"Oh ano? Kaya mo pa ba alexis! Go! Go!"
Cheer nang ibang mga kaklase ko saakin dahil sa activity na nilalaro na namin ngayon..
At ang mas nakakainis pa kalaban ko pa si zandrei kaya mas lalo akong nababadtrip..Gumagawa kasi kami ng tore gamit ang mga cubes na maliliit..
At ako pa ang napiling player para sa section namin..Si nerdy ayun naka upo lang sa gilid at nakafocus lang sa paglalaro naming dalawa ni zandrei..
"Sht! I quit!"
Biglang hagis ko ng nga cube na hawak hawak ko sa kamay ko at tumayo.. Napatingin saakin si zandrei at palihim na ngumisi..Fvck!
"So! Our first round winner is zandrei forbes!"
Pag aanunsyo nila pumunta lang ako sa may isang bato at naupo dun..Nakatingin lang ako sa mga tubig na umaagos.. Napakasarap pag nandito ka no? Tahimik na lugar... Tanging yung magagandang tunog lang ng tubig at huni ng ibon ang maririnig mo..
"Tulala ka? Lalim yata ng iniisip mo,"
Biglag singit ni nerdy at naupo sa may gilid ko nginitian ko lng siya at saka tumingin sakanya.. Napatingin din siya saakin saka nginitian ako pabalik..
Ano kayang nagiging reaction mo pag nalaman mong gusto kita? Sana wag mo akong ireject... Alam kong hindi ko pa nararanasan ma reject ng isang tao pero feeling ko.. Masakit mareject ng taong gusto mo..Nasanay kasi ako sa madaliang gawain lang.. Actually kahit kay kate? Di ko naranasan na ligawan ko siya.. Pero sobrang nasaktan ako nung nalaman kong may pinalit siya saakin..
Tapos ngayon babalik siya.. Sisirain niya yung saya ko? Ha! Hindi ba masyado naman atang makasarili ang tawag dun..Kahit sana di na kami suportahan niyaparin ako sa kahit na anong desisyon ang gagawin ko sa buhay hindi yung, siya pa ang magiging kontra nito sa pagsaya ko
"Mag kuwento ka nga, di pa kasi kita naririnig na mag kuwento,"
Biglang sabi ni nerdy napatingin ako sakanya at ngumiti saka tumawa."Hindi kasi ako palakuwento,"
Tipid na ngiti ang sabi ko sakanya.
Totoong di ako palakuwento, di ako mahilig magkuwento ng mga naranasan ko sa buhay ko, maski sa relasyon.."Hmm.. Okay,"
Aniya.
Namuo saglit ang katahimikan at maratamdaman mo ang awkward atmosphere na nababalot sainyo.."Pero try kong magkuwento. Ano bang topic ang gusto mo?"
Tanong ko sakanya. Napatingin din siya ng seryosong seryoso saakin at sumagot.."Tungkol sa babaeng nagugustuhan mo ngayon?"
Aniya at nag iwas ng tingin saakin saka bumuntong hininga.. Suminghap din ako at napatango."Once upon a time.... I fell inlove with a person... W-who can't love me back.. The end,"
Maikling sabi ko napatingin nanaman siya saakin ng may kunot ang noo"Oh bakit ganyan ang Itsura mo haha,"
Tatawa tawang sabi ko sakanya napairap siya saakin at kinuha ang bag niya sa tabi saka niyakap ito.."Kuwento naba yon? Ang ikli naman,"
Aniya habang pinaglalaruan ang bato.."Kung yun lang ang kuwento mo, bigyan mo nalang ng meaning yang sinabi mo para.. Mas maintindihan ko,"
Pahina nang pahina ang boses niya habang nakatingin parin sa mga bato na pinaglalaruan niya.."Nainlove ako sa babaeng.. Hindi ako kayang gustuhin pabalik sapagka't may gusto siyang iba,"
Nakayukong ani ko naramdaman kong tumingin siya saakin at napaayos ng upo.." first time nangyare yan sayo no?"
Aniya napatango naman ako at napaisip.."Oo.. Di pa nga ako totally nakakapagconfess sakanya.. Broken hearted na agad ako.."
Ani ko..
YOU ARE READING
Playboy's Love [On-Going BOOK 1]
Teen Fiction"Don't give yourself a reason to give up beacuse in the end you are the one who will sacrifice and hurt so much."