32 - Tatlumpu't dalawa

2K 50 7
                                    

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa beywang niya kaya napahawak naman din ako at napahiga ang ulo ko sa likuran niya.

"Yung Feeling"

Anlakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na bigla siyang darating. Muntik na ako dun. Hays.

Tumigil siya sa tapat ng bahay namin at nung nakababa na ako sa motor niya agad siyang nagpatakbo ng motor niya.

Hindi na siya nagpaalam siguro nga masama ang loob niya sakin.

Habang nagaayos ng higaan ko kinuha ko ang bag ko na ginamit nung kasama ko siya nung pumunta kaming Art Museum inayos ko ang mga gamit ko na nakalagay dito hanggang sa may nalaglag na hindi ko agad napansin.

Nailapag ko na sa sarili sariling lalagyan ang iba kong gamit at nung pabalik na ako sa higaan ay napayuko ako at nakita ko ang picture naming dalawa. Napangiti nalang ako bigla ng makita ko ito.

Ring! Ring! Ring!

Napatingin ako sa phone ko na nagriring nakita ko naman agad kung sino ang tumawag.

Si Francis at agad ko naman ito sinagot.

"Hello."

Sabi ko.

"Celine, Sorry. Alam kong nabigla ka."

Sabi niya.

Hindi ako agad nakasagot at bigla lamang ito napatay ng di sinasadya.

"Omyy, bakit ko napatay? Sh*t."

Agad ko nilapag ang phone ko at humiga sa higaan ko.

"Hays."

Napatingin naman ako sa hawak ko na litrato pala.

"Hmmm....Prince....."

Sabi ko at huminga ng malalim.
Ilang oras lang ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

~~

Paggising ko ay agad kong tiningnan ang cellphone ko at nakita ko na maraming missed calls.

10 missed calls from Mama

16 missed calls from Yaya Munyang/Nanay Munyang

3 missed calls from Prince.

"Prince?"

Gulat kong sabi.

"Bakit kaya siya tumawag."

Sabi ko sa sarili.

Pababa na ako para magbreakfast ng may tumawag sa telepono.

"Hello."

Sabi ko ng sinagot ko ito.

"Sweetie si Mama to. Kanina pa ako tumatawag sayo."

Sabi ni Mama.

"Ahh Sorry po mama kakagising ko lang po kasi."

Sabi ko.

"Sunduin mo kami mamaya malapit na kami sa Airport ha. Tumawag na rin ako kay Prince para tawagan ka. Susunduin ka niya."

Sabi ni mama.

"Huh,Yun pala?"

Sabi ko.

"Ang Ano Sweetie?"

Tanong ni Mama.

"Ahhh wala sweetie, Just prepare okay paeating na ata si Prince jan para sunduin ka."

Sabi ni Mama.

"Hm. Sige po. Bye."

"Okay bye."

Agad na akong kumain. Habang kumakain ay may nagdoorbell.

Agad akong lumabas para pagbuksan ito at nakita ko agad kung sino ang tao.

"Prince??"

"Anong ginagawa mo dito?"

Sabi ko.

Di ko naalala na pupunta pala siya dito kasi nung nakita ko siyang biglang lumakas ang tibok ng puso ko tapos na blangko ang isip ko. Hays.

"Char."

"Di ba tumawag sayo si tita? Sunduin daw kita."

Sabi niya ng mahina at cold.

"Huh?"

Sabi ko.

"Magbihis kana."

Sabi niya sakin.

"Ahh sige sige. Hehe."

Agad ko ng inayos ang pinagkainan ko at umakyat na.

Habang naliligo napapaisip ako.

"Bakit bigla siyang ganun. Hays."

"Biglang cold niya."

Sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko na ang long sleeve dress ko. Ano? Haha. Gusto ko nun eh. Tsaka ako nag white shoes. Ayoko ng heels. Hirap kaya maglakad.

Nagayos ako ng sobra. Pero di naman O.A nagmake up ako ng Light lang kasi maputi naman ako hehe.

Tint lang for lips.

Pababa na ako ng hagdan ng makita kong wala si Prince sa baba.

Naglakad ako ng mabilis at tumakbo palabas para silipin siya.

"Bakit ko ba ginawa yun."

"Nasan na yun."

Sabi ko.

"Andito ako."

Sabi niya na nasa likuran ko na.

"Oh, dyan ka pala tara na."

Sabi ko. Di siya nagsasalita at nakatingin lang sakin para bang natula. Teka nagandahan ba to sakin.

"Huy"

Sabi ko at ipinalakpak ang Kamay ko.

"Ahh... Hmm tara na."

Sabi niya. Pag alis ng tingin niya at lumabas na saka sumunod ako at pinagbuksan niya ako agad ng pinto ng sasakyan.

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon