love padlock II

2.6K 78 1
                                    

Makalipas ang ilang oras na paghahanap namin nakita rin namin ang Mama ni Pauline.

Tumakbo agad si pauline sa mama niya at niyakap ito.

"Mama...." Sabi ni Pauline sabay hug sa mama niya.

"Anak ko san ka ba pumupunta? Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi nung mama niya na halatang alalang alala na naiiyak na.

"Mama wag ka na po magcry. Mabait naman po ang nakasama ko sa paghahanap sa inyo. Di nila ako pinabayaan."

"Ganun ba nasan sila?"

"Yun po." Turo nung bata samin ni Prince.

"Iho, Iha salamat sa pagdala ng anak ko dito. Maraming salamat talaga sa inyo."

"Ah walang anuman po."
Sabay naming sabi habang nakangiti.

Nang biglang umirit yung yaya nung bata na kausap si pauline.

"Maam/Sir bagay kayo. Magsyota po kayo?" Tanong nung yaya.

"Ahh. Hindi po. Hindi po. Hehe." Sabi ko naman.

" hindi pa po."

Sabi ni Prince at sabay irit na naman nung yaya. Mas kinilig pa siya sakin.

"Huh?" Pagtataka kong sabi.

"Sagutin mo siya pag niligawan ka niya." Sambit ng yaya at parang nag didaydream sya

"Oo nga po. Bagay po kayong dalawa." Dag dag ba sabi ni Pauline.

Tumawa lamang ako at kinausap yung bata.

"Hi, Pauline. Baby wag ka na lalayo kay Mama mo ha. Kailangan magpapaalam ka kung san ka pupunta para alam niya para di ka mawala. Okay ba?" Paghabilin ko.

"Opo ate celine. Promise ko yan. Ate celine magkikita pa ba tayo?" Tanong nung bata.

"Oo naman. Kung kailan mo gusto."

"Yehey aasahan kopo na makikita ko kayo ulit ni kuya prince."  ngumiti lang ako sa bata at umalis na sila.

Nakangisi naman tong si Prince sakin at medyo naasar ako sa tingin niya kaya lumakad ako tsaka sumunod lang siya.

Prince Pov's

"Lock Wishes Padlocks"


Nagulat ako at nakita ko ring nagulat si Celine ng tumakbo si Pauline sa Lock Wishes padlock. For Lovers kasi yun.

"Huh?"

Gulat na sabi ni Celine.

Bumalik samin si Pauline at hinawakan ang kamay namin. Nagulat ako ng yung kamay ni Celine ay ipinahawak niya sakin.

Umalis ulit ang bata at naramdaman ko na inialis ni Celine yung kamay niya sa pagkakahawak ko.
Kaya hinawakan ko ulit ito.

Pianpunta ko muna si Pauline palaruan.

"Pauline, dun ka muna sa Kiddies playground wag ka aalis dun babalikan ka namin ni Ate Celine mo dun. Hahanapin pa natin mama mo. Pangako mo na di ka aalis dun ha."

Sabi ko sa bata.

"Opo. Basta po magwiwish kayo sa locks na yan ha."

Sabi nung bata sakin at nagapir kami. Tumakbo agad ang bata papunta sa Kiddies Playground.

"Hi sir/mam, Magwish na po kayo."

"Ate magkano po isa niyan?"

Tanong ko sa nagtitinda.

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon