33 - tatlumpu't tatlo

1.9K 57 0
                                    

Prince Pov's

Pagkatapos namin sunduin si Tita ay umuwi na ako agad.

"Grabe anganda niya natulala ako."

Sabi ko sa sarili ko.

Pinipilit kong dedmahin siya pero bakit ganun kapag haharap ako sa kanya lumalambot ako. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero iniisip ko na baka magalit siya sakin bigla.

Pagdating ko sa lobby agad ko ng ipinark ang motor ko at sumakay na ako ng elevator.

Pinindot ko na ang fifth floor. Yung mga babae dito nakikita ko sa salamin na nakatingin sakin.

Sa pogi ko ba namang to. Peace. Simula ata nung nareject ako ni Celine di ko na napapansin yung mga babaeng gustong mapansin ko.

"Hello kuya."

Sabi nung isang babae at kinulbit ako.

"Hi."

Sagot ko naman sa kanya

"Ikaw po ba yung lalaki sa airport yung kasama po ni Ate celine."

Sabi nung babae na ikinataka ko.

"Huh? Hmm... Bakit mo siya kilala?"

Tanong ko dahil nga nagtataka ako.

"Ah, Girlfriend po ako ng kuya niya."

Sabi nung babae.

"Ah."

Tangi kong sabi.

"Ahm. I'm Lexi Alcantara."

Pagpapakilala niya kaya nagpakilala rin ako syempre.

"Ah, I'm Prince Ventura."

Pagpapakilala ko.

"Prince pala po pangalan mo."

Sabi nung babae.

"Oo."

Hanggang sa nasa fifth floor na ako dito rin pala sa condo tumutuloy yung girlfriend ng kuya ni Celine.

Pumasok na ako sa loob at umupo agad sa Sofa. Napagod ako eh kasi ako ang nagbuhat ng ibang gamit ni tita. (Mama ni Celine).

Celine Pov's

Nung makarating na kami sa bahay inilabas ko agad ang niluto ko kaninang umaga na Adobo at Chicken Curry nasa ref pa yung ginawa kong Leche flan na tatlong lanyera at ang carbonara.

"Mama, yaya tikman niyo po."

Sabi ko.

Agad naman nila itong tinikman at napakain na sila.

"Ineng, galing mo na magluto ah. Nakabuti ata ang pag iwan namin sayo dito."

Sabi ni Yaya.

"Hahaha"

Pagtawa ko.

"Oo nga pala Celine. Bakit naman umalis dito si Prince."

Sabi ni Mama.

Natahimik lang ako bigla at binaling ang mata sa pagkain.

"Ma, kain pa kayo."

Sabi ko.

"Sige... Sarap ha."

Hahaha sabi na eh konting baling lang sa kahit ano makakalimutan ni Mama ang gusto kong hindi pagusapan haha.

Pagkatapos kumain hinugasan ko na ang pinagkainan. Alangan naman sika pahugasin ko pagod kaya sila.

Pagtapos ay pumunta na ako sa kwarto ko.

"Ring! Ring!

Tunog ng telepono ko.

"Sino to."

Sabi ko habang di pa sinasagot ang phone.

"Hello sino to?"

Sabi ko.

"Hi Ate celine si Lexi po ito."

Sabi nung nasa telepono.

"Ay ikaw pala napatawag ka?"

Sabi ko.

"Nakauwi na po ako galing Us."

Sabi niya.

"Ha, talaga ba? Si Kuya?"

Sabi ko.

"Di ko po alam eh kung kelan uuwi yun."

Sabi niya.

"Ah ganun ba?"

Sabi ko.

"Te, celine samahan mo naman ako dito sa condo in 1week please. Wala kasi ako kasama."

~~
Bata pa si Lexi. Oo mas bata pa sakin  pero naging girlfriend siya ng kuya ko. Hahaha. Parang bunsong kapatid lang eh.  17  na kasi ako si kuya 19 na tapos si Lexi 16 palang pero nakapagu.s na siya kasi citizen na siya dun since bata pa siya dun na siya lumaki pero magaling siya magtagalog tsaka dun sila nagkakilala ni kuya Two years na nakauwi ng pinas si Lexi and pang tatlo niya to.

~~

"O siya sige. Kelan ba?"

Sabi ko.

"Hmm. Bukas po pwede. Hihi."

Sabi niya.

"O sige magpapaalam ako kay Mama bukas okay."

Sabi ko.

"Okay po. Yeheyyy... tsaka may kikwento pala ako sayo."

Sabi niya.

"Ano yun."

Tanong ko naman.

"Bastaaa..."

Sabi niya.

"Ano nga."

Pilit ko.

"Basta po bukas ko na kikwento bye bye."

Sabi niya at ibinaba agad ang telepono. Ano ba kikwento nun.

To be continued:

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon