29 - Dalawampu't Siyam

2.1K 56 2
                                    

Prince Pov's

Naiwan ako na nakatulala sa kanya habang naglalakad siya palayo.

"Celine, Mahal kita."

Sabi ko.

"Prince, Thank you."

Sagot niya.

"Thank you? Thank you?"

Yung tangi niyang sinabi sakin.
Siguro nga hindi talaga ako ang gusto niya. Naluluha na ako kanina. Sana lang walang nakakita samin. Lalo na sana hindi kami nakita ni Ashley.

~~

Celine Pov's

Nung makalayo na ako kay prince pumunta ako sa Cr.

Anong sasabihin ko? Di ko alam. Umamin siya sakin bakit di ako sumagot. Yung feeling na nag iisa ako dito sa Cr.

Matapos ang pag eemote ko pumunta na ako ng Classroom pag punta ko wala na ang mga kaklase ko.

"Ohh myyy."

Tiningnan ko ang Schedule sa Id ko na nakasipit lang.

"Library. O_O."

Gulat kong sabi.

"Late na ako. Halaaaa... Terror pa naman ang Prof namin dun."

Tumakbo na ako agad para makarating sa library habang pabalik ay nakita kong naglalakad si Prince na mukhang papunta rin kaya binilisan ko ang pagtakbo ko maya maya ay napatigil ako ng hindi ko alam kung bakit. Nakita ko namang tumingin siya sakin at parang gusto ako ulit kausapin.

Alam ko ng papalapit siya kaya umiwas ako ng tingin at muling tumakbo dahil malayo pa ang Library sa kung saan ako nakatayo ngayon.

~~

Library

Nung makarating na ako agad akong umupo sa tabi ni Ayna at nakita kong nasa bookshelves si Francis.

"Ayna."

Tawag ko.

"Oh, san ka ba galing? Buti umabot ka pa wala pa yung prof natin na terror kung nandito na yun malalagot ka."

Sabi niya.

"Bestie, Ayna...."

Sabi ko na parang di alam ang gagawin.

"Bakit???"

Tanong niya pero biglang dumating si Francis na dapat ikikwento ko yung nangyari kanina.

"Oh, Celine dito kana pala."

Sabi ni Francis.

"Hmmm... Oo. Hehe."

Sabi ko.

"Celine, pwede ba tayong lumabas mamaya?"

Pagyayaya ni Francis sakin.

"San tayo pupunta?"

Tanong ko.

"Ah, Bastaaa... Hmm... payag ka ba?"

Tanong niya.

"Ahh o sige. Wala naman akong gagawin mamaya."

Sabi ko.

"Yes..."

Sabi niya.

"Susunduin kita mamaya okay."

Sabi niya.

"Hmm... Okay."

Sagot ko.

"Ehemmm!!! Ehemmm!"

Singit nitong si Ayna pinagkahaba habaan ang Ehem niya.

Kaya tumawa nalang kaming tatlo.

Maya maya ay dumating na ang prof niya. Napatingin naman ang mata ko sa bawat upuan bawat sulok ng library pero wala akong nakitang prince. Kala ko ba papunta yun dito.

Siguro di siya aattend.

Sabi ko sa isip ko.

Ako ba may kasalanan.

Nung matapos na klase namin ay agad na kaming lumabas at magkakasabay kami. Two subject lang ang nilesson ngayon kaya maaga kaming pinalabas.

Habang inaantay si Ayna sa Cr ay nasa labas lang ako nakatayo habang hawak ang cellphone ko.

Nakita ko na naman si Prince na nakaupo sa tabi ng Locker na may upuan dun na katapat ko lang kung saan ang Cr na gamit ni ayna.

"Shett!"

Sabi ko sa isip ko.

Tahimik lang siya at may hawak na cellphone din at nakaearphone.

Prince Pov's

Nagsilabasan na ang section namin.
Hindi na ako umattend ng klase dahil sa nahihiya ako kay Celine.

Nakita ko naman na dumiretso sila sa Cr at pumasok si Ayna sa loob si Celine naman nasa labas lang. Nagpanggap ako na hindi ko sila nakita kaya nagpokus ako sa cellphone konat nagearphone.

Alam niyo ba kung anong tinitingnan ko sa cellphone ko?

Yung picture namin nung Pumunta kaming Art Museum.

Nakakamis nung araw na yun masaya kami nun at dun ko siya unang nagustuhan at unti unting minahal.

Yung napagkamalan pa kaming magasawa at anak namin sa pauline.

Hays nakakamis.

Yung picture niya sa cellphone ko ang una kong tiningnan saka yung nasa wallet ko na binigay samin nung photographer sa Art museum.

Matutupad pa kaya yung wish ko sa Lock Wishes Padlock.

"Sana nga."

Tumayo na ako at umalis nagpanggap na di ko sila nakita siguro mas gusto ni Celine na hindi ko na siya pinapansin.

"Gagawin ko nalang kung ano ang gusto niya."

Celine Pov's

Nakita ko nung tumayo at umalis si Prince sa kinauupuan niya.

Hanggang sa lumabas na sa Cr si Ayna at umalis na kami sa Campus.

Habang naglalakad kami na dahil magkasabay kami si Francis hindi namin kasabay.

"Bakit kaya?"

Hanggang sa napagod kami kaya umupo kami sa isang Shake Store.

"Upo muna tayo."

Sabi ni Ayna.

"Ah sige."

Nung nakaupo kami nagorder na siya ng shake.














Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon