After one year ulet :))))
Kate POV
Sobrang saya ko habang nasa harap ako ng salamin.Kanina pa ako nakatingin sa salamin dahil nakikita ko ang itsura ko at ang suot ko na itim na itim,mahaba at tinernohan pa ng isa pang itim na sumbrero (toga/graduation dress)
"Kate!ready ka na ba?" tumingin ako sa may pintuan ng kwarto ko.Huminga muna ako ng malalim bago mag-salita "oo,handa na ako" sabi ko.Nag-ngitian kaming dalawa.Buti nalang talaga at hindi ako iniwan ng kuya ko dito.Ako lang at si kuya ang pupunta sa graduation ko.Nakakalungkot nga dahil wala sila mama at papa dito pati na rin si louise
Tinext ko si louise pero hindi siya nag-rereply.Malapit na ang First year anniversary namin at alam ko na Bago ang anniversary namin ay makakauwi na ako ng Pilipinas.Sa Pilipinas namin gaganapin ang first year namin
"kate!" pag-labas ko ng kotse sumalubong na agad sa akin si kassey.Masaya rin siya katulad ko
"excited na ako mag-tapos,sa wakas nakatapos ulit ako ng mga ilang years ba?" nag-bilang siya sa kamay niya kaya napatawa ako "basta ayun" sabi niya.Tumawa nalang ako
"kassey!" may lumapit sa amin na dalawang babae at nagulat ako na sila pa talaga.Yumuko si kassey at sumimangot "congratulation" sabi ni Aimi.Tumingin sa akin si Aimi at kim ng pang-asar,ngumisi lang silang dalawa.Si kassey hinawakan ang braso ko at pinalayo na ako sa kanilang dalawa
"hanggang ngayon ba naman mang-aasar sila?" sabi ko.Naka simangot parin si kassey hanggang ngayon "hayaan mo na sila,tuta hindi ka na naman nila binully diba?saka ako?" tumango lang ako.Oo nga pala hindi na nila ako binully pati na rin si kassey.Nakakapag taka rin dahil bigla nila kaming tinigilan pero wag naman sana dahil baka mamaya ay may plano pala sila sa dadating pang panahon kaya sila tahimik ngayon
Mga three hours namin natapos ang graduation.Ang tagal ng ceremony dahil marami kaming tumanggap ng diploma
Pag-labas namin ng gate nagulat ako dahil nandito sila.Sila mama at papa.May dalang bouqet ng flowers si mama pag-lapit niya sa akin meron pang isang tao sa likod niya ang akala ko ay si louise yun pero hindi pala,si kyle nandito rin?
"kate!congrats anak!" niyakap ako ni mama at saka niya inabot sa akin yung bouqet ng flowers na dala niya "nandito nga pala si kyle dahil gusto ka rin niyang i-congratulate" lumapit sa akin si kyle at inabot niya ang bouqet ng chocolates.Natakam ako sa mga chocolates na yun
"alam kong gusto mo ang bouqet pero ayaw mo ng bulaklak kaya eto bouqet ng chocolates nalang kasi alam ko na pag bulaklak yan hindi mo makakain kasi hobby mo kumain eh kaya ayan nalang naisip kong ibigay sayo" sinamaan ko siya ng tingin at saka ako nag-libot libot ng tingin.Hinahanap ko si louise baka sa kaling nandito siya at i-susurprise niya ako.Tinignan ko ang phone ko pero wala paring reply.Ano bang meron sa kanya?bakit ayaw niya mag-reply?
"hinahanap mo si louise no?" tanong ni kyle "tara na uuwi na tayo" inabot niya ang kamay niya sakin pero binelatan ko lang siya at saka ako tumawa.Pero deep inside ang lungkot ko dahil wala si louise "gara mo!" ang sama ng tingin sa akin ni kyle ngayon dahil dinedma ko lang siya kaya ngumiti lang ako
Naglibot ulit ako ng tingin.Nakita ko si kassey mula sa malayo,may kasama siyang dalawang babae na naka graduation dress din katulad ko.Natatakpan ng buhok ang mga mukha nila kaya hindi ko makita kung sino yung kasama ni kassey.Walang sinasabi sa akin si kassey na may iba siyang kaibigan.Maya maya pa ay naglakad na sila papunta sa isang sasakyan at sabay sabay na pumasok sa kotse.Sino kaya yung dalawang babae na yun?
"tara na" hinampas ako ni kyle sa ulo ko "aray!" hinawakan ko ang ulo ko at ang sama ng tingin sa kanya "ikaw eh!kanina pa kita inaaya tapos ayaw mo pa edi hinampas kita diyan" tss ang lakas talaga ng topak netong si kyle eh
Pumasok na kami sa kotse.Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino ba yung dalawa na yun
To be continued
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...