55 - Weh?

1.6K 32 2
                                    

Celine Pov's

Sumakay na akong Elavator at pununta na sa room ko. Umub-ob lang ako sa desk ko.

"Ano kaya yung pinaguusapan nila?"

"Hindi kaya may relasyon pa sila?"

"Hays, Celine wag ka nga magisip ng kahit ano."

Magisa lang ako ngayon dito kasi lunch time pa may 1hour pa bago ulit magklase. Matagal ang Lunch break namin eh alas dos pa ang balik ng lahat pero ako sa halip na sumama ako kay Ayna papuntang mall. Wag nalang kasi maa-out of place lang ako sa kanila ng boyfriend niya.

Iniangat ko ang ulo ko mula sa pag kakaub-ob.

"Andito na ako."  Sabi ni Prince na nasa harapan ko na ngayon.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko ng malamig. Parang cold. Like that. Haha.

"Ah, Sorry traffic kasi eh." Sabi niya.

Bakit kailangan niya magsinungaling sakin.

"Talaga lang ha." Sabi ko. Di naman sa naghihinala.

"B..bakit?" Tanong nito.

"Wala. Lalabas muna ako." Sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko.

"Kakadating ko lang. Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Magpapahangin lang." Pagdadahilan ko. Ang totoo niyan gusto ko muna siya iwasan.

"Samahan na kita." Sabi niya.

"Wag na kakadating mo lang for sure pagod ka kasi ng diba TRAFFIC." Sabi ko. Pinagdiinan ko talaga yan.

Iniwanan ko na siya dun yung luha ko tumutulo na kasi naiiyak ako nagsisinungaling pa siya. "babaw ko no?" Sorry. Diba kung ikaw rin pagsinungalingan ng taong mahal mo at alam mo naman ang totoo tapos di pa niya aaminin masasaktan ka talaga.

Prince Pov's

"Anong nangyari dun?"

Celine Pov's

Tumakbo na ako palabas ng Room wala naman tao dito sa labas bilang lang yung iba nasa court nasa Pool area nasa Field. Habang tumatakbo ay may nabangga ako.

"Ahh." Sabi ko dahil nabangga ang noo ko sa dibdib niya.

"Celine, Umiiyak ka ba?" Tanong sakin nito kaya tumingala ako at nakita ko na si Francis ito.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ulit niya.

"W...wala napuwing lang tsaka naluha ako kasi tigas ng dibdib mo. Haha." Sabi ko at tumawa lang kahit di na ako makatawa.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin.

"Di ko nga alam eh. Hehe." Sabi ko. Di ko naman kasi talaga alam kung san ako pupunta. San nga ba?

Lumakad ako ulit pero sinundan niya ako.

"Sasamahan na kita." Sabi niya.

"H...hindi na okay lang ako." Sabi ko.

"Hindi na samahan na kita." Kasama ko siya ngayon naglalakad na. Bakit ako naluluha?

"Celine kilala kita." Sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh? Haha. Syempre si Celine ako." Pagbibiro ko kahit alam ko ang ibig sabihin niya.

"Hays, I mean may problema kaba? Pwede mo sakin sabihin." Sabi niya umupo ako sa isang bench at umupo rin siya sa tabi ko.

"Wala haha. Kamusta kayo ni Anna?" Tanong ko dahil gusto ko ibahin anh topic.

"Okay lang ikaw ba okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko.

Bakit parang gusto kong sabihin sa kanya tong nasa dulo ng dila ko. Kainis bakit kasi napakadaldal ko.

Napaiyak nalang ako bigla at napayakap sa kanya.

"Celine, tama na. Ano ang problema mo. You can talk me about that makikinig ako magkaibigan naman tayo." Sabi niya sakin kaya lalo akong naluha.

"Francis, Anong mararamdaman mo pag yung taong mahal mo nagsisinungaling sayo pero alam mo naman talaga ang totoo tapos di pa niya aaminin." Sabi ko sa kanya habang humahagulgol sa pagiyak. Kainis. Ampanget ko kakahiya.

"Hmm... Syempre magagalit ako. Teka si Prince ba yan?" Tanong niya sakin.

"Francis...Kasi... Nakita ko sila ni Ashley sa Rooftop pero di ko alam yung iniabot sa kanya ni Ashley na Folder kung ano ba yun." sabi ko habang umiiyak pa.

"Natanong mo ba siya about jan?" Tanong niya.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Celine wag kana umiyak mas mabuting itanong mo sa kanya para malaman mo kung ano yun." Payo niya sakin.

"Sige." Tangi kong sinabi.

"Ngiti kana." Sabi nito kaya ngumiti ako.

"Yan ang ganda mo talaga." Sabi niya na rinig ko.

"Huh?" Baliw ko no nag tanong pa ako hahaha.

"Sabi ko magusap kayo ni Prince ng maayos para malaman mo ang totoo." Pagiiba niya ng sinabi.

"Ah sige." Sabi ko.

Tumayo na ako at naunang umalis sa kanya at umakyat na ulit at pumasok na sa Room nakita kong nandun pa si prince nakaupo lang.

To be continued:

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon