28 -Pagamin

2.1K 55 5
                                    

Nung matapos na ang experiment namin agad na kaming pinalabas para sa next subject namin.

Pabalik na kami nila Ayna at Francis sa Room.

Habang pabalik ay lumapit sakin si Prince.

"Wow! Di niya kasama si Ashley ha."

Bakit sa tuwing hindi niya kasama yun saka niya lang ako nilalapitan ng ganito. Oo, nilapitan niya ko kanina nung nagaagawan kung san ba akong grupo. Pero iba naman to.

Hinila niya ang kamay ko ng konti lang kaya naialis ko rin agad.

"Teka, Bakit?"

Tanong ko.

"Pwede ba tayo magusap?"

Tanong niya.

Hinila na naman niya ulit ang kamay ko pero bumitaw ako ulit.

"Wait, wait. Ano bang paguusapan natin?"

Tanong ko na nagtataka.

"Basta."

Bigla na naman niyang hinila ang kamay ko ng basta sa pagkakataong to di na ako nakabitiw nalaglag nalang ang libro na hawak ko sa sahig.

Lumingon ako sa likod ko at nakitang pinulot naman to ni Francis.

"Teka, san mo ba ako dadalhin?"

Tanong ko habang hila hila niya ako.

"Bastaaa. Maguusap lang tayo."

Sabi niya.

Nung makarating na kami sa likod ng campus sa Field. Agad naman siyang umupo sa damuhan at pinapawi ang hingal habang ako rin pero nakatayo lang sa harapan niya.

Tahimik lang kami maya maya nagsalita siya.

"Bakit di ka sakin pumunta?"

Tanong niya na hindi ko naintindihan.

"Huh?"

Gulat kong sabi.

"Bakit kay Francis ka lumapit?"

"Bakit hindi sakin?"

Tumayo siya at...

"BAKIT SA KANYA."

Nagulat ako ng isigaw niya sa huling salita. Nagulat naman ako bigla dahil kasabay nun ay kasabay ng paghawak niya sa dalawang kamay ko ng mahigpit.

Natakot ako bigla sa kanya kaya di ako nakapagsalita at yumuko lang.

"Bakit sa kanya."

Bulong niya bigla.

Umalpas ako sa pagkakahawak niya sakin.

"Bakit may kapartner ka naman andyan nga si Ashley diba. Kung tutuusin dapat ako ang naiinis kasi ako ang nawalan ng kapartner. Alam mo ba yun? Ha."

Nabigla ako ng sinabi ko yun pero muli akong nagsalita.

"Tsaka bakit kaba nagagalit ha kung kay Francis ako pumunta naging tatlo nga kami sa halip na dalawa lang sila buti nga tinanggap nila ako sa grupo nila. Hindi ako nang-agaw."

Sabi ko ulit.

"Ano ba ang kinagagalit mo ha? May Ashley ka naman ah. Makuntento ka na siya na ang kapartner mo sa experiment na yun."

Habang sinasabi ko ang lahat ng yan natahimik lamang siya at di na umimik.

"Alis na ako."

Pagpapaalam ko sa kanya kaya naman nung paalis na ako nagulat ako ng magsalita siya dahil sa hinaba haba ng itinahimik niya.

"Mahal kita."

Nagulat ako ng marinig yun. Pero nakatalikod na ako sa kanya kaya naglakad nalang ako muli at dinedma ito.

"Mahal kita."

Ulit niyang sabi. Lumakad ako ulit at pinipilit na dedmahin siya.

"Celine di mo ba ako naririnig mahal kita. Mahal na kita."

Napatigil naman ako bigla ng yakapin niya ako sa likuran ko at may luhang tumulo sa mga mata ko.

"Celine, matagal na to di ko lang masabi sayo dahil alam mo na---"

Sabi niya. Bago humarap ay pinunasan ang konting luha na tumulo sa mata ko tsaka naman ako humarap.

"Prince. Thank you."

Pagpapasalamat kong sabi at ngumiti lang kahit na gusto ko ring sabihin na gusto ko siya.

Ashley Pov's

What the hell Prince do that!!??

Hmmm... Galit na galit kong sabi.

Paano ako di magagalit. Iniwanan lang ako dito sa classroom. Parang hinatid lang niya ako.

Lumabas ako para hanapin siya pero nakita ko ng hilain niya si Celine habang kasama yung mga kaibigan nun.

"Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya. Kaya niya ba ako iniwanan para lang kay celine."

Sinundan ko naman siya at nakita ko ang lahat ng nangyari habang pinapanood sila tumutulo na ang luha ko.

Ano ba ang ginawa ko. Minahal ko siya Mahal na mahal pero bakit iba ang gusto niya.

"Humanda siya."

[3rdParty: Humanda siya sakin. Humanda ka Celine. Sabi ni Ashley sa isip niya.]

Ms. Suplada meet Mr. FeelingeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon