Celine Pov's
Pagdating namin sa bahay niya ay nagdoorbell siya.
"Kinakabahan ako Prince." Sabi ko sa kanya.
"Wag ka kabahan. Andito ako." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Pinagbuksan kami agad ng yaya nila ng gate at pumasok na kami.
"Hi Ma, Hi Pa." Pagbati ni Prince sa mga ito at kiniss sa pisngi ang mama niya at nakipagapir sa papa niya.
"Iha, Upo ka." Sabi ng Mama ni Prince sakin.
"Ah sige po. Thank you po." Sabi ko.
"Ikaw pala yung kinkwento samin ni Prince tuwing bumibisita siya dito. Ikaw ba si Celine." Tanong mama niya.
"Hehe opo ako po yun."
"Napakaganda mo naman palang dalaga iha. Sino ang mga magulang mo?" Tanong sakin neto.
"Mama, I'm sure matutuwa ka kapag nalaman mo kung sino." Sabi ni Prince sa mama niya.
"Ha? Talaga? Sino ba?" Tanong muli neto sakin.
"Yung Mama ko po si Celestina Mercado at yung Papa ko po si Nelson Mercado po." Sabi ko sa mga eto.
Biglang tumahimik yung Mama ni Prince at ang Papa nito.
"Ma, Anong problema?" Tanong ni Prince sa mama niya.
"W...wala bigla akong nahilo. Iha, pasensya na aakyat muna ako sa kwarto ko." Sabi neto sakin.
"Ya, pakiaalalayan po si Mama papuntang taas. Salamat po." Sabi ni Prince.
"Anong nangyari sa Mama mo? Bakit parang biglan---"
Di natuloy ang tanong ko ng magsalita ang papa niya.
"Iha, wag kana magtanong pa. Pwede ka na umalis. Gusto ko lang magpakatotoo prince dito sa babaeng gusto mo. Kailangan niya malaman to."
Sabi ng papa niya at nakita ko sa mukha ni prince na kumunot ang noo niya.
"B..bakit po?" Tanong ko dahil nagtataka ako.
"Kung nililigawan ka ng anak ko wag mo na ituloy ang pagsagot ng Oo sa kanya dahil ---" sabi ng papa niya. Diko talaga maintindihan. Anong nangyayari?
"Pa Please po!" Sabi ni Prince sa papa niya.
"Prince Anong nangyayari?" Tanong ko dito.
"Umalis na tayo. Tara na." Sabay hawak sa kamay ko at lumabas ng gate.
"Teka lang may sinasabi pa ang Papa mo. Ano ang ibig sabihin niya?"
"Wag mo na isipin ang sinasabi nun."
Sabi niya kaya sumunod nalang ako sa kanya pero napapaisip ako.
"Sumakay ka na." Sabi niya.
Inihatid na niya ako sa bahay. Agad naman itong nagpaalam sakin at kila Mama.
"Alis na po ako Tita."
"Magiingat ka iho."
Sabi ni Mama.
~~
Kinabukasan
Bumangon na ako agad sa kinahihigaan ko at lumabas na ng kwarto. Nakahanda na agad ang breakfast.
"Goodmorning Mama, Yaya, Lexi."
Pagbati ko. Dito na nakatira si Lexi paano ba naman yung secret namin na isusurprise si Kuya ay hindi na natuloy dahil nalaman na. Sino ang may kasalanan? Syempre ako. Madaldal ako eh. Nakakaexcite naman uuwi na sila Papa sa isang buwan.
Pagkatapos ko kumain umakyat na ako ulit at naligo nagbihis na ng uniform ko at bumiyehe na papuntang school.
Pagbaba ko agad kong nakita si Francis at si Whattt??? Si Anna. My god angganda nung nerd na yun pala pag nagayos.
"Goodmorning." Pagbati ni Francis sakin.
"Goodmorning din. Wow anong meron sa inyo?" Tanong ko kay Francis at Anna magkasama.
"Ah wala ah. Hahaha. Nagsabay lang." Sabi ni Francis.
"O...oo nga haha nagkasalubong nga lang kami." Sabi ni Anna.
"Anna ang ganda mo pala pag nagayos. Ah I mean matagal ka ng maganda pero lalo kang gumanda nung nagayos ka." Sabi ko tunay naman kasi.
"S...salamat." sabi neto.
"Kayo ha wag kayo magtatago sakin lalo kana francis hmm." sabi ko at nagpeace sign ng kamay sakin itinuro sa mata ko sa mata niya.
"Haha." Sabi niya saka ako naglakad papalayo sa kanila.
"Hoy, bestie kamusta ka na?" Sabi ni Ayna.
Namiss niyo ba si Ayna? Haha.
"Oy, I miss you." Sabi ko.
"I miss you too." Sabi niya.
Naglakad na kami habang nagkikwentuhan.
Habang naglalakad ay may kumausap saming isang estudyante na may barkadang kasama mga tatlo lang sila. Kilala naman namin ang mga to ibang section nga lang.
"Celine." Tawag nito sakin.
"Di ba nililigawan ka ni Prince?" Tanong nito.
"Hm.. Paano mo?" Sabi ko.
"Kasi kanina nasa court kami narinig lang namin na may kausap siya at nakita namin siya pero yung kausap niya hindi pero kaboses siya ni Ashley yung nakick out. Diba mga beshii." Sabi neto ay naghanap pa ng testigo. Haha.
"Huh? Sigurado kayo." Tanong ko.
"Hmm kay prince ok nakita kasi namin siya pero yung babae hindi pero parang si Ashley kaboses niya kasi." Sabi ulit. Paulit ulit.
"Ah sige salamat." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada meet Mr. Feelingero
Teen FictionIsang simpleng babae lang si Celine. Suplada yes? But she has a soft heart. President siya ng klase. She excell in all activies like sports. She is also one of a top in the class. Then suddenly he meet a guy named prince. Feelingero at mataas ang co...