Liam POV
Naisipan na namin umuwi ng Pilipinas ni grae.Gustong gusto na daw kasi ni grae na umuwi dito eh
Habang nag-lalakad ako mag-isa dito papunta sa apartment na tinutuluyan namin ni grae,may nakabangga akong naka cap na itim na babae.Inangat niya ang ulo niya
"li-liam?" pamilyar ang mukha niya,siya yung patay na patay sa akin dati bata palang kami
"oh!ano nga pala pangalan mo?"
"beatrice" nakangiti niyang sabi
"oo nga pala!ikaw nga pala si beatrice,nasaan na yung kaibigan mong patay na patay din kay grae?" sinamaan niya ako ng tingin
"grabe ka naman maka patay na patay"
"bakit di ba totoo?ikaw din eh patay na patay ka sakin eh" sabi ko sabay kagat sa labi ko
"beatrice!" sigaw nung babaeng naka cap din katulad nung kay beatrice.Dalawa sila na lumalapit kay beatrice
"alissha!Bella!" ang pag-kakaalam ko ay si alissha yung may gusto kay grae.Siya yung famous sa school noon,bully siya masyado lalo na pag nerd ang nakilala niya
"alissha?yung nag-kakagusto sa bestfriend kong si grae?" sabay tawa ko
"yes,hanggang ngayon,nasaan ba siya?miss ko na siya eh ayaw niyang bumalik sa akin naiinis na ako" maarte niyang sabi
"ba't naman siya babalik sayo?naging kayo ba?" nagulat ako sa nag-salita sa likod ko.si trizha
"ikaw na naman?diba sabi ko sayo na wag na wag kang pupunta dito?" sabi ni trizha
"trizha,kala ko ba bumalik kayo sa New York?" ngumiti siya sakin
"hindi kami tuloy,buti na nga lang eh" tumingin siya ng pang-asar kay alissha "buti nalang at hindi kami natuloy dahil gusto kong bantayan ang grae ko" mataray niyang sabi habang nakatingin kay alissha.Tinaas naman ni alissha ang kilay niya
"kayo na ba?bakit grae mo ang sinasabi mo?wala namang kayo" sabi ni alissha habang nakataas ang kilay
"siguro hindi pa ngayon pero sigurado ako na bukas kami na" nakangisi niyang sabi.Nagulat ako sa sinabi ni trizha,seryoso ba siya?
"alam mo alissha?ayaw na kitang makita,naiinis ako sa itsura mo!umalis ka na nga!tsupi!"
"tumahimik ka ngang babae ka!sa totoo lang hindi naman ikaw ang kakausapin ko dapat eh, eh kaso sumasabat ka" nakataas parin ang kilay ni alissha
"natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo?na ayaw kong makita kita dito?" sabi ni trizha.Nag-kita na ba sila?
"hays,oo na nga,nakakatakot nga yung banta mo sa akin eh!sobrang natakot ako nun,sige na alis na kami.Bye!" sabi ni alissha habang nagkukunwari na natatakot
"tsk,bwiset na babae yon!" inis na sabi ni trizha
"oh!wait,kakausapin ko lang si liam" sabi naman ni beatrice
"una na kami ah" sabi naman ni Bella,ngayon lang nag-salita si bella
"liam" hinatak ako ni beatrice
"wait lang trizha ah" sabi ko
"alis na ko" seryosong sabi ni trizha sabay talikod at nag-lakad palayo
"bakit ba beatrice?" bigla siyang umiyak,ano bang problema nito?
"matagal na kitang gusto pero hindi mo ako pinapansin" nakayuko niyang sabi
YOU ARE READING
The Amnesia Girl
Random@exolangloyalp main account Hello try to read my story in my main account, A dream: Don't break your promise. It has a similarities in The Amnesia Girl which I wrote here, it is not yet complete because I already forgot the plot but I will write ano...