Chapter 51- Anniversary goes wrong

20 2 0
                                    

Kyle POV

Nag-lalakad ako mag-isa hanggang sa may makita akong nag-kukumpulan na mga tao.May mga tao na nag-lalakad at dumadaan sa tabi ko na nag-uusap.Narinig ko ang pinag-usapan nung taong nasa tabi ko


"grabe no?nakakaawa yung babae,grabe naman kasi yung truck eh"

"eh sabi tumigil daw sa gitna ng kalsada yung babae eh,umiiyak daw yung babae tapos ayun,nasagasaan na"

"so,may nakakita sa kanya bago mangyari yung aksidente?"

"ganun na nga"


Dahil na curious ako nilapitan ko ang mga taong nag-kukumpulan.Hindi pa ako nakakarating doon kinutuban na ako ng masama.Bigla kong naisipan na tawagan si kate,kanina pa siya umalis at wala prin siya sa bahay


Bakit ba ayaw mo sumagot kate?Lumapit na ako sa madaming tao.Muntik na akong manghina nung nakita ko siya


"Kate!" tumakbo ako palapit sa kanya kahit maraming tao ang nakabangga ko


Kinarga ko siya at sinakay ko sa isang taxi.Tinakbo ko siya sa ospital


pagkatapos ng tatlong oras na pag-hihintay namin ay lumabas na ang doctor


"Family of the patient?" ang tanong ng doctor sa magulang ni kate "opo doc"


"ok na po siya,pero hindi pa po namin alam kung kailan siya gigising"


"matatagalan po ba bago siya gumising" umiiyak na tanong ni tita ana,ang mama ni kate


"ahm,dipende po yun sa pasyente and...sad to say po.." ang sabi ng doctor na ikinalungkot niya


"nagkaroon po siya ng brain damage,masyado pong malakas ang impact sa pag-kakabangga ng truck sa pasyente" biglang umiyak si tita ana,pinatahan siya agad ng asawa niya na papa ni kate.Si keith naman ay nilapitan ko na nakayuko lang at tulala


"maayos din ang lahat" sabi ko "tara na pumasok na tayo,gusto ko na siyang makita" umiiyak na sabi ni tita ana


Pag-pasok namin sa loob ay bigla akong parang nanghina dahil sa nakita ko.Mukha siyang kaawa awa.May venda siya sa ulo niya.Tulog pa din siya hanggang ngayon.Umupo ako sa tabi ng kama niya.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako


"kyle,sige na pwede ka na umuwi,mag-pahinga ka na sa inyo,kami nalang ang mag-babantay kay kate" ang sabi sa akin ni keith.Tinignan ko ang orasan ko. 1 hour pala akong nakatulog sa tabi ni kate


"hihintayin ko nalang na magising si kate,ayos lang ako" sabi ko


"osige,bahala ka" bumalik na siya sa sofa.At ako naman ay nakatingin lang kay kate habang natutulog siya


"kate,gusmising ka na,miss ko na yung pang-aasar mo sa akin na epal,na alien"


The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now