54 - Ligawan 102

1.8K 55 3
                                    

Prince Pov's

Ang saya ko kasi talagang pumayag si Tita na ligawan ko si Celine. Hays. Mahal na mahal ko na talaga siya sobra sobra.

Papunta ako sa bahay nila ngayon para hingin ng personal ang kamay ni Celine kanila tita tsaka sa papa niya at kuya na kahit sa skype lang makakausap. Nasa abroad kaya yun.

Agad na akong lumabas ng condominium at pinaandar ang motor ko. Nung makarating na ako agad akong nagdoorbell at si Celine ang nagbukas neto.

"Hi Mahal ko." Sabi ko kita ko sa mukha nito na parang kinikilig naman tapos bigla akong binatukan.

"Ahh! Mahal ko naman oh." Sabi ko habang nakahawak  sa ulo ko. Sakit kaya pero okay lang basta siya.

"Sus, Mahal ka jan. Wag mo ko ma mahal mahal di pa tayo." Sabi niya.

"Magiging tayo naman diba?" Tanong ko ng nakangiti.

"Hmmm.... Pagiisipan ko."

"Pagiisipan mo pa alam ko namang sasagutin mo ako." Sabi ko ng nakangiti.

"Wag kaya kita sagutin." Sabi niya ng nakaCross elbow.

"Mahal ko, Sige aalis na ako." Sabi ko na kunwari ay aalis na.

"Hoy, Joke lang halika na pasok na tayo." Pagsunod niya sakin at hinawakan ang kamay ko.  Kinikilig ako.

"Okay." Sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Pagpasok namin agad na akong bumati kila tita at kay papa este tito at kuya ni Celine na nasa skype.

"Hi Tita." Sabi ko at bumaling naman sa skype. "Hi Tito, Kuya."

"Hoy, Kuya ka jan. Payag ako na ligawan mo kapatid ko basta wag mo lang lolokohin at papaiyakin kundi lagot ka dito." Sabi ng kuya niya at ipinakita ang muscle niya.

"Haha. O...opo kuya." Sagot ko.

"Sus, Babe liit naman muscle mo." Sabi ni Lexi na nandito rin.

"Babe, panira ka naman eh." Sabi nung kuya ni Celine kay Lexi.

Sabay nagtawanan lang kami. Ang sweet nila sana ganyan din kami ni
Celine. Ay mali hindi ganyan mas sweet pa. Haha.

"Salamat kuya. Tito kayo po ba payag po ba kayo?" Tanong ko sa papa niya na medyo kinakabahan.

"Pagiisipan ko yan. Saglit lang." Sabi ni Tito.

Nagiintay ako tapos biglang sumagot agad. 

"Sige payag ako." Bilis ng sagot ah. Haha.

Tumingin ako kay celine at kinindatan ito.

"Papa, kala ko ba pagiisipan mo bakit ambilis naman ata wala pang limang sigundo." Sabi ni Celine kay tito.

"Hahaha. Oh ano payag sila." Sabi ko kay Celine.

"(Ako rin naman payag)" pabulong niyang sabi na narinig ko naman.

"Narinig ko yun." Sabi ko.

"Ewan ko sayo." Sagot niya kaya tumawa lang kami.

Celine Pov's

"Omygosh mga beshie kinikilig ako."

Kinuha ko ang meryenda sa Kusina at inilapag sa Sala kung saan nagkikwentuhan sila mama kasama si Prince.

"Sweetie jan kana pala. Umupo kana." Sabi sakin ni mama kaya umupo naman ako.

"Prince dito kana." Sabi ni Mama at pinaupo sa tabi ko.

"Okay po." Sagot naman ni Prince kay mama.

~~

Pagkatapos nung hingian ng kamay ay nagpaalam si Prince kanila mama na isasama niya ako dahil papakilala daw niya ako sa pamilya niya.

"Tita, pwede ko po ba isama si Celin sa bahay?" Sabi neto.

"Bakit?" Tanong ni Mama.

"Papakilala ko po kila Mama." Sagot neto.

"Ahh maganda yan. Sige. Sa susunod papuntahin mo sila dito sa bahay ha para magkita naman kai ulit ng mama mo." Sabi ni Mama.

Hays si Mama talaga. Tsk!

"Sige po. Makakarating po.

Lumabas na kami ng bahay inihatid kami ni Mama sa labas ng gate. Pagtapos nung paghatid pumasok na sila.

Kinuha ni Prince ang isang helmet at isinuot to sakin nakatingin lang ako sa kanya.

Di ako makapaniwala yung kinaiinisan ko dati nanliligaw sakin at patay na patay na sakin ngayon. Hahaha.

Gwapo niya sobra.

"Hmm. Ehem!" Sabi ni Prince.

"Oh? Bakit?" Tanong ko.

"Nakatitig ka na naman sa mukha ko. Maiinlove ka lalo." Sabi niya.

"Tsk! Kapal inlove na nga." Sabi ko.

"Huh?" Tanong niya.

"Wala. Tara na." Sabi ko.

Umakyat na siya sa motor niya at umakyat na rin ako inalalayan niya ako sa pagakyat hinawakan ni ang kamay ko at inilagay si tiyan niya.

"Shet! Ramdam ko yung abs niya. Hays."

"Okay kapit ka mabuti. Mahal ko."

To be continued:

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon