old crush

4.4K 156 2
                                    

Nung matapos na ang science subject nagpalit na kami ng p.e at dumiretso na sa gym. 

"Okay class. Mag ba by partner tayo ngayon for our Last pe activity."  Pupunta na sana ako kay Ayna para kami partner pero pinigalan ako ni ng pe prof namin. Nakakainis naman. Sino sa inyo ang ganito? HAHAHA.

"Ms. Mercado san ka pupunta?" Tanong ng prof kaya napatigil ako. "Kay Ayna po diba by partner po?" 

"Please sit down ako ang mamimili ng kapatner niyo." Hays prof naming strick ayaw pagsamahin ang sporty. Napahiya pa ako dun ah.

Umupo nalang ako sa likod ni Ayna so ang katabi ko now is si Prince na naman

Nakita kong nakangisi si Prince na nakatingin sakin. Nakakaasar lang.

"Sanny/ Ella"

"Ayna/ Jericho"

"Celine....." nagiintay ako ng babanggitin ng prof namin kung sino makakapartner ko. "Jackson...." masaya na ako ng biglang pinalitan "Ay no Jackson for Aimee. So, celine your partner will be Prince." Matapos niyang sabihin sabay kami ni Prince na nag demand kaya nagtaka ang lahat pero tumigil din kami agad. 

"Okay kumuha kayo ng sport na gagawin niyo then you can play by partner. I'm watching you all but please excuse me for a while." she said then she go. Hays bakit ba? So, he's the one who pick what sport we will play. Basketball? Seryoso? I'm not that matangkad. Inaasar talaga ako neto eh.

"Hate much!!!!" Hays. sabi ko habang nakaupo sa sahig ng gym. Nanlulumo ang mukha ko iniabot niya sakin ang kamay niya na parang nagyayaya.  "Game?" He said. Grrrr... nakakainis naman.

"Oh, paano ba yan tayo ang partner." sabi niya habang nag didribble tahimik lang ako at nakatayo lang sa harap niya.

"Agawin mo naman ang bola sakin celine. Ano ba yan? Ikaw lang yung tipo ng babae na ayaw lumapit eh ang gwapo ko na nga oh!" pag mamayabang niya.

"Pwede ba pag makikipagusap ka sakin wag mo na isingit yang gwapo ka alam ko namang gwapo ka eh! bawasan mo nga nakakairita." tuloy tuloy kong sabi napatingin ang lahat medyo napalakas ata ang boses ko. "Ulitin mo nga sinabi mo?" tanong niya habang nakangiti parang ewan lang. "Ano gwapo ako?" tanong niya ulit. "Bingi ka ba? bakit ko uulitin? tsk!"

Kanina pa ako na a-awkward sa kanya nakangisi siya sakin na parang ewan. Kumuha ako ng bola para magshoot pero ngisi siya ng ngisi sakin hanggang sa nagdatingan ang isa sa mg a star section. Andun yung girlfriend niya na si Ashley agad siyang tinawag nito.

"Babeeee." Nagtinginan ang lahat ng makitang halikan nito si prince sa psingi maski ako napatingin pero pinagwalang bahala ko kaya nagshoot lang ako ng isang beses. Diko matake kaya lumayo ako sa kanila at pumunta sa pwesto nila Ayna at Jericho.

After 1hr pagbalik ng prof nagpa dismiss na siya. Salamat sobrang pawis na ako eh. Sabay sabay kaming mga girls nag punta sa restroom ng section namin para magpalit ng unifrorm since 2am palang naman 3pm pa labas namin eh. Pumunta muna kami nalang kami ni Ayna sa sa canteen.


~~~~

CANTEEN:

"HOYYY!!!" tawag ni Ayna pagbalik niya galing sa pagbili ng snack. "Ano yun?" Yung ano na parang may gustong tumbukin.

"Ano yung kanina bakit may pawalk out ka dun sa gitna ng gym."

"Jusko, Issue ka na naman siz? yun lang  eh ano naman."

"Wala! Selos ka no?" Pangaasar ni Ayna sakin. Mukha kaya akong third wheel kay Prince at Ashley. Imaginin mo sige nasa gitna kami ng gym tapos ang dalawa magkatabi tapos ako nasa gitna din pero may atesnyon din ng lahat. Nakakahiya kaya. "Tigilan mo nga ako."

"Sinog Third-Wheel?" Naggulat ako ng bumungad sakin ang mukha ni Francis na dati kong crush na pinafall lang ako na sobra akong nasaktan.

Napatalon naman sa tuwa si Ayna ng makita niya 'to kasi pinsan niya tong paasa na to "Dito ka na papasok?" excited na tanong ni Ayna habang ako nakatingin lang sa pagkain ko at nakahalumbaba. "Hmm. What if sabihin kong Yes?" sagot ni francis kaya napatingin ako sa kanila.

"Omy.... Dito ka na lang dami ko pa ikikwento sayo e. Natatandaan mo pa si Josh kami na." Kwento niya agad dito. Hays matagal na hoy wala ka kasing paramdam paasa ka.  "Really? Kailan ka niligawan kailan mo sinagot?" sus akala mo naman interesado talaga yang pinsan mo.  "Nung biyernes lang naman. Hahaha." Sagot ni Ayna sobrang saya niya kala mo nanalo sa lotto.  "As in." Parang gulat na tanong ni francis.

Wala lang akong kibo nawalan ata ako ng gana.

"Remember? Celine?" biglang tanong ni Ayna kay fancis kaya napatingin ako sa kanya at nanlaki mata ko. Tumingin siya sakin at nginitian ako parang nahihiya ata siya sakin. Ewan lang kung may hiya pa to.

~~~~~

Hello

Ako nga pala si Francisco Lim, 17. Aaminin ko nahiya ako kay Celine. Junior High kaming naging magkaibigan ang 3 years din yun. Nagtapat siya sakin nung nasa graduating na kami. Di ko alam ang ginawa ko. Bakit ko siya pinaasa. Bakit ko ginawa sa kanya yun napakabait pa naman niya sakin.

Ang sama ko lang talaga. Nung time kasi nun may nililigawan ako. Mahal na mahal ko pa yun and alam naman ni Celine yun. Pero aaminin ko mali talaga ang ginawa ko maling mali na pinaasa ko lang siya sa wala.

Nung nakita ko sila ni Ayna cousin ko sa isang table. Nakishare naman ako. Dito na kasi ako papasok nag transfer ako para may kasama ako at alam ko rin na nandito itong si Celine. Lagi kasi silang magkasama ng pinsan kong si Ayna simula day care hindi na sila naghiwalay. So yun di nga ako makatingin sa kanya pero di ako nagpahalata siyempre nginitian ko lang siya at mukhang may galit pa siya sakin. Hindi niya lang ako pinansin.

Tinanong pa ni Ayna kung nattandaan ko pa ba daw si celine.

"Syempre hindi ko siya malilimutan." tangi kong sagot sa tanong ni Ayna habang nakatingin kay celine.

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon