57 - Late

1.5K 38 3
                                    

Celine Pov's

Kinabukasan.

Pagpatak ng Alas tres ng hapon nagpaalam na ako kay mama na aalis ako.

"Mama Aalis muna po ako." Sabi ko kay Mama.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama.

"Ma, nakikipagkita po si Prince eh." Sabi ko.

"Ah ganun pa sige magiingat ka ha."

"Sige po." Agad na akong lumabas ng bahay pagkatapos kong magbihis ng.

Pumunta na ako agad ng Park.

Pagdating ko. Umupo muna ako sa shed habang nakikinig ng music sa headset ko na nakasaksak sa tenga ko.

~~

Lumipas na ang ilang minuto wala pa siya dalawang oras na ako nagiintay. Tiningnan ko ang relo ko. Alas singko na.

"Pinaglololoko ba ako nitong si Prince. Ano bang nangyayari sa kanya. Bakit niya ako pinaghihintay ng ganito katagal."

"Makaalis na nga mukhang hindi na siya darating."

Tatayo na sana ako ng may humawak sa kamay ko.

"Wait lang sorry celine kung late ako." Sabi ni prince na kakadating lang at hinihingal pa.

"Tumakbo ka ba?" Tanong ko.

"Ah oo. Hooo!! Sorry talaga." Sabi niya.

Nakahawak pa rin siya sa kamay ko pero inialis ko.

"Prince. Anong nangyayari sayo ha. Nung una sa school di ka pumasok ng maaga tapos ngayon pinagiintay mo ako. Ano ba? Ikaw pa ang nagsabi na alas tres tayo magkikita." Sabi ko. Galit na ba ako nito? Hahaha.

"Sorry talaga celine promise di na talaga mauulit promise."  Sabi niya at itinaas ang palad na magsasign na promise.

"O sige na. Okay lang yun." Sabi ko at umupo na ulit sa shed.

"Ano ba ang dahilan bakit ka late?" Tanong ko.

"A..ahmm." sabi nito at lumulunok. Nakakahalata ba ako besh? Anong nahahalata ko hindi ko alam?

"Ano?" Tanong ko ulit.

"Ah.. ah may inutos sakin si Mama."

"Ah." Tangi kong sabi at tumahimik nalang at isinaksak ang headset sa tenga ko.

Ano ganito lang nakatunganga lang kami. Hays, Wala kaming imikan hanggang sa dumilim na.

"Hatid na kita celine." Sabi nito. Wow! Bilis ah. Talagang mabilis kaming magkasama tagal niya kaya dumating hays.

Prince Pov's

"Ashley?? Teka, Bakit lasing yan?" Tanong ko sa kaibigan niya na naghatid sa kanya dito sa condo ko.

Bakit dito pa pwede naman sa bahay nalang ni Ash.

"Ah dito ko daw siya ihatid pag nalasing siya. Tsaka mahal kapa daw niya." Sabi ng kaibigan niya habang akbay akbay ito kay Ash na matumba tumba sa pagkakalasing.

"Iuwi mo siya bahay niya." Sabi ko sa kaiban nito.

"Wag na Prince dito nalang tsaka nakakapagod kasama to oh inakyat ko siya dito sa 5th floor dumaan pa ako sa dalawang hagdan nakakapagpd kaya dito nalang papasukin mo na ko." Sabi ng kaibigan nito at basta nalang pumasok sa Room kp at inihiga sa sofa.

"Shit! Ano ba yan? Sige na iwanan mo na siya ako na maghahatid sa kanya sa bahay niya." Sabi ko.

"Siya sige aalis na ako." Sabi nito.

Umalis na yung kaibigan niya na iwan iwan dito si Ash.

"P..prince. Mahal na mahal kita please! Tayo nalang ulit." Sabi nito habang tulog.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit at ng maihatid na si Ashley sa kanila.

Bumaba na ako at inalalayan siya palabas ng Condo ko.  Nasa 4th floor palang ako  tagal tumingin ako sa relo ko.

"Shit! alas kwatro na late na ako." Sabi ko matapos kung tingnan ang relo ko dahil late na ako sa usapan namin ni Celine.

Isinakay ko na agad si Ash  sa kotse ko. Alangan namang motor gamitin ko malaglag pa siya.

Pinatakbo ko na to agad ng mabilis. Hanggang sa maihatid sa bahay niya. Ako pa naghatid hays late na ako 4:50pm na. Shit!

Binilisan ko na agad malapit na magala singko. Nung makarating na agad ko ng ipinarada ang sasakyan nung kinuha na siya ng yaya ay tumakbo na ako nang mabilis baka kasi wala na siya dun nakita kong paalis na siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya bago pa ito makaalis.

"Wait lang sorry celine kung late ako." Sabi ko agad.

"Tumakbo ka ba?" Tanong niya.

"Ah oo. Hooo!! Sorry talaga." Sabi ko.

Nakahawak ako sa kamay niya ng binawi niya ito.

"Prince. Anong nangyayari sayo ha. Nung una sa school di ka pumasok ng maaga tapos ngayon pinagiintay mo ako. Ano ba? Ikaw pa ang nagsabi na alas tres tayo magkikita." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Sorry talaga celine promise di na talaga mauulit promise."  Sabay taas ko ng palad ko.

"O sige na. Okay lang yun." Sabi niya at umupo sa upuan.

"Ano ba ang dahilan bakit ka late?" Tanong niya. Napalunok naman ako agad.

"A..ahmm." di ako makasagot. Nagiisip ng idadahilan.

"Ano?" Tanong niya ulit. Hanggang sa nakaisip sorry alam kong mali ito pero kailangan eh.

"Ah.. ah may inutos sakin si Mama."

"Ah." Matipid niyang sabi

Nakaupo lang kami at nakatunganga walang masabi  anong problema? Tsk! Yan si Ash ang may kasalanan kung bakit ako nalate sa usapan namin ni Celine yung dapat papasayahin ko siya kasi nung nagdaang araw medyo wala kami parehas sa mood balak ko sana magcine kami at gumala dito sa park pero wala itinadhana na ganito ang mangyari eh.

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon