PL 47: I'm Yours

116 2 0
                                    

Ako na si alexis warren. Ang dakilang playboy slash badboy nagbago. Dahil sa isang babae at natuto ulit na magseryoso

"Mr. Warren~ Ano nanamang ngiti yan? " pangaasar ni justine sa tabi ko habang naglalakad lakad ako dito sa garden tinignan ko naman siya at nginisian lang sabay kagat labi

"Aba! Inlove ang mokong! Hahaha!" Malakas na sabi ni claud at binato ako nang plastic bottle sa ulo kaya binato ko rin siya pabalik nito pero di parin nawawala ang ngisi saaking mga labi

"Samantha ang dahilan niyan, wag na kayong nag tanong obvious naman,"singit ni james na nagbabasa ng libro habang naka dekuwatro

Tumpak! Napatingin ako kay james habang naka okay sign umiling naman siya at ngumisi

"Iba talaga nagagawa pag inlove~" ani claud at hinila patayo si justine at saba'y silang sumayaw na dalawa

"Oh aking diwata, nais ko bang mahiram ang iyong kamay saglit para sa ating pagsayaw?" Banat ni claud binatukan naman siya ni justine at ni middle finger

"Sinasayaw mo na nga ako eh. Lul!" Sigaw neto kay claud dumila naman si claud kay justine at tumalikod na saka tumabi kay james

"Ikaw nalang fafa james, pwede ba kitang maisa--"

"No,"

"Masakit mareject," nakahawak sa puso na sabi claud

"Alam ko, kaya kung ayaw mong tuluyang masaktan wag kang umasa,"
Sagot ni james
Aray! Ang lalim nun ah
Umakting naman si claud na parang iiyak na at tumabi naman sakaniya si justine at kumanta ng sad song.

Mga baliw

"Nga pala mr. Warren? Ano na nangyari dun sa alam ko na," tataas taas na kilay ang sambit ni justine saakin.. Napabuntong hininga naman ako saka tumigil sa paglalakad

Ano pa nga bang magagawa ko edi i cancel 'to masyado pa kaming bata at saka di di naman tamang ipakasal ka sa taong di mo naman na mahal no

"Sinabi ko na.. Wag ituloy," simpleng sagot ko at napataas naman ang kilay nila at parang bang naghihintay pa sa susunod na sasabihin ko
"Yun lang?" Tanong ni justine habang sumisipsip ng zesto

" Bwisit, tigilan mo nga yang pagsipsip mo sa zesto nang may tunog," iritado kong sabi kay justine napanguso naman siya kaya umiling nalang ako "wala kang ibang sinabi?" Singit ni claud

"Wala, ano pa bang kailangan kong sabihin?" Sabi ko nagkatinginan naman silang tatlo at sabay sabay na sumigaw " Na sabihin mong di mo mahal si kate dahil gusto mo si samantha!" Ani nilang tatlo

Napailing naman ako at ngumuso.
Mas okay nang yun na muna ang sabihin ko, ayokong mag-karoon ng gulo, kilala ko si kate masyado siyang spoil at pag di niya nakuha ang bagay na gusto niya gagawa siya nang issue

Saktong tumunog ang bell kaya si james ay nagpaalam na pupunta na daw silang dalawa ni claud sa may room.. Si justine naman pinauna ko na sinabi kong hindi ako makaka attend ng klase namin

Buong araw nandito lang ako sa garden inaantok din kasi ako at tinatamad akong makinig
Wala pa ako sa mood buong araw di ako nakatulog nang maayos ewan ko kung bakit.

Sinuot ko ang headset ko at mahimbing na natulog sa ilalim ng puno






"Bes si alexis kyah"
"Ang  gwapo niya talaga,"
"Wag nga ka'yong maingay baka magising siya malalagot ta'yo,"

Nagising ako dahil sa may nararamdaman akong mga ilaw sa paligid ko unti-unti kong minulat ang mata ko ng may bumungad saakin maraming babae na nakapaligid ngayon. Napaayos ako nang upo at agad ding tumayo at ibinaba ang headset ko sa aking leeg

Playboy's Love  [On-Going BOOK 1]Where stories live. Discover now