[Alexis's POV]
Hindi ko alam kung bakit ganto nalang ang naramdaman ko ayoko ng may babaeng umiiyak sa harapan ko dahil nagiging mahina ako pag nakakita ako ng babaeng umiiyak, di ko alam kung bakit niyakap ko rin siya siguro para maging komportable siya?
..
.
.
Kahit na ganto naman ang ugali ko basagulero, tarantado, Gago may awa parin ako may puso parin ako kahit papaano,Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap ko siya pinunasan niya ang luha niya at napayuko, pinagmasdan ko lang siya kahit siguro ako ang nasa sitwasyon niya ay napakahirap, pinagtatabuyan,pinangdidirian,
"Late na tayo," maya maya'y sabi niya kaya napatingin din ako sa wrist watch ko at napakamot ng ulo
"W-wag na tayong pumasok sa class sa susunod na subject nalang natin," sabi ko at napanguso nama siya saka bumuntong hininga
"Paano kung may quizzes tayo?" Tanong niya napaisip din ako dahil sa sinasabi niya at mas kinabahan ako dahil makarating pa kay daddy ang ginawa ko pero gusto kong pagaanin ang loob niya kahit papaano kaya hindi na muna ngayon..
Hind ko siya type okay?! Wala kasi akong maasar eh k-kaya ganto!
%>_<%
"Uy," sabi niya kaya agad akong napatingin sakanya
"Ah eh edi ano babawi nalang tayo next time," sabi ko at napairap naman siyaAng hilig na umirap ng babaeng to ah!?
"Gusto mong kumain?" Tanong ko at napailing naman siya
"Bawal lumabas ng university ah?" Sabi niya at napangisi naman ako kaagad saka inayos ang pagkakabitbit sa backpack ko" anak ako ng may ari ng school na to kaya gagawin ko lahat ng gusto ko," sabi ko at napaamang naman ang bibig niya
"Hays sabagay," tatango tangong sabi niya at napatawa naman ako dahil sa reaksyon niya"Tara bili tayo ice cream," aya ko sakanya at hinila ang kamay niya saka pasimplenh sumisilip sa bawat corridor dahil baka may dumaang teacher o guard
"Baka mahuli tayo sa ginagawa mo alexis wag nalang kaya?" Bulong niya sa likod ko at napailing ako
"Eh ano naman? Sabi ko nga anak ako ng may ari ng school na to kaya kahit ano magagawa ko," tugon ko at di kona siya narinig na nagsalita pa patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa gate" Lalabas kami," tugon ko sa dalawang guard na nagkatinginan pa muna bago bumaling saakin
"Eh sir alexis b-bawal po eh," sabi nung lalaki na nagkakamot pa ng batok
Nakakainis talaga tong guard na to!
"Just open the got damn gate!" Inis na sigaw ko sakana at agad naman silang dalawa napakilos
"Y-yes po sir alexis s-sorry po," pagpapaumanhin ng isang lalaki habang nakayuko sa harapan ko
Akmang lalabas na sana kami ng gate nguniy huminto ako at humarap ulit sakanilang dalawa
" Wag nyong ipapaalam kay dad tong ginawa ko dahil kapag ipinaalam nyo toh lagot kayo saakin," pagbabanta ko at tango namn sila ng tango saakin
"Y-yes po sorry po ulit sir alexis,"
Ani nung guard at tinignan ko naman si nerdy na agad ding napatingin saakin"Let's go," aya ko at hinila siya sama kami naglakad papuntang park at walang masyadong tao rito
Pumunta agad kaming dalawa sa may nagtitinda ng ice cream at bumili
"Cookies and cream po manong," sabi ni nerdy at nag labas ng wallet pero pinigilan ko siya at umiling kaya nagtatakha niya akong tinignan
"My treat," sabi ko at napangiti siya ng malaki saka itinago ulit ang wallet niya
YOU ARE READING
Playboy's Love [On-Going BOOK 1]
Teen Fiction"Don't give yourself a reason to give up beacuse in the end you are the one who will sacrifice and hurt so much."