko si jazz na parang gulat at hindi mapakali 


"familiar ung boses na yun"sabi nya habang nakatingin kay janice 



"kate!tara na!kanina ka pa hinahanap sa bahay"si kyle.Sa wakas lumapit din sya di ko kasi sya mamukhaan mula sa malayo eh 


"kyle?!"sabi ni jazz.Bakit?anong meron?kilala nila isat isa? "kyle!"sigaw pa nya "jazzmine?"oo nga magkakilala nga sila.Baka si jazzmine ung gustong ligawan ni kyle tapos si kyle ung gusto ni jazzmine na mabalikan.Siguro...


"oo.ako to si jazzmine!na miss kita kyle!"niyakap nya ng mahigpit si kyle pero si kyle naman galit na galit


"ano ba!bakit ka nandito?diba dapat nandun ka sa isa mong lalake!"huh?Ang sama naman ni kyle.Di naman at ganun si jazzmine.Halata namang mahal na mahal ni jazzmine si kyle eh


"nag kalayo na kami nun at hindi pa nagkikita simula noon at saka ko na realized na may feelings pa ako syo!kaya please"ngayon hawak nalang ni jazzmine ung braso ni kyle


"hindi na!ayoko nang mag paloko pa ulet!ayoko na!"pumagitna na ako sa kanilang dalawa para tigilan si kyle.Dahil para sakin mabait na babae si jazzmine at hindi sya gagawa ng ganon.


"kyle!tama na!wag mong sisigawan ang babae kasi nasasaktan din yan"pag mamakaawa ko.Si kyle nakatingin lang sa mata ko at parang nag tataka pa "kate..."bulong nya


"kyle please!!pag bigyan mo na ko!gusto ko ulit mag simula!"sabi ni jazz at saka hinawakan ulit ung braso ni kyle.Si kyle naman hinawakan ung braso ko


"kate tara na!umuwi na tayo"nakatingin lang kami sa mata ng isat isa.Bigla nya kong hinila palayo kila jazz at janice


"kyle!"sigaw ni jazz.Sa huling pag kakataon tinignan ko si jazz.Iyak sya ng iyak at parang may galit sakin.


Nung nakalayo na kami sa park pinabitaw ko na si kyle sa pag kakahawak sakin


"kyle..."bulong ko saka ko tinanggal ung pagkahawak nya sakin "ah.so-sorry"


"bakit mo ginawa un?bakit mo sya tinalikuran?gustong gusto ka ni jazzmine!gusto nyang mag kabalikan kayo tapos tatalikuran mo lang sya?saka minsan minahal mo rin sya naging part din sya ng buhay mo kaya hindi mo parin sya pwedeng saktan kahit ex mo nalang sya"paliwanag ko habang nakayuko lang si kyle


"hindi mo kasi alam kate"bakit?may dahilan?may dahilan kaya nya ginawa un? "ah kase may ibang babae na nasa puso mo?ganun ba?ung pag bibigyan mo ng regalo dati?"napatingin sakin si kyle.Mukang gulat na gulat

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now