Kate POV
Palagi nalang sumasakit ang ulo ko pero iniisip ko naman na side effect lang ito kaya hindi ko na sinasabi kila mama
"Kate kakain na" sigaw ni mama.Lumabas na ako ng kwarto ko
Paglabas ko ay nakita ko sila na kumakain na silang lahat.Natapos din kami agad kumain.Naisipan ko munang lumabas dahil naiinitan ako,gusto kong magpahangin
"Mama lalabas po muna ako" sabi ko at tumango lang si mama.Lumabas na ako ng bahay at nag-lakad lakad.Nakalayo na ako ng bahay namin.May nakita ulit ako na park dito lang sa subdivision.Pumunta ako sa swing at nagswing ako mag-isa
"Kate"
"ikaw na naman?bakit ka nandito?dito ka ba nakatira?" tanong ko sa lalaki na nakita namin sa coffee shop dati yung niall ata yun
"Hindi ako dito nakatira,gusto ko lang kasi makilala mo ako,ako yung kaibigan mo" nakangiti niyang sabi
"Ah ganun ba?" may lumapit kay niall na isa pang lalaki at bigla siyang binugbog nito.Nilapitan ko si niall dahil napahiga na siya sa sahig
"Ano ba!tama na nga!" sigaw ko sa lalaki.Nakatitig na sakin yung lalaki.Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay saktan din niya ako
"Kate" bulong niya
"Sino ka ba?!hindi kita kilala!paano mo nalaman ang pangalan ko?Saka bakit mo ba siya binugbog?Napakasama naman ng ugali mo!" sigaw ko
"Kate ako to si louise,sorry,sorry sa lahat.Please kate patawarin mo ako" lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko.Tumingin ako sa likod niya at may nakita ako na isang lalaki at isang babae na tumatakbo papunta sa amin
"Louise!lumayo ka sa kanya" sabi nung babae at hinaltak naman ako nung lalaking kakadating lang
"Kyle?" bulong ko.Tinignan niya ko at saka siya umalis sa harap ko,nilapitan niya si louise nilapitan naman ako ni niall
"Kate ok ka lang ba?" tumango ako "ako dapat magtanong niyan sayo,ok ka lang ba?ikaw ang nabugbog niall,hindi ako"
"kate ok ka lang?" tanong sa akin nung babae
"o-ok lang ako" parang kilala ko siya.Czerry ba?
"Czerry!" sigaw ni louise
"Czerry!kate!patawarin niyo ko please" lumapit sa aming dalawa si louise pero biglang hinaltak ni kyle papalayo sa amin si louise at saka niya ito binugbog
"Tigilan mo nga sila!" sabi ni kyle.Tumayo ako at nilapitan ko silang dalawa na nagbubugbugan
"Tama na please" humarang ako sa kanila
"Wala naman silang ginagawa sayo ah" sigaw ko kay louise.Humawak si louise sa ulo niya at saka tumalikod sa akin.Nilapitan ako ni niall
"Hayaan mo na siya iwan nalang natin si louise" bulong sa akin nung babae (czerry)
"Tara na" hinila na ako ni niall.Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit na naman
"Kate!" natumba na ako sa sakit ng ulo ko at unti unti na akong pumikit
"Kate gising!" sigaw nung babae (czerry)
---
Kyle POV
Binuhat ko agad si kate pagkatumba niya.Naka sunod naman sa akin sila czerry at niall.Sinakay ko sa kotse ko si kate at pumunta na kami si ospital
Pinasok si kate sa emergency room at kami naman ay naghihintay dito sa labas ng ER.Tinawagan ko na rin sila tita Ana para malaman nila ang nangyari kay kate
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...