Nagantay ako hanggang sa mag isang minuto na ang lumipas.
1 mins.
5mins
10mins
Pero di pa siya dumadating. Halos 20minuto na ako nandito pero walang dumadating na prince. Ano na kayang nang yari sa kanya. Nagsasara na ang coffee shop pero wala pa siya. Umaambon na pero wala parin siya. Sumilong muna ako at nag antay baka sakaling dumating pa siya.
Prince Pov's
Di na ako nagpaalam na aalis ako. Tatakas nga diba. Hahaha. Pero biglang dumating si ashley at nahuling may dala akong gamit kaya tinawag nito sila mama at papa na natutulog na.
" San ka pupunta?" Tanong nito sakin
"Tita/ tito." sigaw nito kaya agad akong lumapit at tinakpan ang bibig niya ng kamay ko.
Napatingin nalang ako sa kwarto sa taas kung saan lalabas sila mama at narinig ko nalang ang boses ni papa.
"Iha." Sabi nito. Yun ang tawag niya kay ash dati palang nung kami pa.
Nung pagbaba nila papa ay tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig ni ash dahil nasa harap ko na sila mama at nakita kong nakatingin sila sa gamit na nasa sahigan ang bag ko na may lamang damit.
Binuksan to ni ash at ipinakita kay papa.
"Tito look may balak siyang umalis makikipagtanan ata kay celine." Sabi nito na ikanakunot ng noo ko kaya inagaw ko ang bag ko at isinara saka tumayo at lumabas ng pinto. Nang nasa gate na ako ay nakita kong may kausap sa telepono yung guard namin.
Palabas na ako ng pigilan ako nito.
"Sir bawal po kayo umalis." Sabi nito sakin.
"Anong bawal? Padaanin mo ako." Sabi ko at nagpumilit pero biglang dumating si papa ulit at kasama yung isa pang guard namin at dinala ako papasok sa loob bahay habang daladala ako ay nagsisigaw ako.
"Bitiwan niyo nga ako."
"Ano ba."
"Pa, sinasaktan na ako ng mga to eh bwisit." Sabi ko at sumagot naman si papa.
"Masasaktan ka kung magpupumilit ka sa ayaw at sa gusto mo papakasalan mo si ash may deal na kami ng dad niya." Sabi ni papa habang binibitawan ako ng nga guard na kanina ay hawak hawak ako.
"No dad. Di mo ba ako maintindihan ha. May mahal ako at hindi si ash yun please po sana maintindihan niyo ako." Sabi ko at umakyat sa kwarto ko ng padabog nakakainis kasi.
Pagakyat ko kinakapa ko ang bag ko pero wala ang phone ko dito tatawagan ko sana si celine "paano na to?" Sabi ko sa sarili ko.
Palakad lakad nalang ako dito sa kwarto ko at napapahila sa buhok ko dahil parang pinaasa ko siya sa wala siguradong hinihintay niya ako. Anong gagawin ko di ako makalabas dahil may mga guard na nakabantay.
"Papa, nakakainis. Bakit ganun siya. Alam naman niya ang feeling na ipakasal sa taong di mo mahal." Dahil si papa ipinakasal kay mama dahil mayaman ang family ni mama at parang contract lang din ang kasal nila pero nagtagal sila. Pero di ko talaga mamahalin si ash hays paano na to.
Kinabukasan:
Gumising ako ng maaga at lumabas ng kwarto ko nakarinig ako ng kumakanta sa guest room namin boses ni ash.
"Bwisit ano pang ginagawa ng babaeng yun dito." Sabi ko sa sarili ko.
Bumaba na ako agad at di nalang binigyang pinansin pa ulit. Nung makita kong walang tao sa baba wala sila papa at mama at sumilip ako sa bintana walang guard ay umakyat ako ulit at kinuha ang gamit ko pero konti nalang di katulad ng kagabi yung tipong di mahahalatang damit ang dala ko.
To be continued:
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada meet Mr. Feelingero
Genç KurguIsang simpleng babae lang si Celine. Suplada yes? But she has a soft heart. President siya ng klase. She excell in all activies like sports. She is also one of a top in the class. Then suddenly he meet a guy named prince. Feelingero at mataas ang co...