53 - ligawan 101 na to.

1.9K 65 10
                                    

Celine Pov's

Hila hila ako ngayon ni prince papuntang canteen.

"Teka nga lang. Wait lang pagod na ako."

Sabi ko at bumitiw sa kamay niya.

"Pagod kana. Bubuhatin na kita."

Sabi niya.

"Aba loko ka. Nasa campus tayo tapos bubuhatin. Ano ka?"

"Ang init ng ulo mo. Kikiss kita jan eh."

"Baliw. Nakakailan ka na ha."

"Sarap mo halikan."

"Tampalin kita jan."

"Okay lang basta ikaw."

Ang chessy niya ngayon kainis kami na ba?

Naglalakad na ako ay nauuna ako sa kanya kaya lumakad to ng mabilis at umaakbay ng unti unti may pasipol sipol pa.

"Humahokage moves ka?"

Sabi ko.

"Hindi. Nagmamahal lang sayo."

"Tsk!"

Sabi ko at inialis ang kamay niya nung inialis ko hinawakan ang kamay ko at hinolding hands kaya inialis ko naman.

"Bakit mo inaalis."

"Tse, di naman tayo ah."

"Hahaha.."

Sabi niya at pinilit na hawakan to. Jusko ang higpit ng pagkakahawak di ko maalis kamay ko.

~~

Nung tapos na kami kumain lalakad na kami ng hawakan niya ulit ang kamay ko.

"Mahal ko."

Sabi niya.

"Huh? Loko ka."

Sabi ko.

"Bakit di mo na inaalis ang pagkakahawak ko sayo."

"Bakit gusto mo."

"Ahh hindi naman. Tara."

Sabi niya at tumakbo kami habang tumatakbo ay nagtatanong ako.

"Saan."

"Basta."

Sumunod na lamang ako sa kanya hanggang makarating sa Field sa likod kung saan siya umamin.

Pagadatin namin umupo kami agad sa ilalim ng puno at namahinga.

"Natatandaan mo ba nung umamin ako sayo dito?"

Tanong niya.

"Huh?"

Sabi ko dahil sa tanong niya.

"Nung umamin ako tapos nireject mo ako."

"Hahaha. Di kaya kita nereject."

"Sorry ha."

"Bakit ka nagsosorry?"

"Kasi di ako agad umamin una palang kaya humantong ang lahat sa ganito."

"Hindi yun. Okay lang. Alam ko naman kaya nagawa sakin ni Ashley yun dahil mahal ka niya."

Oo alam ko na. Na si Ashley ang bumugbog sakin.

Flashback

"Nakickout po Principal?"

"Oo, iha kasi siya ang gumawa sayo nun."

"Ah. Kaya po pala pamilyar. Pero sir okay lang po kung di niyo na siya ikick out. Isuspend niyo lang po may kasalanan din po ata ako."

"Ineng may kasalanan ka man o wala labag pa rin sa school rules ang grupo na nanggaganun para siyang franternity. Napagpasyahan na rin ng Mama at papa niya na ilipat siya ng school."

End of flashback

"Hindi pagmamahal ang tawag dun. Selfish siya pati ang mahal ko dinamay niya."

Sabi niya sabay payakap yakap sakin. Naiilang ako kaya inaalis ko kamay niya sa kamay ko.

Magkatabi kami ngayon at nakatingin lang sa unahan namin na may mga blossoms flower at nakikita namin ang Mt. Apo volcano dito.

"Celine pwede ba kita ligawan?"

Tanong neto na ikinagulat ko.

"Huh? Ligawan sira ka ba ikaw manliligaw. Ohmy ikaw nga ang nililigawan ng mga babae."

"Oh! Diba! Nga kaya ang swerte mo isang PRINCE VENTURA liligawan ka. So gusto mo ikaw manliligaw sakin."

"Wahahaha ano. Nagjojoke ka. Ikaw ang manliligaw sakin. Papahirapan kita. Lugeng luge ako sayo eh ilang beses mo na kiniss ang virgin lips ko. Charr"

"Virgin pa pala yan. Kaya pala ang lambot."

"Hahaha. Ulol ka."

"So start na kitang ligawan ngayon."

"Ganun."

"Oo, magpapaalam lang ako kay tita."

Tinawagan niya si Mama gamit ang Skype.

"Hello tita Sorry po kung hindi ko personal mahihingi ang kamay ni Celine pero eto po siya kasama ko ngayon. Pwede ko po ba siya ligawan?"

"Ano iho?liligawan mo?"

"Opo, kung papayag kayo. Bibisita po ako sa bahay niyo bukas."

"Ahh pumapayag ako iho pero di ko alam kung si Celine ba ay papayag."

"Oh, ano celine payag ka ba?"

Tanong niya sakin.

"Hmm... Okay lang ba sayo ma?"

Tanong ko kay mama na nasa cellphone.

"Oo, iha ikaw kung payag ka."

"Bye tita."

Pagpapaalam ni Prince kaya
Pinatay na niya ang skype at tumingin sakin.

"Ohh ano?"

Sabi ni Prince sakin

"Sige. "

Sabi ko at tumayo na.

"Oy, akin na bag mo."

Sabi ni Prince.

"Sure ka?"

"Oo naman e diba nga nililigawan kita."

"Sus."

"Pogi ko no?"

"Oo na."

"Ngayon mo lang sinabi yan ah."

Tanong niya.

Habang naglalakad dala dala niya ang bag ko okay lang naman diba na hawakan ko ang kamay niya kahit di pa kami.

Pa tanggal tanggal pa ako kanina ibabalik ko rin naman pasabi sabi pa akong di kami hahawakan ko rin din naman pala.

Habang naglalakad ay unti unti kong hinahawakan ang kamay niya hanggang sa mai hold ko na ito.

" mahal ko."

Sabi niya.

"Oh? Bakit mahal ko?"

Sagot ko. Teka sinagot ko?

"Hala, amabilis mong um-oo iba talaga pag gwapo."

"Tse, hindi pa. Loko ka talaga."

Inialis ko ang kamay ko dahil medyo naasar ako sa kanya kaya humabol ito at hinawakan muli ang kamay ko.

"Sorry na po. Kiss nalang kita."

"Kiss mo muka ko."

Sabi ko. Nakahawak na ako ulit kamay niya. Wala lang gusto ko rin naman haha.

~~

Shet! Ito na ba ang chapter na maayos ayos amboring kasi ng nga nauna hahaha.

Kinikilig ako sa kanika. Yay.

Salamat sa nagbabasa. Kiligin ka please ako nga kinikilig kahit ako ang nagsusulat hahaha.

~~

To be continued:

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon