Chapter 38-Guest

15 1 0
                                    

Kate POV


Nagulat ako sa nadatnan ko

"Ka-kassey bakit siya nandito?"bulong ko kay kassey "Ang mommy ni kim,aimi at ako ay magkakaibigan"

"Ahh ganun ba?"

"are you a filipina?"tanong sa akin nung mommy ni aimi "ah yes"

"Ohh that's good,we can talk in tagalog"ngumiti lang ako "maupo ka na kate"aya sakin ni kassey "thanks"magkatabi kami ni kassey

Nagkwentuhan lang sila pagkataos naming kumain "madadaldal talaga sila pag-nagkasama sama"bulong sakin ni kassey

"oo nga pala,bakit ganun?alam naman nila aimi at kim na mag-kakaibigan ang mommy nyo pero patuloy parin ang pambubully nila sayo"ngumiti sakin si kassey "hindi na nila ako binubully"masaya niyang sabi.Sana nga..

"gusto mo bang i-tour kita sa kwarto ko?since na nandito na naman tayo sa bahay ko eh,wala na tayo sa dorm natin"tumango lang ako at saka ngumiti.Nakita ko sila kim at Aimi na nag-uusap

"Ang ayos naman ng kwarto mo,ang gandang tignan,pink at may halong black"

Teka,pink?at may halong black?parang nakita ko na yung kulay na yun.Sa jacket nung babae sa labas ng coffee shop dati,sa jacket nung isang babae may guhit sa gilid na pink at yung buong jacket na ay black,sa cap din niya may kasamang kulay pink

Pumunta ako sa may walk in closet niya.Tinignan ko ang mga damit niya.Nakatalikod siya at parang may tinitignan si kassey sa laptop niya kaya hindi niya ako napansin na pumunta sa walk in closet niya.Ayoko siyang pag-bintangan pero ramdam ko na siya yung nakamasid sa amin noon.

Black and pink ang design ng room niya connected sa suot ng babae na jacket,ganun din ang nakita kong cap na nasa bag niya.

Napahawak ako sa bibig ko nung may nakita ako sa isa sa mga damit niya

Yung jacket,kaparehong kapareho nung suot nung babae na nakamasid sa amin

"Kate!umalis ka diyan!"hinila niya ako palabas ng kabinet niya at sinara niya ng malakas ito.Parang galit siya "Bawal kang pumasok don!akin yung mga gamit na yun eh!"gulat parin ako sa nakita ko.Parang natutulala na ako "kate!ano ba!may nakita ka bang multo sa kabinet ko?"

"wa-wala...tara na lumabas na tayo"lumabas na kami ng kwarto ni kassey at bumaba.Kinuha ni kassey ang phone niya at parang may tinext siya

Katabi ko si Aimi sa sofa,kainis naman kami pa talaga ang mag-katabi?nasa kanan ko si aimi at nasa kaliwa ko naman si kassey

Naramdaman ko na may nag-vibrate sa may bulsa ni Aimi pagkatapos itago ni kassey ang phone niya

May nabasa ako na konti sa message kay Aimi

Mukhang nararamdaman na niya Aimi

Hindi ko napansin kung sino ba yung nag-text na yun.Yung mismong message lang ang nabasa ko

"Ahmm kate gusto mo samahan na kita pauwi sa inyo?oo nga pala mag-kalapit nga lang pala tayo ng bahay"tumango lang ako.Sa totoo lang gusto ko na talagang umuwi dahil hindi ako komportable ngayon.Sinamahan na ako hanggang gate ni kassey

"Salamat sa hapunan kassey"nag-ngitian lang kaming dalawa at saka ako umalis

Ayoko talagang pag-bintangan si kassey pero hindi ko mapigilan.Ang sama kasi ng feeling ko dun sa nakamasid sa amin na babae dati.Yung suot nung isang babae ganun din yung nasa jacket,at yung cap nung babae ganun din yung cap na nakita ko sa bag ni kassey.Nung nakita ako ni kassey na nasa damitan niya nagalit siya sakin,mukhang may tinatago siya dun.Nag-text si kassey pero hindi ko alam kung kanino,saktong pag-tago ni kassey sa phone niya saktong nag-vibrate yung phone ni Aimi.Nung nagkita sila jade,trizha at kassey biglang natakot sila jade at trizha.Hindi kaya??Aish!!ang hirap!

"Kate!isipin mo!best friend mo si kassey!"sabi ko sa sarili ko



To be continued

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now