Chapter 14-Meet a new friend

39 2 0
                                    

Kate POV


"bakit ka umiiyak?"tanong sakin "wa-wala to.Si-sino ka ba?"tanong ko naman sa kanya


"ako nga pala si niall"nakatingin lang ako sakanya "ki-nocomfort mo ba ko?"tanong ko sa kanya.Tumango lang sya


"pero di mo ko kilala"ngumiti sya sakin "wag ka mag alala alam ko na mapag kakatiwalaan ka,mapagkakatiwalaan mo rin naman ako"sabi nya saka nya tinapik ung likod ko "ano?bakit ka umiiyak?"


"ahh wala..ayoko nang sabihin"ngumiti lang ulit sya"oh sige,eto nalang,papatuluyin muna kita sa bahay namin,kasi mukang wala kang tutulugan ngayon eh,mukang ayaw mo umuwi sa inyo"totoo,ayaw ko munang umuwi,ayaw kong makita nila kong umiiyak "ok,sige"tumayo na kami pareho


inangkas nya ko sa bike nya.Maya maya lang nakarating na kami sa bahay nila


"pag pasensyahan mo na maliit lang ung bahay namin"nakita ko ung bahay nila na maliit lang,yero ang pader pati na rin ang bubong.Nakaka awa silang tignan dahil sa kalagayan ng buhay nila


"ahm,kaya mo bang tumuloy muna dyan sa maliit na bahay?ang alam ko kasi nakatira ka sa subdivision.Ung lahat ng nandun na bahay kasi malalaki eh"ngumiti ako sa kanya"oo kaya ko naman"


"tara na,papakilala kita sa pamilya ko"may pamilya pala sya,akala ko wala dahil kung titignan mo parang hindi na sila kasya.Nakakaawa talaga sila.Gusto ko silang tulungan pag nakauwi na ako


Pumasok na kami sa loob.Nandun ang tatay nya,nanay at 2 kapatid pa nya


"papakilala na kita"ngumiti lang ako sa kanya


"nanay,tatay,mga kapatid eto nga pala si..."mukhang hindi nya alam ung pangalan ko kaya binulungan ko sya"kate"bulong ko


"sya nga pala si kate,kaibigan ko"ngumiti lang silang lahat sakin.Muka nga talagang apagkakatiwalaan silang lahat dito "kate,eto naman ang tatay ko si tatay Felix at ang nanay ko si nanay Mary joy tapos eto ung mga kapatid ko,si ivy at si Louie"ngumiti silang lahat sakin


"nice to meet you po"ngumiti ako sa kanila pero si niall lang at ang tatay nya ung ngumiti sakin.Hindi ko alam kung bakit hindi sila ngumiti.Binulungan ko si niall


"may mali ba sa sinabi ko?"bulong ko "hindi sila nakapag aral kaya hindi nila alam kung paano mag engles"bulong nya "ako lang at ang tatay ko ung nakakalabas ng bahay kaya alam ko namin kung ano ung sinasabi mo"


"tatagalugin ko nalang"bulong ko.Tumango lang sya "nagagalak po akong makilala kayo"sa wakas ngumiti na rin silang lahat"kami rin naagalak din kaming makilala ka"sabi nung nanay ni niall


"tara na kumain na tayo"nag aahin na ng mga pinggan ung nanay nya "pasensya na sa ulam"nakayuko si niall habang nag papasensya "ok lang sakin"ngumiti naman sya


"nanay wala na po ba tayong ibang ulam?"sabi ni louie "palagi nalang po kasing adobong sitaw ung ulam natin"bigla namang nag salita si niall "louie pasalamat ka dahil may nakakain pa tayo,ung ibang tao nga wala na eh,pasalamat tayo dahil wala tayo sa kalagayan na wala nang makain"paliwanag ni niall

The Amnesia GirlWhere stories live. Discover now