annoyed

3.7K 123 0
                                    

Kinabukasan nagising ako ng maaga pero nagising talaga ako ng madaling araw.

Bago ako lumabas inayos ko muna ang sarili ko. Pumasok ako sa banyo at naghilamos at nagtoothbrush.

Paglabas ko bago ako bumaba bigla kong naisip na sumilip sa kwarto guest room na tinutulugan ni Prince.

Hay nakooo celine. "Waggg!" bulong ko lang sa sarili ko. "Teka! Bakit kailangan mo pa sumilip ha." Pinipigilan ko ang sarili ko. Pero baliw na ata ako bat ako nacucurious at bakit kailangan ko sumilip. Hays celine bumaba ka na nga hayaan mo na siya.

Habang sinasabi ko yun ay may nagtanong mula sa likuran ko.

"Kinakausap mo ba ang sarili mo?" Nagulat ako ng makita ko si Prince. "Sinisilip mo siguro kung nandyan ako no" Sinabi niya na parang nangaasar lang. "Huh, hindi ahhh... assuming ka? Oo nga pala nasan si Mama?" Pagiiba ko ng Topic.

"Diba bumalik siya ng canada? Nakakalimutan mo ata. Wag kana kasi magsinungaling pinag nanasaan mo ko eh. Ano ba gusto mong mangyari?" habang sinasabi niya eto mukhang ewan siya palapit siya ng palapit sa mukha ko mukhang manyak. "Duh! such a jerk alis nga jan." pagtulak ko sa kanya.

Pero hinila niya ako hanggang sa mapasandal ako sa pinto ng kwarto niya. Awts medyo masakit yun sa likuran ah. Palapit na ulit siya ng palapit hanggang sa magdikit na ang ilong namin pero bigla siya sumegwey sa bandang tenga ko. Akala ko. "Hays celine stop thingking like that"  tanging sabi sa isip isip ko. 

"Siguro narealized mo na crush mo na ako." Hirit niya. Nakakaasar diba? "Huh? Pinagsasabi mo." Tinulak ko ulit siya at bigla siyang umaray kaya nataranta ako bigla mukhang nasaktan ko ata siya. "Aray!!!!!" Tumama ba siya sa Grills? Parang hindi naman. Pero nag aray talaga siya. "Arayyyy!!!" Nagalala naman ako baka nga tumama siya. Nilapitan ko siya at tinanong...

"Saan ang masakit???" Tanong ko "Arayyy!!!!" muli kong tanong hindi siya sumasagot nagpaulit ulit na ako "Saan nga???" bagyang paalis na ako ng hinawak niya kamay ko sabay maya maya ngumiti siya at tumawa ng malakas. Baliw lang?

"Aba!loko to ah." Hinampas ko siya sa balikat niya at tumayo na. Ng bigla siyang nagsalita na kinaiinisan kong marinig.

"Crush mo talaga ako. Hahaha. Concern ka."

"P..pinagsasabi mo? K...kahit n..naman kung k...kanino mangyari yan magiging c..concern din ako." Nauutal kong sabi.

Tumawa lang siya at umalis na ako at bumaba na.

Nakakainis siya. Bakit niya ba pinagpipilitan yun. Feelingero talaga siya.

Madami namang nagkakandarapa sa kanya bakit ako pa ang napansin niya hays.

Tumawag si mama sa akin. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello Mama pauwi ka na ba?"   Tanong ko

"Celine anak, di muna ako makakauwi may pupuntahan kami ng business partner ko pa Baguio kami mga one week akong mawawala siya nga pala jan muna si Prince para may kasama ka ha. Mapagkakatiwalaan naman siya at mukhang mabait na bata." Sabi ni Mama dami niya nasabi haha pero can't believe na okay lang kay mama na kasama naman siya  ni Yaya oni.

"Mama di siya mabait tsaka one week kang mawawala tagal naman tsaka...." Ng bigla na niyang binaba ang telepono sa kabilang linya. Nakita kong nakatingin sakin si Prince na nakasandal sa Ref at nakalagay ang kanang kamay sa bulsa na may hawak na kape.

Kumindat siya na parang sinasabing.

No choice ka. Pumunta ako sa kusina kung saan nandun siya at ininom na ang kape na tinimpla ko. "Hate this Feeling." Sabi ko at ng maubos na ang kape na iniinom ko umakyat ako para magpalit. "Makalayas nga sa bahay na to." May tiwala naman si mama sa kanya kahit magisa siya dito. Di naman ata nito lilimasin ang mga gamit namin. Hahaha.

Pagkatapos ko magbihis agad akong bumaba.

"San ka pupunta?" kala mo totoong concern eh. Tanong niya. "Wala ka na don." pagtataray kong sagot "Suplada mo naman. Buti bihis na ako. Sasama ako."

"Wag na dito ka nalang bantayan mo bahay namin." Iniwanan ko na siya sa bahay at iniabot ang susi sa kanya. "Oh! Bantayan mo ha."

"Opo Ms. Suplada."

Sagot niya na may bow pang sabi.

"Buti naman Mr. Feelingero."

To be continued:

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon