snatch kiss

3.4K 95 2
                                    

Prince Pov's

Magnanakaw ba ako ng halik?

Jusko, Lord sorry sa kasalanan ko nagnakaw kasi ako.

"Ng Halik."

Habang inaantay ko si Celine sa labas dahil sa naglilinis siya.

Naisipan kong pumasok dahil kanina pa ako nagaantay. Nagulat ako ng makita kong nagaantay ako tapos tulog na pala siya. Hays.

Lumapit ako sa kanya.  Mas nakikita ko ngayon ang mukha niya. Yung nga expression niya na minsan naiinis,minsan tumatawa, minsan nagagalit. Hahaha. Maganda pala talaga siya sa malapitan.

Actually, lagi ko naman  nilalapitan mukha niya pero lumilikot siya.

I can't explain what I'm feeling for her. Nung una sinusubukan ko lang siya pero bakit parang walang talab  sa kanya ang mga pacute ko at style ko.

Walang tao ngayon sa classroom at kami lang dalawa.

Nakita ko ang maganda niyang mata, matatabang pisnge (ang cute) niya. Mapupulang labi at mahahabang pilikmata. Ssss.....

Maya maya ay unti unti ng napalapit ang mga labi ko sa labi niya ng hindi ko sinasadya.

"Teka! Bakit ko yun nagawa."

Inalis ko agad at baka bigla pa siya magising ng sumigaw nalang siya bigla ng....

"RAPIST...."

Ako ba tinutukoy neto.

Hoy! Gising.....

Sabi ko.

Nanaginip ata siya.

"Huh??!!"."

"Panaginip lang ba yun?"

Sabi niya at napatanong naman ako.

"Ang alin? Sinong RAPIST?"

"Ikaw."

Nagulat ako sa sagot niyang yun.

"Ako sa pogi kong ito."

Tangi kong sinabi at may kindat effect pa. Hahaha

"Ay hindi hindi joke lang."

"Hmm....Bakit di ka pa umuuwi?"

Tanong niya sakin ng mahimasmasan siya.

"Hinintay kaya kita. Naglilinis kalang kanina tagal ko kaya sa labas yun pala tulog ka na. Naku!"

Sabi ko

"Ganun ba?

"BUTI NALANG."

Ang sabi niya.

"Sumigaw ba ako ng RAPIST...."

Tanong niya sakin.

"Shittt!!! bakit nagiisip ako?"

"Hinalikan mo ba ako?"

Gulat ko ng tinanong niya kinabahan ako syempre ginawa ko. Hahaha. Pero dampi lang naman e.

"H...hindi ha bakit kita hahalikan?."

Pagsisinungaling ko na medyo nauutal pa kung magsalita.

"Eh yun ang nasa panaginip ko."

Magaaway pa. Hahaha.

" napanaginipan mo ako? WOW, INIISIP MO AKO."

Pagmamalaki kong sabi.

"Duh, Masamang bangungot yun."

Sagot naman niya

"Grabe ka."

Pag sasabi ko sa kanya.

Pagkatapos nun ay tumayo na siya at kinuha na ang bag niya ako naman kinuha ko na rin ang gamit ko na nakalapag sa Mesa.

Nauna siyang maglakad sakin. Habang naglalaad siya ay tinitingnan ko lang siya.

"Buti nalang di niya alam."

"Bakit ko pa ipapaalam."

Habang nauuna siya sakin ay biglang may lumapit sa kanya.

Si Francis yung isa pang transferee sa section namin.

Lumapit ako sa kanila at sumingit sa usapan.

"Francis!??."

"hello." malamig niyang sagot.

Sagot ni Francis sakin at bumaling agad kay Celine.

"Celine, sabay tayo umuwi." Pagyayaya ni  ni Francis sa kanya.

"Celine tara na." Sabi ko at sabay akbay at hila sa kamay niya.

Lumapit ulit si Francis samin kasi tumigil tong si Celine.

"Pare, teka lang. Bakit kayo ang magsasabay?" pagtatakang tanong.
"Bawal ba?"

"Hindi naman pero----

Hindi natuloy ang sinabi ko ng magsalita si celine.

"Sabay sabay na tayong tatlo, tutal mauuna kanaman francis samin bumaba at ikaw naman Prince magkasama naman tayo."

Sabi niya.

"Huh, magkasama kayo."

Gulat na tanong ni Francis.

"Hmm... Oo." Sagot ni Celine ng tumutungo.

"sa bahay ni celine? teka may namamagitan ba sainyo?"

Tanong niya at agad ako tumungo at nagsalita.

Diko akalain na sasabihin niya kay francis yun.

"Oo, pero walang namamagitan. Magkakameron palang." sabay kindat kay celine. Nagross ata siya. "actually, mama niya ang nagpatira sakin." Kita ko sa mukha na naiinis siya. Bakit maiinis may sila ba?

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon