Curse

2.6K 73 3
                                    

Celine Pov's

"hatid na kita sa loob." Sabi niya.

"Sige. Bakit mo iniwanan kotse mo?" Tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot.

Iniwanan niya ang kotse niya sa labas ng Village na tinitirhan ko.

"Bakit kaya."

Naglalakad kami ngayon papasok.

"Salamat sa araw na to ha." Pagpapasalamat sakin ni Prince.

"Oo naman. Nagenjoy din naman ako." Tangi kong sabi.

"Nakakatuwa yung bata no?" Sabi niya ng nakangiti.

"Oo nga hehe. Napakacute pa. Tsaka ang cute ng pagkamakulit niya."

Habang naglalakad may naisip akong itanong sa kanya.

"Ahm sure kana ba na akong ang vocal duet mo? And by the way binlock mo ba ako sa facebook?"

"Okay lang ba sayo? No."

Tanong niya at sagot niya.

"Bakit?"

"Ah wala. Hehe. Dito na ako sa bahay ko. Uwi ka na. Ingat ka. Salamat nag enjoy ako sa araw na to salamat ulit nung pagiging nurse mo sakin nung Huwebes."

Sabi ko. Haba no. Hahaha.

"You're Welcome."

~~

Prince Pov's

Habang naglalakad  at nagkikwentuhan kami napatanong sakin si Celine kung Binlock ko ba daw siya sa facebook.

"Ahm sure kana ba na akong ang vocal duet mo? And by the way binlock mo ba ako sa facebook?"

"Okay lang ba sayo? No." Tangi kong sabi.

"Bakit?" muli kong tanong.

"Ah wala. Hehe. Dito na ako sa bahay ko. Uwi ka na. Ingat ka. Salamat nag enjoy ako sa araw na to salamat ulit nung pagiging nurse mo sakin nung Huwebes."

Pagpapasalamat niya sakin. Hahaha. Always welcome naman siya.

"You're Welcome."

Ang tangi kong sinabi tsaka umalis na ng Village nila.

Nung makauwi na ako sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ko at iniopen sa cellphone ko ang  facebook.

Kaya niya pala yun natanong kasi nakablock nga siya sakin.

S..sino kaya ang nagblock?

Pagiisip ko.

Alam ko  na kung sino. Alam niyo ba?

Wala namang iba kundi yung Ex ko na magpupumilit na maging kami ulit. Si Ashley.

Inunblock ko na muna siya at menessage agad at agad na nag Add.

You sending a message to Celine Mercado.

Enter:

Prince: Hi Celine. Accept mo na ako :).

Sending.......

Hinintay ko muna ang message niya bago ibaba ang cellphone na hawak ko.

Hanggang sa nagpop ang phone ko at name nga niya ang nandun. Napangiti lang ako nung makita ko yun.

Inaccept niya ang Request ko.

Celine Mercado Accepted your Request.

Nagreply naman siya sa message ko.

Me: Celine, Salamat.

Celine: You're welcome.

Pagkatapos ay inilapag ko na ang cellphone ko di na ako nakapagreply. Yung plano kung makipagchat kay Celine naudlot. Nandito na naman ang ex ko. Biglaang dumarating ng di nagsasabi.

"Hays. Kelan ba to mawawala sa buhay ko?"

~~

Celine Pov's

Pagpasok ko sa bahay agad kong inayos ang pagkain ko atsaka umupo na sa mesa. Habang kumakain ay naglalaptop ako.

"Ang lungkot pala kumain magisa."

Sabi ko sa sarili ko.

"Hays, bakit kasi nagadjust pa ng meeting yung bussiness partner ni Mama. Hehezz."

Sabi ko ulit sa sarili ko naparang nawawalan ng ganang kumain.

Nagbukas ako ng Loptop at ini-open ang website na Friendsbook.

Binuksan ko ang messages and nakita ko na nagmessage si Prince.

Prince Ventura have a message.

Prince: Hi Celine. Accept mo na ako :).

"Hmm."

Iniopen ko ang Friendlist ko kung saan nakikita ang mga nag A-add.

Prince Ventura wants be your friend.

Accept or Ignore

"Inadd niya ako ulit?"

Inaccept ko naman ito at nagreply sa message niya.

Accepted Prince Ventura Friend Request.

Prince: Celine, Salamat.

Me: You're welcome.

Agad ko ng pinatay ang laptop ko at isinara na.

Bigla nalang ako napangiti.

"Shitt, bakit ka ngumingiti?"

Sabi ko sa sarili ko at sinampal sampal ang pisnge.

"Hays."

Nung matapos na ako kumain niligpit ko na ang pinagkainan ko at nilagay sa ref ang ulam na natira ng may nakita akong number na nakasulat at nakadikit sa Ref.

"09*********."

Nang naalala ko ang sinabi ni Prince sakin nung isang gabi.

"Bakit di mo ako tinawagan may number naman ako sa ref."

"Eto pala sinasabi niya." Sabi ko sa sarili ko kaya nagtry ako na tawagan ito.

Ring! Ring! Ring!

"Ay, di sumsagot?"

Nagtry ako ulit. Try and try until you succeed nga diba?

Ring! Ring! Ring! Wala pa ring sagot.

Tumawag ulit ako.

Ring! Ring! Ring!

Hanggang sa may sumagot na.

"Hello." Sabi ko sa telepono ng biglaan itong ibinaba.

"Huh? Wrong number ba ako?" Sabi ko sa sarili

"Baka niloloko lang ako ni Prince na kanya to."

Maya maya ay may tumawag sakin.

Unknown number calling.....

"Sino naman to?"

Agad ko naman ito sinagot.

"Hi." Sabi nung sa kabilang linya.

"Hello, Sino po ito?"

Tanong ko.

"Don't you try to call my boyfriend again. Humanda ka." Sabi nun. Bigla naman akong kinabahan at napababa lang ang telepono ko na hawak ko.

"Ha." Sino yun?"  Pagiisip ko.

Nakakatakot naman yun. Sino naman kaya yun.

"Boyfriend daw?"



Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon