Chapter 36-hunch/kutob

30 2 0
                                    

Kate POV


Iniwan ko na sila jade at liam na magkasama.Kaso ang hirap,ang hirap mamili lalo na pareho mo pa silang kaibigan,si kassey at jade.Feel ko pareho silang nag-kakagusto kay liam.Hindi nga ako makapili sa kanilang dalawa kung sino ba talaga ang para kay liam.Haysss


Naglalakad akong mag-isa dito sa sidewalk pero hindi pa ako nakakalayo ng coffee shop kung nasaan ngayon sila jade.May nakita akong babaeng nakajacket.Siya ulit.Parang may tinitignan siya sa loob ng coffee shop.Kanina sakin sila nakatingin posibleng kilala rin nila si jade


"tara na!umalis na tayo baka may makakita pa satin"narinig ko na sabi nung isang babae.Umalis na silang tatlo


Sana naman hindi sila jade at liam ang target nila


Nakarating na ako sa dorm namin.Hindi ko naabutan si kassey.Saan kaya siya pumunta?Maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto


"oh!kassey!saan ka ba galing?ngayon ka lang ata lumabas mag-isa ah?"hindi siya makatingin sakin ng deretso.Nakayuko lang siya "ka-kassey?"


"ano..kasi..gusto kong mag pahangin eh kaya lumabas muna ko"ngumiti siya saka siya humiga sa kama niya.Pumikit siya at nakatulog kaagad.Pumunta naman ako sa mesa ko.May kukunin kasi ako sa bag ko.Magkatabi ang mesa ko at ang mesa ni kassey.May nakita akong gamit sa bag ni kassey na nakita ko kanina.Kulay black


"ano kaya ito?ngayon ko lang nalaman na may ganito si kassey"kinuha ko yung gamit na yun sa bag niya "cap?katulad siya nung cap na suot kanina nung tatlong babae na nakita ko"tumaas na naman ang balahibo ko.Kinilabutan ako bigla 


"Kate!"nagulat ako dahil nakita ko si kassey na nakatayo na sa harap ko.Kanina lang tulog na tulog siya "anong ginagawa mo sa gamit ko?!"inagaw niya sakin yung cap at saka niya ipinasok sa bag niya.Hindi siya ganyan dati.Ayos lang sa kanya kapag ginalaw ko ang gamit niya


"nag ca-cap ka pala"ngumiti ako pero siya nakayuko lang "kala ko ba tulog ka na?"


"may nakalimutan ako kailangan kong balikan"hinila na niya ko at pumunta kami sa kama namin.Mag katabi rin ang kama namin.Pareho kaming nakaupo sa sarili naming kama at magka-tapat kami


"pwede bang mahiram ang phone mo?"


"ah!sige eto oh"kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko lang at inabot ko sa kanya "thanks" nakakapag-taka,bakit parang ang tahimik niya?Simula nung nag-kita kita kami nila jade at trizha bigla siyang naging ganyan.Bigla siyang naging tahimik


Kinuha din niya ang phone niya at pinagtabi iyun.Parang may kinokopya siya sa phone ko


"ok na,thanks"binigay niya sakin ang phone ko "anong ginawa mo?"


"meron ka kasing kilalang tao na kilala ko rin eh gusto ko siyang maging kaibigan kaya kinuha ko ang number niya"ngumiti siya ng malapad.At saka siya tumayo at lumabas ng dorm kinuha niya ang bag niya at lumabas


"sandali lang kate,babalik din ako"


Ano ba talaga pinagkaka-abalahan niya?at labas siya nang labas?


Tinignan ko ang phone ko.Naisipan kong tawagan si trizha pero hindi siya sumasagot kaya si jade nalang ang tinawagan ko


Hindi rin sinagot ni jade.Busy daw,baka may iba siyang kausap sa phone niya


Humiga nalang ako sa kama ko.Hindi ko namamalayan na napipikit na pala ako.Inaantok na kasi ako eh


20 minutes akong nakaiglip.Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko ulit si jade.Baka sakaling hindi na siya busy


[yah!wae?]


"sinamahan ka ba pauwi ni liam?madilim na ah?"


[ano...kasi...may...]naputol ang pag-sasalita niya "hello!jade!"


na-end na rin.Baka pinutol niya.Bakit kaya?bigla akong nakaramdam ng masama.


Kinutuban ako ng masama



To be continued


The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now