I'm Her Nurse

2.8K 85 2
                                    

Prince Pov's

Nakita kami ni Celine na nagkikiss ni Ashley.

"Anong gagawin ko?"

Nakita ko na may luhang tumutulo sa mata niya.

"Anong ibig sabihin nun?"

Tinatawag ko siya pero bigla siyang tumakbo palayo samin. Pinipilit parin akong hilain ni Ashley pero kumawala na ako.

Pinagbantaan ako neto.

"Subukan mong sundan siya."

Sabi ni Ashley sakin. Kaya hindi na ako nakasunod sa kanya. Iba na ang ugali ni Ahley kung alam niyo lang baliw na siya. Nung makauwi na ako sa condo.  Biglang pumasok sa isip ko si Celine kung ano na ba ang nangyari sa kanya kanina nung makita kami ni Ashley. Hindi ako mapakali kung di ko siya pupuntahan.

Nakita ko si Francis na papasok sa Kwarto sa condo malapit lang pala siya sakin.

"Hindi niya kasama si Celine?" Pumunta ako sa bahay niya para bisitahin siya. Nakabukas ang gate niya at pati ang pinto.

Bakit di niya nilalock mapahamak pa siya dito.

Nung napadaan ako sa Kusina tambak ang hugasin.

"May tao pa ba dito? Bakit ang kalat ng kusina?"

Nakabukas ang kwarto niya kaya kinabahan ako bigla. Di naman niya iniiwang bukas ang kwarto niya.

Umakyat ako agad at nakita ko siyang nakahiga at nakabalot ng kumot na may towel sa ulo.

"Celine..." Tawag ko.

Nakita kong nginig na nginig siya kaya naman lumapit ako sa kanya.

Nung hinawakan ko siya sobrang init niya.

"Celine, sobrang init mo. Bakit di mo ako tinawagan may number ako sa Ref." Sabi ko.

"Huh, s..sayo ba y...yun?"

Sabi niya ng nanginginig.

Lamig na lamig siya kaya niyakap ko naman siya agad. Hindi niya na namalayan dahil nakatulog siya agad.

Kumuha muna ako ng bagong maligamgam na tubig at bagong bimpo at inilagay na sa noo niya. Pinatay ko ang aircon at pinaaadar na rin ang heater dahil nalalamigan siya.

Pero kahit napatay na yun nanginginig parin siya.

Wala na akong nagawa kundi yakapin siya hanggang sa maging okay siya.

Hindi na ako nakauwi sa condo  hindi ko naman siya pwedeng iwanan ng ganito hinugasan ko na rin ang mga plato at inayos ang kalat sa kwarto niya.

Kinabukasan nagising ako agad pinagluto ko siya ng lugaw para mabilis siyang gumaling.

Tsinek ko kung may lagnat pa ba siya. Sinat nalang.

Bago ako umalis iniwanan ko sa lamesa niya sa kwarto ang isang sulat.

Hi Celine Good Morning. Magiingat ka dyan ha. Lock mo ang bahay kung matutulog ka wag ka magkakalat ng marami tsaka kainin mo ang niluto kong lugaw ha wala yang gayuma wag ka magalala. Pagaling ka ha. Meron pa sa baba nasa Ref. Magiingat ka lagi.

-Prince

Celine Pov's

Nagising ako ng medyo tanghali na. Tatayo na sana ako sa kinahihigaan ko.

"Hays, nahihilo ako."

"May Lugaw? San to galing?"

Sabi ko sa isip ko. May nakita rin akong Note sa ilalim nito na nakaipit.

Hi Celine Good Morning. Magiingat ka dyan ha. Lock mo ang bahay kung matutulog ka wag ka magkakalat ng marami tsaka kainin mo ang niluto kong lugaw ha wala yang gayuma wag ka magalala. Pagaling ka ha. Meron pa sa baba nasa Ref. Magiingat ka lagi.

-Prince

Napangiti lang ako bigla ng makita ko ang pangalan niya.

Pumunta siya dito? Hays. Di ko matandaan kung paano niya ako inalagaan kagabi.

Di muna ako pumasok. Kaya na naman ng VP namin and alam ko na alam na nila na may sakit ako.

Kanina ko pa hawak ang sulat niya. Hays, nababaliw na ako.

"Hindi pa rin uuwi sila mama okay lang sanay naman ako magisa." Gagala ako magisa sa Park. 

Magaling na naman ako.

"Magisa ka na naman."

Di ko kasama si Francis ngayon may Family Reunion sila kasama si Ayna. Magpinsan sila eh diba nga.

Edi, magisa nga ako. Hays.

Naglakad ako ng naglakad hangganv sa may mabangga ako at bigla siyang nagsalita.

"Baka mabinat ka."

Familiar ang boses. So tumingin ako and I knew it. Si Prince.

"Prince??"

Sabi ko.

Bigla niya akong niyakap at hinawakan ang kamay ko saka kami sumakay sa isang sasakyan na siya ang nagmamaneho.

"Sayo to? Teka teka may band meeting ah kelangan ka dun." Tanong ko.

"Yeah this is mine. Band meeting? I already choose my partner and its you." ngumiti lang siya sakin ng maliit.

Sagot niya. Hindi na ako sumagot kasi okay lang naman din sakin.

"Salamat nga pala nung Huwebes ng gabi."

Pagpapasalamat ko.

"Always Welcome."

Sagot niya at ngumiti lang ulit siya sakin.

Bumaba kami sa isang Art Museum.

"Anong ginagawa natin dito?"

Tanong ko.

"Wala lang. Magtitingin tingin lang tayo ng mga Arts. Okay lang ba sayo?"

Tanong niya.

"Hmm Oo naman. Tara."

Sabi ko.

To be continued:

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon