Chapter 48-Be with her

31 2 1
                                    

Kyle POV


Pag-gising ko tinignan ko ang orasan sa cellphone ko.Magsi-six palang pala


Naisipan kong pumunta sa kwarto ni kate.Pag-bukas ko ng kwarto niya nakita ko agad siya sa kama niya


Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang matulog


Ang bait mo pala kate pag natutulog


Nakita ko na may tumulong luha mula sa mata niya


"kate!uyy!gising!feeling sexy!gising!" nagising na siya


"Bakit ka umiiyak?ano ba yung napanaginipan mo?" tanong ko


"wa-wala" umupo siya sa kama niya


"wala daw?weh?" Pinunasan ko agad ang luha ni kate.Umiyak nga siya


"ako na mag-pupunas para sayo" pinunasan ko ang mga luha niya


"may tanong ako kyle" mahina niyang sabi


"ano yun?" sabi ko naman


"diba nag-karoon ka ng ex girlfriend?" napatingin ako sa kanya ng deretso


"masakit ba nung nag-break kayo?"


"kilala mo ba yun kung sino?" tanong ko sa kanya


"nope,dali ano na?masakit ba nung nag-break kayo?"


"hindi naman eh,parang wala lang sakin yun,kagat lang ng langgam yung naramdaman ko eh" sa totoo lang masakit talaga pero nakapag-move on naman ako kaagad eh.Simula nung nakita ko ulit siya.Tinigilan ko na si jazzmine dahil nag-kita ulit kami


"bakit naman?grabe ka naman!di ba siya naging mahalaga sayo?"


"hayaan mo na siya,wala naman talaga akong pakialam sa kanya eh"


"tama na nga!huwag mo na ibalik yung dati" sabi ko


"bakit naman?ibig sabihin di mo pa tanggap?" sabi niya


"hindi ganun yun!o sige na halungkatin mo na nga yung storya ko dati" sa totoo lang ayaw ko ikwento dahil nag-sisisi na ako na niligawan ko yung babae na yon


"nung nag-break kayo?sobra ka bang nasaktan?"


"hindi nga,kasi hindi naman totoo yung pag-mamahal ko sa kanya eh.May iba akong mahal nung mga time na yun"


The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now