Chapter 25- Meet new friends

26 2 0
                                    

(korean po yung salita nila pero gagawin ko nang tagalog pero po yung iba tagalog talaga:))))  


Nagulat ako sa kanila


"sama ka samin?pupunta kami ni grae sa coffee shop.Masarap dun promise"tumingin muna ako kay grae bago sumagot siya rin pala nakatingin sakin hinihintay akong sumagot "ok sige sasama ako"


"tara na!"naunang nag-lakad si liam tapos sumunod lang kami ni grae.Habang nag-lalakad kami papunta sa coffee shop nakita ko sila kassey kasama parin niya si aimi.Pumasok sila sa may bar.Si kassey nag babar?parang hindi naman halata sa itsura niya.Muka siyang mabait at ang amo ng mukha niya hindi katulad ni Aimi na ang sama na nga ng ugali ang sama pa ng itsura


Nandito na kami sa coffee shop hinihintay namin yung order namin.Ang tahimik nga naming tatlo eh


"so!whazzup"pam babasag ng katahimikan ni liam "grae kamusta sa Philippines?"umupo ng maayos si liam nung nag tanong siya


"miss ko na Philippines eh.Saka kamusta yung dad mo?"tagalog kaming tatlo na nag-uusap tutal lahat naman kami nakakaintindi ng tagalog eh


"hindi pa siya sumasalang sa surgery niya pero pinabalik na ko dito dahil kailangan ko na daw pumasok,si mommy na lang daw ang mag babantay"ang lungkot ng mukha ni grae ngayon.Maya maya dumating na yung order namin


Frappe ang inorder ko,kay grae din frappe at kay liam naman coffee.May dinagdag pang order,bread at cake.Kain lang ako ng kain pati si liam si grae naman nakangiti habang pinapanood akong kumain


"tss bakit ka ba nakatingin sakin?kumain ka na nga dyan!"sabi ko habang ang sama ng tingin sa kanya siya naman nakangiti pa rin.Nakakailang kaya kapag may nanonood sayong kumain


"Naneun neoege banhaeseo,kate"


"ayiehh"pang-aasar ni liam "a-ano bang meaning nun?"hindi ko pa nababasa yun at napag aaralan eh"


"I've got a crush on you,kate"nagulat ako sa sinabi ni grae.May crush siya sakin?weh??Seryoso ba siya?


"im serious kate"


Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil naaalala ko pa rin yung promise na sinabi sakin ni louise at yung promise na sinabi ko rin sa kanya


"ahmmm"umiwas ako ng tingin sa kanya.Ang awkward


"sana hindi mo maisipan na umiwas samin ngayong alam mo na yung nararamdama ko sayo"ngumiti siya sakin "ano...hindi naman talaga ako iiwas eh kaso"


"kaso ano?"sabay na sabi ni liam at grae


"kaso...sorry kasi may pingakuan na ako eh"napayuko si grae at saka huminga ng malalim "ok lang..crush lang naman diba?"ngumiti siya ulit sakin kaya ngumiti na din ako


Natapos na kaming kumain,nag-aya na rin si liam na umuwi.Pare pareho kaming dederetso sa dorm namin kaya sabay sabay kami.


Habang nag-lalakad nadaanan namin yung bar na pinasukan nila kassey.nung dumaan kami tumingin ako sa loob at nakita ko si kassey na nasa front desk ng bar nilabas niya yung credit card niya mula sa wallet niya


"kulang yung pera mo"narinig ko na nag salita yung kausap ni kassey.Humarap si kassey sa likod kung saan ako nakatayo ngayon.Dali akong nag tago dahil baka makita niya ako


"kate tara na"aya sakin ni grae "sige na mauna na kayo"


"tss gabi na madilim na sa daan baka mapano ka eh"sabi ni grae saka siya lumapit sakin.Hinila ko siya palapit sakin nung tumingin ulit si kassey.Ayokong makita niya kami


Tumingin ako kay grae at ngayon mag kalapit na kami.Mag kalapit yung mga mukha namin


"bakit mo ko hinila?sabihin mo na kase yung totoo"eto pa isang assumero eh "ayoko lang na makita tayo ni kassey.Dali na umalis na kayo"umalis na sila grae at liam ako naman nag paiwan dito,nag tatago pa rin ako kay kassey


"So ano?saan ka kukuha ng mga kulang mo?hindi kasya yan!hindi kasya yung laman ng credit card mo sa bill"


Di ko na napigilang pumasok at nag-labas na din ako ng pera.Gusto kong tulungan si kassey


"ka-kate anong ginagawa mo dito?"ngumiti ako kay kassey saka ko inabot sa lalaki yung pera ko na ipambabayad sa bill "mukhang hindi ka naman uminom ah eh bakit ka nag babayad?"yumuko siya para umiwas ng tingin sakin


"oh?hi kate!"nakita ko na lumabas si Aimi may kasamang tatlong babae "bakit ka nandito?tinutulungan mo din bang mag-bayad si kassey?"Tinignan ko si kassey at nakayuko pa rin siya


"tara na kate tutal bayad na naman eh"bago kami umalis ni kassey tinignan ko muna si Aimi at ang taray ng ngiti niya sakin.Nakangiti siya pero ang taray kung titignan


"tara na"hinila na ko ni kassey palayo sa kanila


Pumunta na kami sa dorm namin at buti nalang si kassey ang room mate ko




To be continued

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now