04.

5.5K 150 2
                                    

(Celine Point of View)
(Walking at the Supermarket)

Inutusan ako ni mama na mamimili ng groceries ngayong araw na to kasi weekend naman. Ako pa tatanggihan ko pa ba si mama eh minsan lang naman ako mautusan.

May mga tumutulong naman samin sa bahay. Matanda na siya kaya kahit nag insist si Yaya Oni na siya nalang amg mamili ay mas nag inisist nalang ako kasi medyo malabo na rin ang mata niya baka kung mapaano pa siya.

"Ya Oni, ako na po minsan lang po ako mautusan ni mama kaya ikaw dito ka nalang sa bahay mamaya kung mapaano ka pa. "

"Sige iha napakabait mo talagang bata ka kaya hindi kita maiwan iwanan nung bata ka pa." Pagpuri ni yaya sakin kaya napangiti lang ako.

Ginamit ko ang sasakyan ni mama since tinatamad ako mag commute. Mainit kasi. Nagstart na ako magmaneho. Malapit na ako mag legal age kaya okay lang naman mag drive ako at may student license naman ako pero hindi okay kung may lto buti nalang wala.

Nagpark muna ako ng sasakyan at saka pumasok sa mall. Nagulat ako ng makita ko si Prince. Nag dahan dahan akong lumakad mula sa pinto ng supermarket padaan sa likuran niya para hindi niya ako mapansin.

"Hey? Stalker?" rinig kong tanong ng nasa likod ko habang dinudukot ko sa bag ko ang listahan ng bibilhin ko.

Dire-diretso akong naglakad na tila 'di ko siya napansin.

Pumunta siya sa harapan ko at hinawak ang dalawa kong balikat.

"Hey! Anong ginagawa mo? Hindi mo ba ako papansin?" Tanong niya habang iniiwas ang balikat ko sa pagkakahawak niya.

"Wait lang ha. I have errand now. So, please get out of my way?" Pagsusungit ko. Sabay bangga sa brasi niyang nakaharang sa harap ko. "Ang sungit mo naman." Nakapout niyang sabi sa'kin. Ano 'to nagpapacute?

After 30 mins nabili ko na lahat ng kailangan. Birthday ni yaya oni today. Hindi niya alam for her lahat ng binili ko. Akala niya for our budget lang dahil may mga stocks pa naman kami ng food sa bahay.

Naglalakad na ako dala dala ang malalaking paper bag na puno ng pinamili ko. Papunta na ako sa parking lot nang sabayan ako ni prince sa paglalakad.

"Hi! Ms. President." pag bati niya sa akin at pumunta sa harap ko. Naglalakad ako ng paabante siya naman paatras.

"Madapa ka sana." bulong ko lang sa sarili ko at nadapa naman siya kaya saktong natapilok ako.

"woahhh." expression ko habang matutumba na at mapahiga sa dibdib ni prince. Nakarma ako dun ah.

"Are you comfortable?" tanong niya. Gosh! "Stop making a fuss!" tumayo na lang ako, inayos ang mga gamit na at umalis na parang walang nangyari.

(Prince Point of View)

Kinarma ata si Celine sa wish niya but It's okay she's safe with me.

Naglakad na siya palayo sakin na parang walang nangyari.

Pero syempre dahil makulit ako sinundan ko siya. Habang naglalagay siya ng mga pinamili niya I sneak in sa loob ng sasakyan niya without even notice me.

Pag sakay niya naggulat nalang siya ng makita ako. May dala din akong sasakyan but pwede ko naman balikan later.

"Hoy! Paano ka nakapasok?" she asked then pinakita ko sa kanya na open ang door.

"Pwede ba bumaba kana?"

"Ayoko nga. Baka pwede mo naman ako ihatid samin?" Makapal na mukha kong sabi.

"Shut up!" highblood na naman siya sakin. Tinulak tulak niya ako hanggang makalabas ako sa sasakyan niya.

Ang laki naman ng galit niya sakin. Sa gwapo kong 'to umiinit pa ang ulo niya.

Napangiti lang ako kasi kakaiba talaga siya.

(Celine Point of Views)

"Oh Iha bakit ang tagal mo? Kanina ka pa hinihintay ng bisita mo."

"Kasi po may tukmol na sumira ng araw ko." tanging sabi ko lang. "Ha bisita sino po?" dagdag ko ring tanong ng marealize ko yung sinabi ni Yaya oni.

Nasa sala daw ang bisita ko. Dumiretso kasi ako sa kusina may pinto kasi sa dirty kicthen namin.

"Prince? Paano mo nalaman ang bahay ko? Tsaka bakit ang bilis mo?" tanong ko at medyo uminit ang ulo ko. "Ayaw mo makita ang goodlooking na katulad ko?" pagyayabang niya. "Wag ka ngang feelingero. Kinikilabutan ako sayo." tangi ko lang sabi at tinarayan lang siya.

Papaalisin ko na siya ng biglang dumating si Yaya Oni na may dalang cookies and juice.

"Iho aaliskana agad? Naghanda ako ng meryenda oh." malungkot na sabi ni Yaya Oni. "Yaya may kinuha lang po siya sakin eh aalis na po siya agad. Hehe." pagtawa kong peke. Atat na atat na akong mapaalis siya. "Sweetie bakit mo papaalisin ang kaibigan mo. Iho dito kana magdinner. Birthday ni Yaya Oni. Magluluto kami." pag yayaya ni mama. "Mama naman eh" I just said napa-pout lips ako at napakunot ang nuo. Nakakainis naman.

"Blehh." Sabay smirk ng nakakaasar sa 'kin ni prince.

"Talaga Hija may handa kayo para sakin?" gulat na tanong ni yaya oni kaya ang atensyon ko napunta sa kanya. Hinayaan ko nalang si Prince at muling naging maaliwalas ang mukha.

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon